DEIB'S POV
Kinabukasan ay nakita ko si Maxpein may Kausap sa phone nya at parang busy siya.
Tch. Wag nya sabihing may gana pa siyang magloko e gwapo na nga Asawa nya.
"Sige, See you Later." Narinig kong sambit nya sa kausap nya.
So magkikita sila mamaya?
dO__Ob
Maldoo Andwaee!
Tinignan ko siya ng walang-kasing talim na tingin at lumapit naman siya sakin.
"Woi, bakit? Galit kaba?" Sabi nya.
"Ako galit? Hindi Taguro, Galit na galit lang," sabi ko.
"Kingina, inaano kita?"
"Sino yung kausap mo ha? Lalaki mo ba yon?" Kaswal kong tanong at tumawa lang siya. Tch. Anong nakakatawa? Sabihin nyo sakin.
"Bugarets!" Sabi nya sabay batok sakin. "Si Maxwell yon, may pa-dinner ang mga Moon mamaya," sabi nya.
"Bakit daw?"
"Celebrate,"
"Para san?"
"Basta Celebrate, wag kana magtanong." Sambit nya at bumuntong hininga lang ako.
Tumayo siya saka binuhat si Spaun. Tawa naman ito ng tawa. Masayahin siguro 'tong anak ko. Tawa ng tawa e.
~~
Nasa byahe kami ngayon papunta sa Restaurant na sinabi ng mga Moon kung saan kami kakain malamang.
"Im-mmy," paiyak na tawag ni Spaun kay Maxpein kaya nilingon namin ito.
Humawak siya banda sa may Dibdib ni Maxpein, gusto nito ng gatas.
"Gutom agad? Di pa nga tayo nakakarating e," sabi ni Maxpein pero wala din siyang magawa dahil gutom na talaga ito.
Nang malapit na kaming makarating ay nag-ayos na si Maxpein. "Woi, mamaya kana matulog ah," bulong nya sa anak ko at tinatawanan lang siya nito.
Binuhat ko ang Anak ko saka kami Bumaba, nakita naming bumaba na din ang mga Moon at mga kaibigan namin.
"Look, Maxspaun, Zelestaire wants to play!" Bigla ay sabi ni Yaz. Buhat nya ngayon ang pamangkin at buhay ko naman ang Anak ko ngayon, katabi si Taguro.
Manghang-manghang nilaro ni Yaz ang dalawang bata. "Ang gwapo ng anak mo, Maxpein!" Dagdag nya pa.
"Ako ba naman ang tatay," mayabang na singit ko sabay laro sa pisngi ni Spaun.
"Tss," palag na naman ni Taguro. Aishhh! Ganyan naman siya. Hambog talaga siya. "Sa milyon-milyong lalaki, ikaw ang pinakamaswerte. Maraming gwapo sa mundo, nagiisa lang ako. Mayabang na dagdag nya.
Hambog
"Tch. Ako rin lang naman ang gwapong nagkagusto sa'yo." Sabi ko sabay suntok sa pisngi nya gamit ang kamao ni Spaun.
Bigla ay malakas na tumikhim si Randall, Nangaasar. Kaya binigyan ko siya ng masamang tingin. Nagtawanan naman silang lahat.
Tch. Mas gwapo yata ako noh!
"Where are the others?" Tanong ng Asawa ko.
"You mean your brothers?" Singit ni Yaz.
"And Keziah," lingon ni Taguro.
MAX'S POV
"Psh!" Singhal ni Yaz.
"They're just in time," sabi ni Mokz.
Batid kong nariyan na si Maxwell sa kotse. Kaya naman nasulyapan ko si Yaz na todo silip dahil natatakpan ito ni Mokz.
Nang magtama ang paningin namin ay batid kong nakaramdam siya ng Hiya at panlulumo.
"Where is Maxrill Won?" Tanong ni Maze habang sinasalubong si Maxwell.
"We're not together. I'll Call him." Tugon ni Maxwell.
Nakita kong lumingon siya kay Yaz at pinasadahan ito ng tingin. Owss! Tama ba 'tong hinala ko?
"I like your Sweatshirt, Maxwell. Lalo kang gumwapo," papuri ni Michiko.
Yumuko siya saka tinignan ang damit. May nakaburda na "H". "Gucci"
"Ano naman kayang ibig sabihin ng "H" te? Hari?" Biglang singit ni Migz.
"Handsome, ano pa ba?" Singit din ni BJ
"Humble." Seryosong sabi ni Maxwell
Nilingon ko si Spaun dahil humawak siya sa kamay ko, animong naghahabol. Binuhat ko siya at kinarga
To be Continued...
Sorry talaga sa matagal na update guys! Saka maga-update lang po ako pag gusto ko hehe!
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW ME!
BINABASA MO ANG
He's Into Her (Season 4 On-going)
Genç KurguThis is the on-going of TagSen. This is connected to LWL. itutuloy ko lang po ang kwento ni Deib Lohr Enrile-Moon at Maxpein Zin Enrile-Moon.