Para akong natahimik na ewan habang naglalakad at nakikinig sa kaniyang hindi matapos-tapos na kuwento. Hindi ko alam pero para bang matagal ko na siyang kilala dahil ganun na lang ako ka-interesado at kadaling maniwala. Sabagay, mas kapani-paniwala naman kasi talaga siya when it compares to Zashumi.
Tsaka napakaganda nga niya. Di hamak na maganda rin ang kalooban niya. Siya ang tunay na Dyosa.Ang friendly niya sa totoo lang. Siya yung tipo na hindi ka talaga ma-bobored dahil marami siyang baon na kwento. In love na nga yata ako sa kaniya hihi.
Kaya naman napapaisip ako sa sinabi niyang first love niya ang lalaking iyon.
At unrequited pa. So it means one-sided lang at never siyang nagustuhan ni Bohr?
Aba'y baliw ba ang lalaking iyon at bakit mas pinili niya pa ang napakaarteng babaeng si Zashumi kaysa kay Ms. Beautiful?Mas magiging masaya sana akong pakinggan kung naging ex rin siya ni Bohr pero thinking na never naging mutual ang feeling nila , it saddens me. Dahil kung ako si Bohr at nagkagusto sa akin ang babaeng mala-Angelina Jolie ang ganda.. naku at hindi ko na talaga pakakawalan pa.
Bulag yata siya at ni hindi man lang niya makita iyon.
"S-sorry to hear."
"You don't have to. Tsaka kahit one-sided lang ang nangyari.. I'm still glad dahil napapasaya niya ako. Oo nga pala , mabalik ulit sayo.. paano mo naging best friend si Bohr? At bakit ngayon ko lang yata nalamang may closest friend pala siya? Do you mind to share? Magkuwento ka naman.."
Nakangiti niyang tugon sa akin.
Kasalukuyan na kaming nakaupo sa bench habang hinihintay tumunog ang bell na hudyat nang pagsisimula ng aming PE class sa gymnasium.
Napalunok ako. Hindi ko kasi alam kung paano ieexplain sa kaniya ang lahat. Mabuti na lamang kung kasama ko ang lalaking iyon at magaling siya sa mga bagay na ito. Pero ngayong kaharap ko ang napakagandang babaeng sinaktan niya noon, wala na ngang nalalabi pa upang gawin ang best sa paglikha ng kwento. Parang ang sama ko naman kasi kung hindi ko ishe-share sa kaniya ang tungkol sa pagkakaibigan "daw" umano namin ng lalaking iyon. Remember kanina pa siya walang patid sa kakakwento .. at hindi naman yata tama if mananatili lamang akong listener niya.
Kaya sige. Bahala na kung anuman ang masabi ko sa kaniya.
"A-actually, nagkakilala kami somewhere - I mean sa Mall , oo sa Mall. That time, wala akong idea na anak pala siya ng mayor since kararating ko pa lang noon sa probinsiya. Then yun, sinabi niya sa akin na no need na daw para malaman ng iba na may best friend siya. Nagkikita naman kami pero hindi madalas. Until ayun, nalaman na rin ni Zashumi.."
Sa tingin ko nama'y napapaniwala ko na rin siya sa mga sinasabi ko.
Pero , nakokonsensya lang talaga ako na ewan. .Kasalanan talaga ito ng lalaking iyon. Sana , pagdating ng panahon ay mapatawad ako ng napakagandang dilag na kaharap ko ngayon. Dahil talagang napipilitan lang akong magsinungaling nang dahil sa deal.
"Okay. Now I understand kung bakit ngayon lang namin nalaman. And I'm glad to know na isang simple at kalog na babae ang naging best friend niya. S-so iyon pala ang reason kung bakit nakita kitang binubully ni Zashumi sa CR?"
Napatingin ako sa kaniya.
"Oo.. isa lang yun sa napakaraming rason."
Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko na sinundan ng kaniyang pagtawa.
Muli na lamang akong napangiti dahil ang cute niya palang tumawa. Pakiramdam ko'y may kasama akong maliit na bata."Bakit? May mas malalim pa ba?"
"Di ko alam kung saan nagmumula ang galit niya sa akin. Since elementary pa kasi ang pambubully niya kahit ni minsan hindi ko naman siya pinapatulan. Actually, ngayon ko lang rin nalaman na ex pala siya ni Bohr.. wala naman kasi siyang nakukwento sa akin. Kahit yung about sayo---"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?