CHAPTER FOUR

384 21 1
                                    

"HELLO, WHO'S THIS?" Tanong ni Cade sa kabilang linya. Kasalukuyan niya itong tinatawagan dahil gusto sana niyang makipagkita rito bago siya papasok sa trabaho. Hiningi niya ang cell phone number nito kay Stephanie, na ilang beses rin niyang itinanggi rito na hindi siya humihingi ng number sa kuya nito dahil interesado siya. It's just pure business, naalala niyang tugon rito.

But damn, his bedroom voice ruined her practiced lines. Sa simpleng tatlong salita lang nito ay nauutal na siya. Paano ba naman kasi, ang husky pakinggan ng boses nito sa kabilang linya na para bang naisturbo niya ito sa pagtulog. She checked her wristwatch. It's quarter to eight, aniya sa isip.

"Hey," sabi nitong muli. "If you don't wanna answer I'm gonna drop this call—"

"C-Cade, it's me..." Pumiyok pa siya. Lihim na sinakal niya ang sarili.

From the other line, Yumika heard a tousling of sheet. She imagined him getting up and sitting on the bed. Then she heard a chuckle. "Oh, well, well. Look at that, my wife is calling me early in the morning." He drawled sexily.

"Hindi na early, for your information. It's quarter to eight," aniya. Lihim na kinurot niya ang sarili. "Not that I am minding your own business of getting up late..." His chuckle made her paused for a second. "...uh, gusto ko sanang makipagkita sa'yo kung pwede ka. May importanteng bagay lang ako sasabihin sa'yo."

"So, papayag ka ng tumira sa isang bahay kasama ako?"

"No," she scowled even though he could not see her.

Tumawa ito. "I can imagine you scowling right now. Anyway, why do you wanna see me?"

"Pwede bang sa personal na lang? It can't be talked over the phone."

"Hmm," he drawled. "Gaano ba 'yan ka importante at kailangan pa talaga nating magkita?"

"Importanteng-importante talaga at gusto kong sabihin sa iyo ng personal. Hindi pwedeng pag-usapan over the phone." Pamimilit niya rito.

"Can't help but think you're just giving an alibi because the truth is you just really want to see me."

Umikot muli ang mga mata niya. "Be serious, Cade—"

He chuckled, cutting her off. "Chill, wife." Anito. "Sige saan mo gustong magkita tayo?"

"Somewhere private." Sabi niya at na-imagine niya ang pagtaas ng mga kilay nito. At bago paman nito ma-misinterpret ang sinabi niya ay agad niyang dinagdag, "It's not what you think okay? Gusto ko ng privacy habang nag-uusap tayo, 'yun lang."

"Masyado kang defensive, sweetheart." Anito at alam niyang nakangiti ito kung pagbabasehan ang boses nito. "Anyway, so how about kung sa bahay na lang tayo mag-usap?"

Nalito siya bigla. "Bahay?"

"Yes, bahay natin." Ganun ka simple na sabi nito. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis rito. Pero isa lang ang nasisiguro niya—ang sarap batukan nito.

"No," she scowled as she imagined him in front of her. "Hindi ka na nakatira dito—"

"Ibinigay iyan sa atin, remember?"

Umikot ang mga mat ani Yumika. Ayaw na niyang makipagtalo pa rito. "Whatever, Cade. Just not here, okay?"

"Look, Mika. Wala na akong maisip na lugar kung saan tayo pwedeng makapag-usap ng tayo lang. Gusto mo ng privacy diba? Then the house is the perfect place for us to talk." Sabi nito. Nakagat niya ang ibabang labi ng wala sa oras. He has a point, she hated to admit that. Pwede naman doon sa munting opisina niya sa Coffee n' Books pero baka magiging agaw pansin sila ni Cade. Lalo na kung makahalata ang mga crew na pumasok si Cade sa opisina niya.

What You Mean To Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon