"K-kanina ka p-pa nariyan???"Gulat na gulat kong tanong sa lalaking nakasalamin na kasalukuyang nakaupo sa isa sa mga benches.
Imposible. Imposible talagang may tao rito dahil simula palang nang pumuwesto ako dito sa puno para saksihan ang mala-teleseryeng eksena ng dalawa ay wala na talagang tao rito.
Hindi kaya, engkanto siya?
O di kaya'y maligno?
Naku. Ano ba itong pinag-iisip ko.
Sahalip na magsalita'y isang ngiti lamang ang isinagot niya sa akin saka na tumayo sabay saklay ng kaniyang bag.
Ang weird niya sa totoo lang. Hindi kaya, tama ang iniisip ko?
"Well.. don't think na mushroom ako o engkanto. Actually kararating ko lang. But what's with you? Stalker ka ba ni Aphro? O ni Bohr?"
Natatawa niyang sambit habang nakatingin sa akin.
Mali nga ako ng iniisip. Dahil hindi nga siya engkanto.. isa rin siya mga baliw na nakilala ko.
And the way he laughs , naalala ko lang lalo si Bohr sa kaniya. But wait a minute- tama ba ang narinig ko?Kilala niya ang dalawa?
Pambihira. At kung maglaro nga naman ang tadhana.
Gosh anong gagawin ko! May nakakita ng pagsubaybay ko sa eksena ng dalawa. At pinagkamalan niya pa akong stalker.
"H-hindi ako stalker. Best friend ako ni Bohr at nagkataon na nakita ko ang pag-uusap nila ni Aphro, tsaka sino ka ba para mangialam?"
Pagtataray ko sa kaniya saka na naglakad paalis subalit muli siyang magsalita.
"Haha I'm just kidding. Ako si Clyde. Nice to meet you."
Sahalip na lingunin siya'y mas pinili ko na lamang na hindi siya pansinin.
Bigla kasi akong nawala sa mood nang makita ko siya. At pakiramdam ko'y mas lalo lang mag-iinit ang ulo ko kapag nakipag-usap pa ako sa kaniya.
Napakarami na nga ng bagay na iniisip ko, dadagdag pa siya.
At ang nakakainis pa'y
Ang isipin kung kakambal niya ba si Bohr or what?
Dahil bukod sa magkahawig sila , parehas pa ng ugali.
This is driving me crazy.
^^^
After ng PE Class ay nag-desisyon na lamang akong mag-lunch sa canteen. Mas hassle pa kasi kung sa bhouse pa. Tsaka bukod sa hindi na ako mag-aaksaya pa ng pamasahe ay makakatipid pa ako dahil mga affordable naman ang mga itinitinda.
Yun lang, kailangan ng pasensya dahil karamihan sa mga bullies at let's say bashers ko ay laging tumatambay at kumakain doon.Pero as I've said before, kaya ko namang i-endure at iignore lahat ng iyon.
Pagdating ko sa canteen ay tumungo na ako sa counter upang bumili. Muli naman akong lumingon-lingon. Again, nagbabakasakaling makikita ko si Aphrodite pero narealize kong bakit naman iyon kakain dito? I mean sa itsura pa lang kasi ng postura niya'y halata nang mayaman siya.
Kaya sigurado akong hindi ko siya makikita dito.
"Anong bibilhin mo, Miss?"
Tanong ng tindera sa akin.
Muli kong tinitigan ang lalagyang nakasalamin (di ko alam exact na tawag dito) kung saan naka-display ang iba't ibang putahe.
Affordable naman lahat kaya no worries.

BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?