Chapter 26

472 19 18
                                    



Hindi kami  nagkibuan ni Kuya Sirius. Galit parin ako sa kanya, hindi lang sa nangyari kundi pati sa mga nalaman.

Ilang beses niyang sinubukan na kausapin ako ngunit hindi ko parin siya pinapansin. Hindi ako sumasabay sa pagkain at naghihintay na lamang na dalhan sa kwarto.

Humingi din siya ng tulong sa mga kaibigan ko, Alam niyang makikinig ako kay Prince. Pero naunahan ko siyang kausapin si Prince na hayaan nila akong mapag-isa at mag-isip.

"Nagpapalamig lang ako ng ulo. Sobrang toxic na ang nangyayari. Naghihintay ba kayong magpakamatay nalang ako?" Wala sa sarili kong sabi. Para lang makinig na huwag na akong puntahan tulad ng utos ni Kuya.

Alam ni Seiko at Ara ang ginagawa ko kaya kampante sila. Silang dalawa lang ang mapagkakatiwalaan ko ngayon.

"Anniversary ni Mom at Dad bukas." Nasa kitchen ako nagsasalin ng tubig sa baso, lumapit siya at iyon ang sinabi.

Muntik ko ng makalimutan, Sa susunod na araw ang alis nila ni Yvo. Natatandan ko.

"I don't care. Babalik ako sa America kasama ni Prince. Ayokong gulohin niyo ako don'"

"Selena..." Pagod na suway ni Kuya Sirius sa akin.

"I'm not Selena anymore. Hindi na ako iyong dating kapatid mo. Kaya tigilan niyo na ako. Hirap na hirap na ako dito, let me leave this country." Binagsak ko ang baso sa lababo, buti nalang at di nabasag.

Kitang-kita ni Kuya kung paano tumulo ang luha ko. Wala siyang nagawa dahil sinira ko kaagad ang pinto. Tuwing pag gising sa umaga ay di ko na siya naabutan, uuwi siyang gabi ngunit di ako sumasabay sa kanya sa pagkain.

Ganon ako kainis sa kanya, gusto kong iparamdam na nag-iba na ako dahil sa kanilang lahat.

Alas sais palang ay nakabihis na siya, ilang beses akong pabalik balik sa pinto sa kanyang bilin bago tumungo sa mansyon.

"Kung gusto mo ng tapusin to gawin mo na ang gusto mo. Ayokong isipin mo na wala akong silbi bilang kapatid mo. Lahat ng sakripisyo at ginagawa ko ay para sayo. Pero kung ang kapalit ay ang paglayo mo at kamuhian ako, kahit hindi pa panahon ngayon...." Napasinghap siya. " I"ll support you. Kakausapin ko sila Kuya Ken at Lolo. Dadagdagan ang security at tauhan sa mansyon mamaya. I'll wait for you."

Pinag-isipan ko ng mabuti ang sinabi ni Kuya at nang masigurado ay agad kong tinawagan si Seiko at Ara.

Sila ang kasama ko ng pumunta sa mansyon, hindi ganon karami ang bisita ngunit alam kong mahalaga ng tao ang naroon para kay Daddy at Mommy. Sobrang lawak ng mansyon ng mga De la Merced, kaya hindi ganon kabilis ang pumasok sa loob. Lalo na't lahat ng bisita ay nasa hardin.

Kita ko kaagad si Yvo at Kara na nasa iisang mesa kasama ang kaniyang tiyohin. Napailing ako, sinulyapan ang dami ng bantay sa paligid. Kalat sila at siguradong may nasa loob pa at labas na sadyang hindi makikita.

Nasa isang mesa din ang mga may mataas na posisyon sa DLM Corp. Kasama doon si Lucy, Honey at Grenny na ng makita ako ay agad na nagulat.

Kumaway si Grenny sa akin, dahilan ng magsilingon ang nasa mesa ni Kara.

Angat na angat siya sa suot na damit, itim na long gown at hapit sa katawan, samantalang ako ay naka shorts lang  tshirt na itim at rubber shoes.

May dahilan ako kung bakit, kaya hindi na ako nakaramdam ng inggit sa kanya, kahit gaano pansiya ka ganda.

Agad na lumapit si Kara sa akin, kasama ang tiyohin ay sumunod si Yvo. Sa likod ko ay si Seiko at Ara.

"Magandang gabi Mr.Hidalgo." Nakangiti kong sabi.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon