Magdamag akong hindi pinatulog ng regalo di umano ng parents ng Bohr na iyon. I mean, kung talagang regalo ito ng napakabait niyang ina, bakit naman kaya ako nito bibigyan ulit thinking na nauna na akong bigyan ng tip?
Hays. Nakakabaliw lang isipin.Mabuti na lamang at mga tulog na ang mga kasama ko sa bhouse kaya hindi na ako nahirapan pang halungkatin especially ang medium size paper bag na kanina ko pa tinititigan. Ipagpapabukas ko na lang sana ang paghalungkat nun dahil tutal, may idea na ako kung ano ang laman. Pero one thing na hindi talaga ako pinapatahimik ay ang tanong na , "Ganun ba talaga ako kapangit para bigyan ng skin care?"
Pakiramdam ko tuloy bigla na naman akong na-down at na-turn sa sarili ko.
Ayoko sanang isipin pa na iyon ang dahilan ngunit wala . Iyon ang automatic na pumapasok sa isip ko everytime."Kalma, Athena. Take it as a blessing at pasalamatan mo na din sila sa kabutihan nila sayo kahit hindi ka nila ganoon ka-kilala. Tsaka hindi naman ibig sabihin ay pangit ka na purket rinegaluhan ka nila ng skin care. Malay mo diba gusto lang nilang mas mag-improve pa ang beauty mo!"
Para akong baliw habang patuloy na chini-cheer up ang sarili ko. Okay lang namang kausapin ang sarili ko sa mga ganitong pagkakataon dahil mga tulog na ang mga kasama mo at walang mag-jajudge sa akin.
Dali-dali ko na ngang kinuha ang paper bag at hindi na nagdalawang-isip pang buksan.
At halos napatayo ako nang makita kung ano ang laman nito.
May mga eyebag creams at mayroong fresh pipino na nakalagay pa sa Tupperware. Mayroon ring teabags at wait .. gatas?
Teka. I understand na para sa eyebag ang pipino at ang eyebag creams chu chu na ngayon ko lang talaga na-encounter sa buong buhay ko.
But I wonder kung para saan ang teabags at gatas.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang ito at muling ibinalik sa lalagyan ang mga creams upang itago dahil baka makita pa ng mga echosera kong boardmates nang may bigla akong makitang nakatuping papel na naiwan sa loob ng bag.
Agad ko iyong kinuha at napalunok ako nang mabasa ko kung ano ang nakasulat roon--.
It's a letter from her Mom.
-
Hi. Have a good day. To tell you this, it's nice to meet you sa coffeeshop. Despite of the fact kasi na naalala ko sayo bigla ang anak kong babae which is nakababatang kapatid ni Bohr, hindi ko rin inexpect na kilala mo pala ang anak ko. And I'm happy dahil naging best friend mo siya.
Please take this as my gratitude for making me - and my husband happy that day and I'll never forget your genuine smile.
And of course please take this as my help, at the same time.Don't feel bad or insulted anyway if I gave you this product. It doesn't mean that you are not that charming, because for me, you are prettier inside and out. Yet, I just want you to be more good-looking outside.
I hope you understand. Kaya don't forget to look at the back. Nakasulat jan ang mga procedures kung paano gagamitin.Thank you for being a good friend to my son and I want to apologize if sometimes, he's being hyper or crazy. That's what he is :)
Take Care Always!
Vina.
I never expect it. Hindi ko lubos-maisip na ganito pala talaga kabait ang Mom niya to the point na pinadalhan niya pa ako ng gift to appreciate everything na ipinakita ko sa kanila that night sa coffeeshop.
Bigla ko tuloy naalala sila Mama kaya naman hindi ko mapigilang mapaiyak.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?