Chapter 6

3 0 0
                                    

CHAPTER 6

                                 BLUE

LULAN ng aking kotse ay agad akong nagmaneho papunta ng school. Ikalawang araw pa lang ng klase pero pakiramdam ko isang buwan na iyon. Masyadong maraming pinagawa sa amin kahapon. Hindi ko akalaing ganito ang bubungad sa akin sa huling taon ng Senior High. It's damn great.

Napangiwi ako sa naisip. Itinuon ko nalang ang atensiyon sa pagmamaneho nang malapit na ako sa bahay nila Eerie. Nang pasadahan ko iyon ng tingin ay mukhang wala na siya sa loob. Nakaalis na siguro.

Naalala ko pa noong una kaming nagkita sa park. Talagang naasar ako nang hindi niya ako tinulungan. Mas pinili niyang itayo ang bike ko kaysa sa akin. Kaya naman ay palihim ko siyang sinundan habang dinadandan ko lang yung bike ko. Hindi talaga ako eksperto sa pagba-bike.

Habang sinusundan ko siya ay doon ko lang naalalang pamilyar siya. Nakikita ko siya minsan sa school. Minsan ay nagkakasalubong pa kami. Pero hindi siya yung tipo ng babaeng lilingon sa mga nakasalubong niya. Talagang deritso lang siya kung tumingin sa dinaraanan. Kadalasan ay wala siyang kasama pero kapag mayroon, hindi siya palasalita. Kaya naman nang makausap ko siya sa park ay doon ko nakompirmang may ubo siya sa utak.

Oo! Ang hirap niyang basahin…’

Napatigil ako kasesenti nang makita ang isang pamilyar na babae sa gilid ng kalsada. Nakasuot ito ng uniporme kagaya ko. Sa harap niya ay ang isang puting kotse. Mukhang nasiraan sila.

Agad akong tumigil malapit sa kanila. Ibinaba ko ang side window ng kotse at doon ko nakompirmang kilala ko ang babae. It's Eerie.

Nang mapatingin siya sa akin ay nagsalubong ang kilay niya. Agad din niyang ibinalik ang atensiyon sa driver niya na inaayos ang makina ng kotse.

“Hop in,” I told her.

Nagkunwari lang siyang walang narinig at si manong driver ang napatingin sa gawi ko.

“Po, sir?” tanong ni manong.

Matagal pa po ba iyan?” I smiled.

Opo, sir. Mukhang matatagalan pa po it. Bakit po?” Bakas sa mukha nito ang kamalasang dinaranas sa umaga.

“I know her.” Nginuso ko si Eerie. Puwede ko naman po siyang isabay papuntang school namin para hindi siya malate.”

“Ay talaga, sir?” Lumiwanag ang mukha ng lalaki.

Binalingan niya ang among nakahalukipkip lang sa gilid at nasa malayo ang paningin.

“Miss?” untag niya kay Eerie.

‘Miss amp! Haha..’

“Hm?” binalingan niya ang driver.

Kilala niya raw ho kayo. Nag-offer po siya na ihatid nalang ka—”

Tapusin mo nalang 'yan.”

Walang nagawa si manong kundi ay bumalik sa ginagawa niya. Talagang ayaw magpahatid ni Eerie sa akin. Ma-attitude ang babaeng ito.

Iiling-iling na nagdesisyon akong lumabas ng kotse. Agad ko siyang nilapitan at inilahad ang kamay ko sa kaniya.

“May I?” nakangiti kong tanong.

Sinulyapan niya lang ang kamay ko pero hindi siya sumagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fake ProtagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon