Being a parent is super hard. Ang dami naming puyat ni Dylan, may time na ang sarap na ng tulog mo tapos 3am iiyak si baby dahil nagugutom. Madalas si Dylan ang gumigising para magtimpla ng gatas kapag hindi ko na kaya. Ayaw nya kasi ako pakilusin dahil nga sa opera ko, hindi pa kase ganon kahilom yun lalo na sa loob. May time na iyak ng iyak si baby si Dylan talaga ang magpapatahan sa kanya, mas umaamo siya sa daddy nya kaysa sa akin. Tapos bantay agad yan si Dylan kapag puno na ang diaper ni Baby papalitan nya agad dahil baka daw magka rashes, bago sya pumasok sa work pinaiinitan nyabpa si baby sa araw tapos sya ang nagpapakain dito hanggang sa lumaki sya at nakakagapang na. May katulong na kami pero hindi nanpara gisingin namin siya sa gabi. Kay Dylan ako naaawa dahil madalas ay kakauwi nya lang galing trabaho, pagod tapos wala pang isang oras ang tulog nya ay iiyak na si baby, automatic na babangon sya para patahanin ito. Ganon siya kasipag, kina-career nya talaga ang pagiging ama. Sobrang bilis talaga ng panahon, yung tipong gusto kong mabagal lang ang takbo ng araw para sa amin ni Baby Isabelle, para mahaba pa yung pag aalaga namin sa kanya kaso di pwede. Nabinyagan na namin siya at next month ay first birthday nya na. Abala kami sa pag oorganized ng birthday ng baby namin dahil kahit may event organizer kami ay gusto kong perfect ang kalabasan nito.
After ng birthday ni baby tsaka naman namin isusunod ang kasal namin, katulad ng sinabi ko noon ay parehas kaming nagdecide na focus kami kay baby, kapag sa wedding kasi ay maraming pang aayusin at mahahati ang oras namin kay baby, gusto naming naka focus lang kami kay Baby kahit hanggang mag one year old sana sya. Disney Princess ang theme ng birthday ni Isabelle, and we decided na siya si Belle. Nakapag photoshoot na rin si Baby kahapon at ang gaganda ng kuha sa kanya, mukha talaga siyang princess.
"Ang daya bakit yung mga bata lang ang naka disney princess gowns" reklamo ni Jess. Nasa mall kami ngayon at nag hahanap yung dalawa ng gown na isusuot nila dahi sa tinagal ng panahon at dami ng oras nila noon ay hindi nila nagawang magpatahi. Ayun hanggang sa wala na silang time dahil busy nanaman sa office.
"Matanda na tayo Jess, okay na yun para makahanap agad tayo ng maisusuot." Pampalubag loob naman ni Lors kay Jess. Para sa mga bata lang kasi yung theme na Disney Princess then yung parents and other guest ay long gown na at least color ng mga disney princess and naka suit naman ang lalaki.
"Ang dami naman kasing bisita ni Princess Isabelle nakaka pressure baka may gwapo don dapat ay maganda tayo sa suot natin." Sabi ni Lors habang nag c-check ng gown dito sa isang branded boutique na pinasukan namin. Kasama namin si Isabelle at Manang para may katulong ako pag aalaga. Namili rin kasi ako ng ibang gamit ni Isabelle.
"Ay for sure yan, pero paano si James? Mukhang crush ka nun." Tanong ni Jess kay Lors. Hindi ko alam pero kasi yung mga tinginan ni James kay Lors at yung vibes nila parehas, nakakakutob talaga.
"Ano kaba wala pa sa isip nya yung mga ganon. Tignan mo nga at pagkatapos magpakabaliw sa pag aaral ay sa business naman nila." Sabi ni Lors.
"So kahit papaano ay umaasa ka?" Tanong ko.
"Hindi naman pero ayokong ma stress sa mga bagay na ganyan. Ayokong pangunahan kase feeling ko mag tropa lang kami na nagkakasundo sa bawat trip namin ganon. Tsaka nakakailang ang tanda ko sa kanya" Paliwanag nya pa sa amin.
"Jusko ka yung edad pa talaga iniisip mo ha? Eh samantalang dalwang taon lang naman ang tanda mo. Ktuld nga ng sabi mo, nakaka sundo kayo ng trip so age really doesn't matter." Pangaral naman ni Jess.
"True. Wag mong gawing barrier yung age nyo kasi once ma fall ka dedma yang edad edad na yan." Payo ko naman sa kanya. Si Dylan ay mas matanda sakin ng dalawang taon pero never naging kaso yon. Siguro ay hindi lang sanay si Lors na mas matanda sya sa mga nanliligaw sa kanya.

BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...