6

12 2 0
                                    


Inihiga ni Janice si Nathan sa higaan nito at kumuha ng balde na may tubig pati na rin bimpo para ipunas sa katawan ni Nathan.

"Alam mo Nathan dapat kumalma ka lang palagi para hindi ka laging ganito,"

Ang akala ni Janice tulog na si Nathan at hindi naririnig ang kanyang sinasabi ngunit sinagot ni Nathan si Janice.

"hindi ko naman kasalanan eh,"

"oh gising ka pa?"

"obvious ba?"

"magpahinga ka na papalitan ko lang damit mo para makatulog ka ng maayos,"

"pwede mo ba ako tabihan ngayon Janice,"

Umiling si Janice sa hiling ni Nathan."ayoko Nathan baka sukuhan mo ko dito,"

Natawa ng bahagya si Nathan sa pag- aalinlangan ni Janice na baka masukahan niya ito.

"oh bakit ka tumatawa kala ko ba malungkot ka ngayon?"

"bakit masama ba?"

"Ambot sa imo Nathan,"

Niligpit na ni Janice ang mga gamit matapos nitong bihisan si Nathan.

"sige na Nathan aalis na ako, matulog ka na goodnight!"

"gihigugma tika.....

Napahinto si Janice nang sabihin siya ni Nathan ng gihigugma tika na kung isasalin sa tagalog "mahal kita".

Nang mapansin ni Nathan na huminto si Janice dinugtungan nito ang kaniyang sinabi.

"..... Kaibigan,"

Nakahinga na ng malalim si Janice matapos marinig ang mga salitang binitawan ni Nathan, tumuloy na rin siya sa paglalakad palabas.

Natulog na si Nathan dahil lasing at pagod na rin ito, habang si Janice naman ay umuwi na at humiga na sa kanyang kama at nagisip.

"ano kayang ibigsabihin nung sinabi ni Nathan kanina? Kaibigan lang kaya talaga 'yon? Ay hayaan mo na nga lang Janice matulog ka na,"

Pinikit na ni Janice ang kanyang mga mata at natulog na ng mahimbing. 

Agosto 28 ng umaga gumising si Nathan ng nahihilo kaya't tinawag niya ang katulong para kumuha ng isang basong tubig.

Ngunit pagkabalik ng katulong nagulat ito nang biglang bumagsak si Nathan sa sahig pagkatayo nito.

"Sir Nathan! Ano po ang nagyayari sayo? Jusko po asan ba si sir Jonathan,"

Nagmamadaling tumakbo ang katulong sa sala at tinawag ang tatay ni Nathan.

"Sir Jonathannn!!! Si sir Nathan po bumagsak sa kwarto niya, nahihilo daw siya sir,"

"ano pa hinihintay mo tumawag ka ng ambulansya at tawagan mo si Janice,"

"Opo sir,"

"Oh Kyle tulungan mo akong buhatin ang pinsan mo,"

"Opo tito upo po natin siya,"

Matapos tumawag ang katulong ng ambulansya tinawagan naman nito si Janice para humingi ng tulong.

"Oh Manang napatawag ho kayo,"

"Janice anak tulungan mo kame dito nahimatay si Nathan dadalhin na namin siya sa ospital tumawag na ako ng ambulansya,"

"Sige sige manang papunta na ako jan,"

Binaba na ni Janice ang telepono at nagbihis ng uniporme at tumakbo na sa bahay nila Nathan.

"Oh anak Janice saan ka pupunta?"

"Kila Nathan po Ma, nahimatay raw po kasi si Nathan,"

"Aba anak mag ingat ka,"

A Modern Love Story (Modern Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon