Kalahating buwan na rin ang nakalipas nung nagsimula akong bumalik sa trabaho, nakaka miss ma stress infairness. Na miss ko rin mag travel, nakapag travel kami ni Dylan at ni Baby Isabelle last last month sa New Zealand and Last month ay nag Maldives kami. Dylan wants me to run this travel agency dahil halos gamay ko naman na daw lahat pero sabi ko ay pag iisipan ko pa. Mas maraming pressure kase nun ayokong mas lalong mawalan ng oras sa anank namin. Tuloy na ang kasal namin sa December, September na ngayon so marami pa kaming time pero inaasikaso na ng event organizer namin para sa wedding mismo ay perpekto ito.
"Jess stress ako kay Mr. Mariano, gusto nya umalis na next month pa Japan, 108 pax sila hindi pa naaayos ang docs. Tanggapin ba natin?" Tanong ko sa kanya, tinetest ko sya kung paano ang gagawin nya sa mga ganitong sitwasyon dahil balak ko sa kanya ibigay na itong pwesto ko and usually kasi ay nag aadjust kami ng isang buwan to process the visa para walang problema.
"Go lang ng go. Bigyan ng deadline kapag hindi nakapag comply on that date cancel ang Japan next month." Umarte ako na pinalakpakan ko sya dahil walang pressure sa mukha nya.
"Okay you'll meet with Mr. Mariano and his secretary to talk about that matter, bring Denver, malaking tulong yon at masipag." Nanlaki ang mata nya. Alam naman pala ni Dylan na andito na si Denver sa company nila and wala naman na daw sa kanya yon ang sinabi nya pa nga "Ngayon pa? Kung kailan pamilya na tayo ngayon pa talaga ako magseselos?" Kinurot ko ang pisngi nya dahil ang yabang ng loko.
"Teka akal ko naman tinatanong mo ako, wala naman ganyanan Elle. Samahan mo ako." Tinawanan ko sya oara kasi siyang batang takot na takot.
"Mabait si Mr. Mariano ano kaba, tsaka andyan si Denver kaya ka nyang tulungan." Subok na namin si Denver, maraming alam at masipag kaya maaasahan talaga.
"Eh baka magselos si Jerald." Pagdadahilan nya pa sa akin.
"Sabihin mo magselos sya kapag sinagot mo na sya. Sumbong mo sakin ako bahala." Pagbabanta ko sa kanya. Sinuot ko ang salamin ko at tinuon na ang pansin sa laptop ko. Lumabas naman si Jess na nakita kong nakanguso. Parang bata talaga.
Kapag tapos na ako sa work ko sa isang araw ay umuuwi na ako kahit maaga pa, I'm here to help them dahil ayokong humanap pa sila ng oanibagong papalit kay Jess. Kaya naman dahil mabilis lang naman matapos ang trabaho kung tulong tulong.
"Hi Elle, kamusta?" Tanong sakin ni Jerald at naupo sa couch ko.
"Jerald may tinatapos ako huwag mo ako ngayon guluhin gusto ko na makita ang pamangkin mo." Pagtataray ko sa kanya.
"Ito naman kinakamusta lang." sabi nya.
"Okay lang ako, okay? Dun kana sa office mo. If I know you're just cecking Jess, huwag ka mag alala hindi ka ipagpapalit non." Prinangka ko na sya. Tumawa naman sya.
"Sige na aalis na nga ako, ang taray taray mo." Umalis naman na agad sya. Ganon naman lagi routine non kapag wala sya masyadong ginagawa, dito sya nanggugulo sa office ko. Sana talaga ay si Dylan na ang mag office dito.
Nung makaramdam ako ng antok ay nagpunta ako ng pantry para magtimpla ng kape, marami kasi ginagawa si Shiela and kaya ko naman kaya ako nalang ang magtitimpla sa sarili ko. Paglabas ko ay busy sila lahat.
"Jess, coffee?" Tanong ko sa kanya tumango lang sya kaya nauna na ako. Nagtimpla na ako ng pasa sa akin as usual 2 sachets yung akin at isa lang kay Jess, ayaw nya ng matapang. Nung patapos na ako ay dumating si Denver.
"Kape Denver." Alok ko sa kanya, halatang inaantok na rin siya.
"Salamat Elle, nakakaantok grabe." Sabi nya pa habang nagtitimpla ng kape nya, naupo naman ako at pinatong yung kape sa mesa ko.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...