"Tina sayo nakatutok ang bote." Sabi sa akin nila crystal. Ibig sabihin ako ang may dare sa aming lahat.
Yes naglalaro kami dito sa loob ng klase kasi absent daw teacher namin kaya itong si Presi nagyaya ng Spin the bottle.
"Nako mukhang masaya ito ah!" Sabi naman ng isa ko pang kaklase.
"Diba umamin siya kanina na crush niya si Ash. Yung matalino sa kabilang section?" Dagdag pa ng isa.
"Oo yun nga. Sige dahil diyan ito ang dare mo. Magpanggap kang BUNTIS sa harap ni Ash." Sabi ni Bella.
"ANO?" Gulat kong tanong.
"Oo yun ang dare namin sayo. Tsaka katuwaan lang naman ito diba guys!" Sigaw na sabi ni President.
"Tina! Tina! Lumabas na si Ash!" Sigaw ng kaklase kong lalaki na laging tumatambay sa pintuan.
"Ayan na girl! Tadhana na mismo ang nagtatakda. Bilis lapitan muna." Napatingin ako kay Ash na malapit na sa pintuan ng room namin.
"Kailangan ko ba talagang gawin ito? Sure na? Walang atrasan?" Kinakabahan kong tanong kay Trina. Hindi naman kasi ako handa eh.
"Oo teh wala ng atrasan. Oh heto pregnancy test para mukhang makatotohan." Bigay sa akin ni Kim.
"Sure na talaga?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Wala ng atrasan toh girl! Sige na gooo na!" Tulak niya sa akin palabas ng pintuan. Saktong nasa harap ni Ash kaya ako'y humiga muna ng malalim.
"This is it Tina kering keri mo yan!" Sabi ko sa aking sarili.
Naglakad ako para mas lumapit pa sa kinaroroonan ni Ash. Yang si Abo kahit tahimik at napaka misteryoso ay napaka gwapo at napaka talino. Kaya maraming babae ang naghahabol. Pero isnobbero ang Abo na ito. Kaya mapagkakamalan na 'loner' wait! Gwapong LONER kasi wala siyang kaibigan dito. Tsaka puro aral kaya kaya sa pagkakaalam ko wala pa siyang nagiging girlfriend. KAYA KINAKABAHAN AKONG GAWIN ITO!
"Ash!" Malakas na sigaw ko pero sapat lang para hindi makapagbulabog ng klase at para makuha ang atensyon ng lahat at ni Ash.
Huminto siya sa paglalakad at unti-unting lumingon sa akin. Ramdam na ramdam ko pa ang malamig niya sa akin. Kaya kinakabahan ulit ako pero wala ng atrasan ito!
"Ang kapal mo namang iwasan ako nitong mga nakaraang araw!" Panimula ko pero base sa kanyang expression nagtataka siya sa mga sinabi ko at kumunot ang kanyang maganda noo.
Nagsimula namang magbulong-bulongan ang mga estudyante. Hindi ko napansin na dismissal na pala. Dumaramina rin ang mga nakiki chismis.
"What the heck? What do you mean?" Naiinis na tanong sa akin ni Ash. Kaya naman ako naglakad papalapit sa kanya saka masama siyang tinignan.
"Ang kapal-kapal ng mukha mong magmaang-maangan! Panagutan mo itong dinadala ko!" Tinapon ko sa kanya ang binigay sa akin ni Kim na pregnancy test.
Magagamit ko pala ito! 🤣
Doon nagsimulang lumakas ang bulong-bulongan mukhang hindi siguro sila makapaniwala na ang Gwapong loner ay nakabuntis.
Lalo tuloy akong nagulat na dalawang guhit ang binata kong pregnancy test. Pati si Ash lumaki ang mga mata ng tinignan niya mismo ang PT na aking tinapon sa kanya.
Tsaka tinignan niya ulit ako ng masama. "I don't what you're saying, woman!" Inis nitong sabi sa akin.
"Wow ha! At ngayon dinedeny mo pa ang nangyari sa atin ha?! Pagkatapos mong malasap ang sarap sa akin basta basta mo na lang aking itatapon at itataboy na parang isang basura? Panagutan mo ako!" Paghehestirikal ko at umarteng umiiyak para makatotohanan. Tsaka grabe ang sa sakit ng mga sinabi ni Abo sa akin.
'Grabe naman si Ash bat di na lang niya panagutan si Tina?'
'May tinatagong init din pala yang Ash na yan eh!'
'Kawawa naman si Tina.'"Pero kasalanan din naman niya yun, kung hindi siya pumayag edi sana Di siya mabubuntis diba?" Rinig kong sabi ng isang babae kaya pinandilatan ko siya ng mata. Agad naman itong yumuko at nagtago sa maraming tao.
Tskkk! Inggit ka lang sis!
"Baka iba ang nakabuntis sayo miss? Baka ako lang ang dinadahilan mo para masira ako!" Aba isa pa itong Abo na ito ha! Kaya sinamaan ko siya ng tingin at unti-unting nilapitan hanggang isang dangkal na lang ang aming layo.
Dahil matangkad siya ay tiningala ko siya. At tuluyang hinila ang ang kanyang next tie. Wala akong pake kung masira babayaran ko na lang mamaya. Ayokong masira ang acting ko noh? 😂
"Walang hiya ka! Ikaw lang ang nakagalaw sa akin. At ikaw pa nga ang naka una sa akin ah. Tsaka diba ang sabi mo pa nga, 'I'll be gentle baby'. At "Baby sa una lang ito masakit pero sarap na ang kasunod'. Oh ano? Ipagkakaila mo pa?" Lord sorry na po sa mga pinagsasabi ko. Promise po Di na mauulit itooo...
Ang kanina niyang noo na nakakunot ay biglang na palitan ng isang ngisi na nakakaloko.
"Oh right! I remember it now." Oh no wag mong sabihin na......
Agad kong tinignan ang president namin na gulat na gulat din dahil hindi umaayon sa plano.I need someone to help me!!!!
"I remember our first night. When I got your virginity. You even cried and begged for me to stop." Sabi niya habang nag cross arm at ako naman ngayon ang gulat na gulat sa pinagsasabi niya. SHIT! Pano na toh.
"But after the pain, pleasure came. You even begged me to do it faster! Hindi ba? Ganto yun oh. 'Oh, Asshhh! Don't stop, ahh ohhh! Faster please! I'm cumming!" Nang aasar niya akong tinignan habang ako ito pulang-pula dahil sa Inis at kahihiyan.
"I even remember how you sexily moan my name and---" Tama na hindi ko na kinaya at pinatapos ang mga sinasabi niya at agad ko siyang hinatak paalis dito sa hallway.
Hinatak ko siya papuntang garden ng school kung saan wala masyadong tao. At agad siyang binitawan.
"Walang hiya ka! Pano mo nagawang sabihin yun?" Inis kong sabi sa kanya pero siya ito ngising aso pa rin pagsamahin ko kayo ni pikachu eh.
"What? You said that you're pregnant and you even said that I'm your first. So sinabi ko lang sa lahat kung ano dapat ang dapat kong sabihin." Pa-inosente niyang sagot sa akin kaya pinandilatan ko ulit siya ng mata.
"Gago! It was just a prank! Tsaka bat mo sinakyan? Ha!" Halos mapuno na ako ng Inis dahil dito sa kausap ko.
"What would I suppose to answer you? You're pregnant at ayoko namang mapahiya ka sa lahat at especially ako, dahil ako ang tinuturo mong ama niyang dinadala mo." Sabi nito na nakaprenteng nakaupo sa bench.
"It was just a prank! Okay? At hindi naman ako totoong buntis nohhh!" Inis pa ring singhal ko sa kanya pero akala ko magagalit siya o magiging masaya kaso bigla siyang sumeryoso?
Anong gagawin ko?
"You're not pregnant?" Tanong nito sa akin para mapa irap ako.
"Akala ko ba matalino ka? Akala ko alam mo ng symptoms ng isang buntis? Pero baliwala yan kasi hindi nga ak---" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil bigla siyang tumayo at hinalikan ako.
Napakalambot ng kanyang mga labi hanggang sa hindi ko napansin na tumugon na pala ako. Pero agad ding tinapos ang halik ang iyon.
"Then gawing nating makatotohanan, Bubuntisin kita hanggang sa makabuo tayo ng anak natin, Tina." Sabi niya sa akin na nagpamula ng aking mga pisngi.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at ilang dakal na lang ang layo hanggang sa namalayan ko na lang na nagtama ulit ang aming mga labi.
Pagkatapos nun ay dali-dali na siyang tumakbo paalis. Argggghhhhhhhh! Bwesit kang Abo ka! Magnanakaw ka ng halik!
-Crlrz💫