TCB 6: The next encounter

195 10 2
                                    

Addison's POV

Umuwi na ako pagkatapos nang pangyayarin yun dahil nawalan na rin naman ako nang. Baka mamaya hindi lang sipa ang magawa ko sa bangaw na yun, baka balatan ko na yun nang buhay. Pinatay ko rin ang cellphone ko dahil alam kong tatawagan ako ni stephanie, dahil hindi na ako nakapag paalam sakanya.

Pagkabukas ko nang cellphone ko hindi nga ako nagkakamali dahil ang raming missed calls at messages sakin ni steph. Meron pang pagbabanta sa isa sa mga message niya sakin. Ang sabi "Addison Candice Smith kapag hindi mo pa talaga sinagot ang susunod kong tawag sayo makikita mo talaga ang hinahanap mo". Ni-replyan ko nga. " Sorry, wala akong hinahanap kaya wag ka nang mag-abala."

Pinatay ko na lang ulit ang cellphone ko.

Pagpasok na pagkapasok ko sa bahay namin bumungad naman sakin ang mayordoma kong aswang/bulldog. Muntik ko pa nga siyang mahampas nang shoulder bag ko dahil bigla bigla na lang siyang sumusulpot sa harapan ko. Ano bang akala niya sa mukha niya? isang painting na magandang ipakita sa ibang tao? excuse me painting lang siya na abstract dahil mahihirapan kang i-distinguish ko ano ba ang mukha niya at kung ano ba ang paa niya. Tinignan niya ako nang masama. Tinitigan ko rin siya, ano akala niya? papatalo ako sakanya?. Siya ang unang nagsalita samin

"Bakit nandito ka?" tanong niya.

"Masama?" tanong ko ring pabalik sakanya.

"Wag mo kong sinasagot nang isa pang tanong." mataray pa rin na pagkakasabi niya. Kung maldita siya pwes mas maldita ako sakanya. Bitch nga ako diba?

"Eh bakit yang mukha mo? ang sarap tanungin kung bakit abstract? At kung bakit nasa mukha mo yung pwet mo?" mukha namang nainis siya sa sinabi ko. Huh! dapat lang.

" Wag mo kong ginagawang tanga!!" galit na sigaw niya sakin. Galit agad? psh. weak.

"Ginagawa kitang tanga kapag sinabi ko sayong magsuklay ka. Tsaka don't worry mukha ka naman nang tanga kaya hindi ko na kailangan pang mag-effort. Kasi effortless na siya." ngumiti ako sakanya nang demonyo tsaka nagpatuloy na ako sa kwarto ko para makapag pahinga na ako. Bakit ang daming EPAL sa mundo? una yung bangaw tapos ngayon yung aswang naman? Aba kahit bitch ako at maganda hindi ko naman ata kaya na yung sobrang daming sabagal sa daanan ko.

Haisstt. Makatulog na nga muna.

Stephanie's POV:

Arggghhhh. Ang tigas talaga nang ulo nang babaeng yun!! hanggang ngayon ayaw pa rin sagutin yung mga tawag ko. Tapos yung mga messages ko hindi niya naman nirereplyan. Ano bang akala niya sakin? MAYAMAN?! kala ba niya pinupulot ko lang yung pang load ko? Aba mahal kaya mag pa-load. Pero kasi nakakainis naman kasi talaga si Cyrus. Bakit niya ba ginanon yung bestfriend ko? yan tuloy nainis kaya umalis, ayaw pa naman nun sa lahat na ginugulo siya. Speaking of bakit kaya hindi ako ginugulo ngayon ni Mabalot? kanina kapag nasasalubong ko siya nag iiba siya nang daan o di kaya yumuyuko siya. Bakit parang natatakot ata siya sakin ngayon. Pero buti na yun atleast payapa na ngayon ang buhay ko dahil wala nang gumugulo sakin ngayon.

The Cold BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon