This short story is partially about the real experiences and events. Most of the situations are being experienced. If there are events and names related to you/ someone you know it is just coincidental. Some scenes might trigger sadness or anxiety so please read the warning before proceeding to the story.
Check out my on going story "When I See You". Thank you!
WARNING: The story might be disturbing to some readers. Stay strong to all of us!
Dahil bakasyon ngayon ay naglinis si Tine ng kanyang mga gamit hanggang sa nakita niyang muli ang paborito niyang libro. Maikli lamang ang istorya nito ngunit ito ay kanyang naging paborito.
Tine: Nandito pa pala 'tong libro na 'to. Akala ko eh naisama ko na sa mga niligpit ko noong isang araw.
Averie: Ate, bilisan mo na daw maglinis diyan sabi ni mama para maiakyat na yung mga hindi na kailangan dito sa baba.
Pinag isipan ni Tine kung babasahin niya pa ba ang istorya na nasa libro. Ilang beses niya na ito binasa ngunit hindi siya nagsasawa.
Tine: Averie, tanong mo nga kay mama kung pwede kong itago yung mga libro na 'to sa isang shelf.
Mama: Tatanungin mo pa yan sa'kin eh sayo naman yang mga yan. Itago mo na lang lahat ng kailangan mo at ihiwalay yung mga hindi na. Itago mo rin 'tong mga librong na-publish mo oh saying 'tong mga kopya na ito.
Patuloy niyang inayos ang mga gamit na kailangan na niyang alisin. Nagbawas ng gamit si Tine dahil na rin ipinagawa ang kanilang bahay.
Tine: Paano na lang pala kung hindi ko tinuloy ang course ko at ang pagsusulat, nasan na kaya ako ngayon.
Matapos ang ilang minuto ay natapos rin sila sa pag aayos.
Mama: Oh sige magpahinga muna kayo sa kwarto niyo, tatawagin ko na lang kayo pag luto na yung pagkain.
Tine: Ma, mamaya na po ako kakain. Busog pa naman ako sa kinain natin kanina. Kailangan ko lang tapusin yung ilang chapters ng "When I See You".
Tumango ang kaniyang ina kaya pumunta na siya agad sa kanyang kwarto. Binuksan ang laptop hanggang sa nahanap ang draft ng kaniyang istorya. Naalala naman niya ang paborito niyang libro kaya..
Tine: Ang tagal na din pala noong huli kitang mabasa pero tandang tanda ko pa din yung istorya.
Bagong umaga na naman kaya naghanda muli ang bida sa istoryang binabasa ni Tine para pumasok sa unibersidad. Paniguradong mahaba habang araw na naman ang naghihintay sa kanya.
CHAPTER 1- APRIL
Kris: Ma, papasok na po ako. Baka gabihin din po ako ng uwi kasi 8:30 yung last subject ko.
Agad na umalis at bumiyahe dahil ayaw niyang ma-late sa klase. isa hanggang isa at kalhating oras ang biyahe niya araw araw upang makapasok. Habang nasa biyahe..