Chapter 49.2
HOPE'S POV
Kinabukasan halos pikit na akong pumasok sa school. Paanong hindi?! Eh buong gabi ko tinapos yung paper at hindi lang yon, buong gabi ako tinalakan ni Mico. Malayo na nga siya pero ramdam na ramdam ko pa rin ang presensya ng bwiset na yon! Aba biruin niyong alas tres ng umaga pinapabasa niya sa akin yung mga nagawa ko tapos kapag wrong grammar, o kapag wrong pronunciation o kahit kapag hindi niya narinig eh bigla siyang sisigaw! Bwiset! Mas effective pa sa kape manggising yong isang yon eh!
Kaya andito ako ngayon naglalakad papunta sa may banyo para maghilamos ng biglang...
*splash* 🌊
😱
Anak ng--
Binuhusan ako ng mga walangyang cheerleaders ng tubig! Anong problema ng mga 'to?!
"Anong problema niyo ha?!" Sigaw ko sa kanila, tumingin lang sila sa akin tapos sabay sabay tumawa. Ng marealize ko na...
Bakit may cheerleaders dito?! Eh hindi ba nasa training camp sila?! Ibig sabihin fake 'tong mga 'to?!
"Good Morning, Hope. Oh bakit ka nagagalit diyan? Mukhang antok na antok ka eh tinulungan ka lang namin magising." Sabi noong isang babae tapos tumawa.
"Ayos ah. Ganda ng umaga natin! Nakuha mo na nga yung susi ng gym, nahiram na nga natin 'tong mga uniform tapos nabasa pa natin si Hope." Ano daw?!
"Pumasok kayo sa lockers ng varsity at cheerleaders?! Bakit niyo ginawa yun ha?! Sino ba kayo?!" Tapos bigla nila akong sinamaan ng tingin.
"Wag ka ngang magmagaling dito. Mas mababa ka sa amin sa popularity pero dahil sa kalandian mo close ka na sa Tres Gwapitos. Aba bakit! Ikaw lang pwede manghimasok sa buhay nila?! Ikaw lang pwedeng cool kid?! Kaya inis na inis kami sa'yo eh. Assumera! Mayabang kang malandi ka. Hindi ka naman kagandahan at lalong hindi ka matalino o mayaman. Anong meron sa'yo ha?! Swerte! Swerte lang ang meron ka."
At talagang sumosobra na ang mga 'to ah!! 😡
"Ako?! Malandi?! Assumera?! Eh ano bang pakialam niyo?! Eh di magsimula na kayong magnovena at magdasal na sana mapansin nila kayo. Wag ako ang sisihin niyo--" 🌊 *splash*
At binuhos na naman nila sa akin yung natitirang tubig sa balde kanina. Ang lamig bwiset. Nakakainis ha!
"Ano bang--" Susugurin ko na sana sila para isa isang pagsasampalin kaso... Kaso...
Yung paper ko! Yung paper na pinagpuyatan ko! Yung paper na hindi copy paste lang... Yung English Paper ko nabasa. Nanlumo ako.
Tumawa lang ng tumawa yung mga babae samantalang nakatitig lang ako sa paper ko. Lalapit pa sana sila para mambully pero tiningnan ko sila ng masama. Napaatras naman sila at isa isang umalis. Talaga! Matakot kayo. Matakot kayo sa akin dahil inis na inis ako.
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
RomanceNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...