Nagising ako nang naiinis. Bakit? Nagising ako dahil sa ingay ng mga bata sa labas. Ang aga-aga naman oh! May mga naglalaro na kaagad? Nangingibabaw pa boses ni Aldrin sa mga naglalaro. Ito talagang si Chucky, 'di matameme ang bibig ano?
Mabuti na lang, Sabado ngayon. Hindi na muna ako magbabantay ng tindahan. Tapos pupunta pa ako kina Edward mamaya! Ano kayang pwedeng gawin namin sa bahay nila? Maglaro ng luksong baka? Luksong tinik? O magpatintero kaming dalawa? Hmmm.
Todo tunog yung phone ko. Mga chats galing kay Edward. Online siya.
Edward Tamayo:
hi good morning!
kain ka agad ha
sabihan mo ko kung pupunta ka na
Hyacinth Grace Guvado
m0rnIn666...
oKi3 ph0
Edward Tamayo:
pahinging kiss :<
Hyacinth Grace Guvado:
mw4HhhHh
Edward Tamayo:
ang baho. amoy patis
HAHAHA joke!
Hyacinth Grace Guvado:
hMp b4h4lha k4 dy4N
Chineck ko yung amoy ng bibig ko. Hindi naman amoy patis ah. Amoy bagoong. Hihihihi.
Lumabas agad ako ng kwarto para naman makapag-almusal. Char. Nagsipilyo at hilamos muna ako 'no para malinis lagi. Patungo na ako sa mesa para kumain ng almusal. Daing at sinangag. Ang sarap 'di ba? Pero mas masarap pa rin ako.
"Good morning moomoo!" bati ni Aldrin na pawis na pawis. May kukunin ata 'to kaya pumasok muna. Umagang-umaga oh bakit may alas-quatrong batang nakapasok dito.
"Hello, botchog."
"Anong shabi mo?"
"Wala!"
"Okay, moomoo."
"Kumain ka na ba?"
Hindi siya sumagot.
"Hindi mo na pala kailangan kumain. Lagi ka namang busog."
"Pero hindi panget."
Natameme ako dun ah! Tinidorin ko siya eh.
Pagkatapos kumain ay nagligpit na ako saka nagpaalam kay Tita na nagbabantay ng tindahan na uuwi na ako.
"Oh bago ka pala umalis..." may kinalkal siya sa kanyang bulsa. Matagal-tagal din ah. "Heto...bonus ko sa'yo..." abot sa akin ng pera.
"Talaga po ba?!" hindi ako makapaniwala kasi malaki-laki yung binigay niya.
"Oo naman! Pampadagdag ipon mo yan!"