Three

47 16 28
                                    

Nag-unat agad ako nang makarating ako sa van namin. 


Sa wakas makakapagpahinga na rin ako.


"Beh, you did a great job today!" Sabi ni Ate Verra at nag-thumbs up pa sa akin. Nginitian ko lang siya bunga na rin ng sobrang kapaguran.


Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako matalino, isa lang ang isasagot ko sa inyo, habang ang lahat ay nag-aaral ako naman ay nagta-trabaho. Kumikita ng salapi at hindi ng katalinuhan.


"Beh, cellphone mo pala. Nag chat ata sa iyo si Thomas."


Napatingin ako agad kay Ate Verra na nakaupo sa passenger's seat. Kasalukuyan akong naka-upo sa back seat. Inilahad niya pa ang kamay niya para ibigay sa akin ang cellphone ko.


"Nag break na kami."


Simpleng sambit ko rito na may haloong kalungkutan sa bawat salita, at inabot ang cellphone ko. Narinig ko ang pagsinghap niya pero hindi na ito nagtanong pa.


We value the secrecy.


Pagkabukas ko ng cellphone ko, tumambad sa akin ang message galing sa heartsengger.


Ilang araw na kami nag-uusap at hindi ko maiitanggi na masaya siyang kausap kahit inglesero siya.


Dream Guy

Hey?
Are you busy?


Ang huling message niya ay kaninang tanghali pa. Alas nuebe na ng gabi ngayon at pauwi palang ako. Agad akong nagtype ng ire-reply sakanya.


Me

Oy!
Jgh from work


Papatayin ko pa sana ang cellphone ko para makapagpahinga sa biyahe nang bigla siyang magchat.


Dream Guy

You? Work?

You? Work?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Heartsengger (App Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon