Chapter 35: Ice Candy

275 15 0
                                    

——————————————
CHAPTER 35

ALDI'S POV

Thanks God at bukas na kami u-uwi sa San Lorenzo. Kaninang umaga ay nag-orient sila sa'min about using technology as a means of teaching and educating students. This medium is really helpful for those students na gustong mag-home school, they can use their laptop, tablet, computer or any gadgets that can be use in learning.

Actually madali lang naman talaga gumamit ng technology. I waste my time kanina because I already know how to use it. Pero they taught us naman how to deal and handle our students especially in this setting where you will not physically see them.

Ito din ang disadvantage ng online learning eh, 'yung may mga estudyante kang nagche-cheat. Syempre I can't caught them in act unless I put CCTV's in their house.

Kasalukuyan akong nandito sa room na tinutuluyan namin ngayon. Hindi ko kasama si Ricardo, we can't decide naman kasi on our own na dapat roommate kami. The decision will always be on our boss. Syempre sunod-sunuran lang kami sa kanila because we are their employer at sila ang nagse-sweldo sa'min.

Kinuha ko ang telepono ko para tawagan si Gab at kumustahin. Aktong tatawagan ko na ito pero bigla akong tinawag ni Mariano.

- - -

GAB'S POV

Alas otso na ng gabi at nandito ako ngayon sa terrace namin. Hinihintay ko kasi kanina pa ang tawag ni Aldi. Uminom nalang ako ng kape habang tinatanaw ang kalangitan. Mukhang na-impluwensyahan na yata ako ni Aldi. Banayad lang ang pag-ihip ng hangin na nagbibigay ng konting lamig.

Sa aking pagtanaw sa kalangitan, may narinig akong sunod-sunod na kalabog at parang may binasag na salamin na nanggagaling sa harap ng bahay namin, kina Aliyah.

ALIYAH'S POV

Alas syete palang ay nag-simula na akong uminom ng alak. Mataas ang alcohol tolerance ko at kahit ilang bottle pa ng alak 'yan ay game ako. Naka limang bote na ako, kayang-kaya ko pa naman.

Tumungo ako sa bintana at dumungaw doon. Nakita ko si Gabriel na kinakalikot ang kanyang telepono. Bigla akong tinamaan ng libog. Napangiti nalang ako dahil sa angkin niyang kakisigan kahit wala pa siyang ginagawa.

Bumalik ako sa sala. Kinuha ko sa bag ang in-order kong drug sa isang close friend ko. This is actually a tablet pero it's already powdered, pinasadya ko talaga ito para sa plano ko mamaya. This drug is used for short term treatment of sleeping problem. In short, if a person will take this ambien, makakatulog siya for straight 8 hours.

Tumayo ako at bigla kong tinumba ang side table na na naging sanhi ng malakas na kalabog. Sunod naman ay nakita ko ang maliit na vase sa harapan ko. Kumuha muna ako sa mga collection namin ng stones from different country at ibinato ko ito sa vase. Boom! Asintado.

Makaraan ang ilang segundo ay narinig ko na tumunog ang doorbell. Hinintay ko lang siyang pumasok sa bahay. Hindi naman ito naka-lock eh.

GAB'S POV

Ilang beses na akong nag-doorbell ngunit walang taong lumabas sa bahay. Sino kayang kasama dito ni Aliyah? Bigla namang may kumalabog. Agad kong tinadyakan ang gate. Tch! Bukas pala ito.

Pumasok ako sa loob nila. Nadatnan ko si Aliyah sa sala na nag-iinom. Lumapit ako sa pwesto niya. Nakatalikod siya sa'kin pero pero nang tinawag ko ang pangalan niya ay humarap ito sa'kin.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon