Inaamin kong nabigla ako nang makita ko siya ngunit kagaya ng ginawa ko kanina'y pinili ko na lamang magkunwaring wala akong nakita at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa coffeeshop.
Bahala na kung ano man ang sabihin nila Ate Tess sa inasta ko.
Pakiramdam ko kasi'y muli na namang uminit ang mukha ko - dahil nanumbalik ang kahihiyan na siya mismo ang nakasaksi.Akala ko hindi niya agad ako nasundan hanggang sa makapasok ako sa loob ngunit nagkamali ako dahil siya na mismo ang naunang maglakad upang nakaharap ako.
Ayan na naman at nagiging makulit na naman siya."Hey.. Hanggang kailan ka ba tatahimik jan and pretend na hindi mo ako nakita?"
Sambit niya na nagpatigil sa akin.
I tried to look at him pero sa tuwing gagawin ko iyon ay na-didistract ako.
Kaya muli ko na lamang iyuyuko ang aking mukha. Enough para hindi niya makita ang napakalaki kong eyebag. Baka kasi way niya na naman ito para pagkatuwaan ako. Thinking na masyadong nakakahiya ang mga ipinakita ko sa kaniya these days."Sorry. Hindi kita mai-entertain ngayon. Nasa work ako remember at baka masira pa ako nang dahil sayo. Next time na tayo mag-usap pwede? Marami pa akong gagawin. "
Ang tanging naisagot ko sa kaniya saka na nagpasyang umalis subalit muli akong nabigla nang hawakan niya ang braso ko.
Ang weird dahil pakiramdam ko'y nakuryente ako sa mga hawak niya. Kaya naman agad akong napalayo sa kaniya.
"Hindi mai-entertain? Diba nga ito ang work mo? So it means kapag hindi mo ako inentertain, then there's a chance na malaman ito ng manager --"
"Huwag mo akong takutin. Tsaka excuse me, hindi sa dine ang duty ko ngayon. Kaya shooo!"
Sana naman matinag na siya sa ginawa kong pagpapalayas (kunwari) sa kaniya rito sa coffeeshop. Sa totoo lang ay kanina pa ako nagbalak na makita at kausapin siya with regards sa pagpunta niya sa bhouse at pagkausap niya kay Tin tungkol sa babaeng border na nagngangalang Athena , but it's kinda weird dahil nang makita ko siya'y sobra talaga akong nakaramdam ng pagkahiya.
Yung blouse kong bukas na nakita niya, ang nangyaring unexpected na shower sa resto nang kumain kami at ang pagkanta ko sa bench hawak ang lyrics na pagmamay-ari pala ng Grade 7 which is sinauli kong crumpled paper na...
lahat ng iyon ay nanumbalik sa akin.
Kaya naman wala na talaga akong mukhang maihaharap sa kaniya.
Sobra na akong nilalamon ng kahihiyan.
Hindi na niya ako pinigilan pa sa pagtakbo patungo sa restroom.
Ni-lock ko na rin ang restroom para sure na hindi siya pumasok kung talagang nagpupumilit siya.
Mabuti na lamang at hindi ako waitress ngayong gabi. Swap naman kasi kami ngayon ni Sunshine so it means na siya naman ang naka-toka sa pagsi-serve.
Matapos magbihis ay muli kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.
At wala akong ibang nakita kundi ang isang mukhang oily, maraming pimples at acnes, blackheads, chicken pox marks at napakalaking eyebag.
In short isang mukhang sobrang haggard.
Mapapapikit na lamang ako sa tuwing maiisip na humarap ako sa kaniya na ganito ang itsura!
Hindi ko na pinatagal pa ang pagtitig ko sa salamin dahil pakiramdam ko ay lalo lamang akong nada-down kaya agad ko nang kinuha ang bag ko at kinuha ang pulbo na siyang pinagtitiyagaan kong gamitin sa eyebag ko.
As I've said before, wala naman akong paki sa remedies or skin care. My only concern was to live peacefully and happy na walang umaapi at nagpapakialam sa buhay ko. Yet as I grew older, I wonder na may big role rin pala ang looks lalo na't nowadays, hindi mapagkakailang doon na tumitingin ang tao.

BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?