Chapter 1

29 2 0
                                    

Chapter 1

"Amelie, yung order ibigay mo don sa kabilang lamesa!" sigaw ni lola sa akin habang inaabot ang mga pagkain.

Pasukan na naman kaya marami na ulit ang kumakain sa carinderia ng lola ko. Mula pagkabata ito na ang bumuhay samin ni lola. Wala naman ako magulang na kasama at tanging si lola lang.Matagal na patay ang mga magulang ko.Ang sabi ni lola,isang taon matapos ako ipanganak ay naaksidente ang sinasakyan nilang tricycle.

Wala pa kong pumasok dahil tutulong muna ko kila lola tutal naman maaga-aga pa at malapit lang naman ang eskwelahan. Bukas pa ang official start ng class kaya ayos lang. Marami p akong oras para matulungan si lola.Wala nang bago,maraming kumakain dahil umaga at marami ang dito nag-aalmusal dahil gahol rin sa oras.

Nagserve ako buong magdamag ng mga pagkain. Kung kaya't sobrang pagod na pagod ako buong maghapon. Pero ayos lang atleast ay nakatulong ako,isang maliit na pasasalamat kay lola sa pagpapalaki niya sa akin.

"Amelie, apo halika masahihin mo ako sa likod ko" sabi ni lola habang hinihimas ang kanyang likuran na nananakit dala nang maghapong pagtitinda

"Sige la,tapos matulog na po kayo" nakangiti na sabi ko sa kanya habang nakahawak sa likod niya.

"Amelie, pasukan na naman kaya't sigurado marami na ang manliligaw sayo apo,napakaganda mong bata" sabi niya habang abot tenga ang ngiti.

Tila excited na sabi ni lola.Iyon ang maganda kay lola hindi siya mahigpit sa mga nanliligaw. Ayos lang basta ba alam ko ang limitation ko sa lahat ng bagay. Never pa ako nagkaroon ng boyfriend pero may mga nanliligaw kaya hindi ko masisisi si lola.

"Nako la, lam mo naman na wala sa isip ko ang mga ganyang bagay diba, pa crush crush lang naman ako" sabi ko naman sa kanya

"Oo naman apo, mas matutuwa nga ako pag ganon pero mas maganda kasi ganon hindi ko naman ipakakait sayo sumaya sa mga lalaki. Alam ko naman na hindi mo pababayaan ang pag-aral mo diba?  Tsaka para alam ko na may mag aalaga sayo pag wala na ko" sabi niya sakin habang nakahawak sa mukha ko.

"La naman wag ka ngang nagsasalita ng ganyan,matagal pa yon at maipapakilala ko pa sayo ang lalaking pakakasalan ko pag nagkataon" nakangiti na sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang luha.

"Ang drama mo talaga Amelie, sige na matulog ka na at maaga ka pa papasok" sabi niya sabay higa sa kama niya at natulog na.

At ako pa talaga ang naging madrama. Sa lahat ng ayoko ay kapag ganoon magsalita si lola hindi pa naman siya katandaan pero may mga iniinda na siyang sakit kung kaya't nakakapagsalita siya ng ganoon.Malakas pa sa kalabaw ang lola ko,kayang-kaya niya pa. Minsan natatakot ako kasi tanging si lola lang ang meron ako, may ilan akong kamag-anak sa paligid pero iba pa rin kasi kapag nandiyan si lola.

Nagpapasalamat ako na maayos ang kita ng carinderia namin.Isa ang business samin sa mga malalaking carinderia sa aming lugar. Hindi nalulugi at masasabi kong mas lumalago. Kung hindi sa mga tao na nasa paligid at sa mga suki namin ay hindi ko alam kung saan kami pupulutin ni lola. Hindi naman kami sobrang hirap talaga, tipong may kaya. Kaya tustusan ang kuryente at tubig, ang pag-aaral at baon isama pa ang pang-araw araw namin na kinakain na nagiging libre dahil sa carinderia.

Kinabukasan naging maganda ng daloy ng pasukan. Matapos kong maglinis ng kaunti sa carinderia ay  umalis na ako para makapasok. Maayos ang pagpasok ko dahil may ilang mga bumabati na kaibigan at kakilala habang naglalakad ako sa pathway ng school namin. 

Nagtuloy-tuloy  ako sa school at habang naglalakad sa pathway may narinig akong kumakanta sa gym. Pumunta ako sa gym at sobrang ganda sa pandinig ang boses ng lalaking kumakanta sa stage. Siguro isa siya sa napili ni Ms.Principal para mag intermission dahil sa pagkakaalam ko ay laging ganito ang bungad ng school year kahit paiba-iba ang nagiging principal. May mga piling students na nagpeperform for the start of school year.

One Last Song (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon