Matapos ang araw na 'yun ay lagi na kami nagkakausap ni Cristof. Mga walang kwentang bagay ang napaguusapan namin pero naguusap pa din kami. "Ann!" rinig kong tawag niya isang hapon.
Nakaupo ako sa isa sa mga upuan sa Grandstand. Tapos na ang klase ngayong araw pero wala pa ako sa mood para umuwi. Ang Grandstand ng San Beda ay parang isang malawak na open space na may upuan at table sa gilid. Pwedeng maglaro ng volleyball at badminton ang mga estudyante. Minsan ding pinagpapraktisan kung kailangan.
"Oh, Cristof," bati ko sa kaniya.
"Okay ka lang? Mukhang malalim iniisip mo ha," sabi niya habang umuupo sa tapat ko. Totoo, wala ako masyado sa mood ngayong araw. Kagabi kasi ay kachat ko yung bestfriend kong lalaki. Si Tristan.
"Bad mood," natatawang sabi ko.
"Gusto mo?" alok niya sa akin ng steamed siomai.
"Hindi, okay lang." Abot niya sakin ng dala niya. "May kasama ka ba?" tanong ko.
"Huh? Wala." Napatingin siya sa akin at alam kong nakita niya ang tanong sa mga mata ko ng mapatingin ako sa dalawang siomai, isang steamed at isang fried, at sa dalawang wendy's biggie na dala niya. "Para sa akin tong dalawa to. Kanina pa ako nagugutom."
"Eh bakit isang steamed at isang fried?" nagtataka kong tanong.
"Bakit, bawal?" nagtataka niya namang sagot.
"Alam kong ayaw mo ng steamed, Cristof. 'Wag mo 'ko lokohin. Pakiramdam mo kasi hilaw 'yung kinakain mo kaya ayaw mo ng steamed," natatawang sabi ko. Napatingin siya sakin. Yung tingin na nangtitimbang kung hinuhuli ko ba yung ginagawa niya o pinapahiya ko siya. Pero hindi ako doon natapos "Tsaka dalawang biggie? Seryoso? Ganun ka kauhaw?"
"Alam mo, kung ayaw mo 'to. It's okay. Just let it go," seryosong sabi niya tila napahiya sa ginawa ko.
Napatawa ako ng malakas sa pagkaseryoso niya. "Alam mo, for a guy like you, masyado kang matampuhin," sabi ko kasabay ng pag-abot ko sa siomai at sa biggie. Halatang-halata, Cristof, halatang-halata. Nang sumilip ako sa kanya ay wala na 'yung seryosong mukha niya at nakangiti na na tumititig sakin. "What?"
"Nothing," sabi niya. Napatingin lang ako sa siomai na nasa harap ko at pinaglaruan lang yun. Ginagalaw-galaw ang bawat siomai na para bang inaasahan kong aalma ang mga ito kapag hindi na nakapagtimpi. Tinutusok tusok ko sila tapos ay inikot-ikot. "Anong problema? Bago ako pumunta dito, tulala ka sa kawalan. Ngayon, tulala ka nanaman diyan," nagulat ako sa biglaang tanong niya.
"Iniisip ko lang yung bestfriend ko," sabi ko, "pero wala yun," saka ako napabugtong hininga ng maalala ko 'yung mga sinabi sa akin ni Tristan kagabi, bestfriend ko siya since 1st year highschool.
Matagal kaming nanahimik at hindi na siya nagtanong matapos noon. "Pero okay ka lang?" bigla niyang tanong maya-maya ng hindi niya na kinaya ang katahimikan na namamagitan sa amin. Napatigil sa ere 'yung kakainin ko na dapat na siomai. Hindi siya nakatingin sakin pero tinitigan ko siya ng sandali at ng hindi siya nakarinig ng sagot sakin ay bigla siya tumingin sakin kaya naman nagulat ako at nahulog sa lalagyan yung siomai. Shit. "Oh, okay ka lang?" Tumalsik yung toyo sa uniform ko.
Kumuha ako ng tissue at alcohol sa bag ko. Isang bugtong-hininga nanaman. Hindi naman malaki ang problema ko pwede ko naman siguro sabihin sa kaniya kahit hindi niya naman kilala. "'Yung bestfriend ko may girlfrie-"
"Gusto mo 'yung bestfriend mo?" biglang tanong niya.
"Hindi," mabilis kong sagot. Tila nakahinga siya nang maluwag ng tignan ko ang mukha niya.
"Ano mayroon sa girlfriend niya?" tanong niya.
"'Yung bestfriend ko nga kasi may girlfriend tapos 'yung girlfriend niya napakaimmature. Sobrang immature niya. Hindi niya iniintindi bestfriend ko tapos nagselos ba naman sa akin. Eh alam naman niyang bestfriend ko na 'yung boyfriend niya bago pa maging sila. Bago pa sila magkakilala! Naiirita lang ako. Kasi bakit parang kailangan pa mamili ng bestfriend ko? 'Di ba?"
"Hala, baka away 'yan ha," sabi niya.
"Hindi. Naiirita lang ako talaga. Tapos alam mo ba sabi sa akin noong bestfriend ko, tinanong ko kasi siya, paano kapag nag-away kami noong girlfriend niya. Pano na kami noon. Syempre alam ko naman na uunahin niya ang girlfriend niya kasi syempre girlfriend niya 'yun eh. Love niya ako pero syempre iba 'yung love niya para sa girlfriend niya. Pinaghirapan niya 'yun. Irita," mahabang kwento ko.
"Anong sabi ng bestfriend mo?" tanong niya.
Natatawa akong naalala yung sagot niya sakin noon, "Okay lang yan, akong bahala sayo."
"Baka naman may gusto ka talaga sa bestfriend mo? Or baka may gusto siya sayo," sabi niya.
"Unang-una, kung gusto ko talaga bestfriend ko dapat di ko na pinaabot ng 5 years. Dapat umamin na 'ko at hindi na kami bestfriends ngayon dahil dapat kami na or hindi na kami nag-uusap kasi awkward na 'yun. Pangalawa, kung gusto niya talaga ako dapat ako ang niligawan niya at hindi yung girlfriend niya," mahabang explanation ko.
"College na rin ba 'yung bestfriend mo?" tanong niya.
"Yeah, 2nd year."
"San nag-aaral?"
"Dito."
"Dito??"
"Oo. Bakit? Mommy niya nga yung nasa CAS Office e. Si Mrs. Brandon." Puno ng pagtataka 'yung mukha niya sa lahat ng nalaman niya.
"And 'yung girlfriend niya?"
"4th year. Highschool."
"Weh? Ang layo ha."
"Kaya immature eh. Nakakairita."
"Alam mo ang maganda diyan, magboyfriend ka na para 'di na siya magselos," sabi niya.
"Wow naman koya. Parang pagbili lang ng candy pinaguusapan natin ha," natatawang sabi ko.
Natawa rin siya. "Hindi ka pa ba uuwi? Dumidilim na oh,"
"Hinihintay ko pa si Tristan eh. 'Yung bestfriend ko. Sabay na raw kami u-" naputol ang sinasabi ko ng biglang magvibrate ang phone na nakapatong sa lamesa at nakita ko ang pangalan ni Tristan doon. Isang bugtong hininga nanaman ang pinakawalan ko.
Tristan Wayland Brandon: Si, hindi pala kita masasabayan umuwi ulit ngayon. May pupuntahan ako eh.
"Malapit na din pala ako mawalan ng bestfriend. Kung hindi mo naitatanong," inis na sabi ko. Inumpisahan ko nang ayusin 'yung pinaglagyan ng siomai at inayos ko na rin 'yung bag ko.
"Anong nangyari?" nagliligpit na rin siya sa mga pinagkainan niya.
"Lagi siyang ganiyan, sabi siya ng sabi na sabay na kaming umuwi tapos kapag alanganing oras na saka siya magsasabi na hindi na pala kami magsasabay. Nakakairita sila pareho ng girlfriend niya. Hindi pa naman ako masyadong sanay pa magcommute ng gabi," inis na inis na sabi ko.
Tumayo na siya at tinapon 'yung mga pinagkainan sa malapit na basurahan sa amin. "Tara na, sasamahan na lang kita hanggang makasakay ka. Nagjejeep ka 'di ba?" Tango lang ang naisagot ko at lumakad na kami palabas. "Itext mo ko kapag nakauwi ka na," sabi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Kargo kita. Ako huling kasama mo oh," natatawang sabi niya at ganoon nga ang ginawa namin. Hinintay niya ako makasakay saka lang siya umalis ng nakaalis na 'yung jeep sa harap niya at pag-uwi ko ay tinext ko siya para sabihing nasa bahay na ako.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Novela JuvenilKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...