Prologue

5 0 0
                                    

Tagaktak ang pawis ni Sailaura habang hawak ng nanginginig niyang kamay ang pregnancy test. Positive. Buntis nga siya. Naghahalo ang kaba at tuwa na nararamdaman niya. Kinakabahan sa mangyayari sa oras na ipaalam niya sa kanyang mga magulang ang kanyang pagdadalang tao ngunit hindi niya din mawagli ang saya dahil isa ito sa pangarap nila ng kanyang kasintahan na si Rocco,ang magkaroon ng anak. Ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para maging ina siya.

"Sailaura, nandito na po ang ama niyo bumaba na po kayo at kakain na." Sabi ng maid na nasa labas ng kwarto niya at naghihintay lamang ng sagot

"Susunod na lang ako." Sabi ni Sailaura dito, naghilamos muna siya at inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto.

Habang naglalakad sa hallway ng kanilang masion ay hindi maiwasang mapaisip ang dalaga.. hindi alam kung paano niya sasabihin sa kaniyang mga magulang ang pagbubuntis niya o dapat pa ba niya itong sabihin.

Ang pamilyang Dorrance ay isa sa makapangyarihan at mayamang pamilya dito sa kanilang lungsod, at bilang anak kailangang mapanatiling malinis ang pangalan ng pamilya niya kaya't lahat ginagawa ng dalawang anak nila Madine at Simon na sina Maddox at Sailaura ang lahat.

Pagpasok pa lang ni Sailaura sa loob ng dining room ay naagaw na niya agad ang atensyon ng kanyang ama na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya at sa kanyang tiyan na natitiyak na niya ngayon pa lang ay may idea na agad ang kanyang ama. Hindi pa siya nakakaupo ay nag salita na ang kanyang ama.

"Ilang buwan na yan?" Parang bumagal ang oras sa narinig niyang tanong mula sa kanyang ama.  Bago pa man siya makapagsalita ay isang napakalakas na sampal ang natanggap niya "Paano mo nagawa saamin ito sa amin ng mama mo?! Napakabata mo pa! For heaven sake, you're only 16 years-old Sailaura Dorrance! Wala kang magandang maidudulot sa pamilyang ito!napakalandi mo!" Sigaw sa kanya ng kanyang ama,wala siyang magawa kundi ang umiyak. "What are thinking Sailaura!?masisira ang pangalan namin ng Papa mo sa oras na malaman ito ng mga Business partners namin!

"Ma pa,that's enough ---" hindi din na patuloy ang sinasabi ng kanyang nakakatandang kapatid na si Maddox ng sigawan ito ng kanilang amo "isa ka pa Maddox! Hindi mo na bantayan maigi itong kapatid mo kaya nagpabuntis agad!" Dala marahil sa sobrang galit kaya biglang sumikip ang dibdib at nahirapan sa paghinga ang kanilang ama na agad namang naalalayan ng kanyang asawa at ilan pang mga katulong.

"Papa!" Akmang Lalapitan sana ni Sailaura ang kanyang ama ngunit itinulak siya ng kanyang ina "Lumayas ka dito!simula ngayong wala na kaming anak na katulad mo! Guard paalisin ang batang yan!" Pumasok ang dalawang guardia upang kunin si Sailaura ngunit hinarang sila ni Maddox

"Don't you dare touch my sister!"

"Maddox,ang papa mo!" Nabaling ang atensyon ng nakakatandang anak sa kanyang ama na ngayon ay wala nang malay, agad niya itong nilapitan mabuti na lang at dumating na ang ambulansya.

-

Pagkatapos ng nangyari sa mansion ng Dorrance tuluyan na nga siyang itinakwil ng kanyang pamilya,wala ring nagawa ang kanyang kapatid para pigilan ang kanilang magulang lalo na't binantaan din itong itatakwil sa oras na kampihan niya ang kanyang kapatid.

Isa na lamang ang maasahan niya sa ngayon,ang kanyang kasintahan na si Rocco kaya't nakipag kita siya rito para narin sabihin ang napakagandang bibiya para sa kanila.

"I have something to tell you,Sailaura." Panimula si Rocco,hindi maiwasang isipin ni Sailaura na parang may problema at pakiramdam nito ay hindi maganda ang sasabihin ni Rocco ngunit ganun pa man ngumiti pa rin siya dahil naisip niya na baka dala lang ito ng pagbubuntis niya kaya kung ano ano anong naiisip niya.

"May gusto din akong sabihin sayo.. I'm pre-----"

"Let's break up."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BITTERSWEET Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon