"Tyl, si Jb nasa entrance," Shan whispered as her eyes spot on the entrance of the Resto.
Tapos na kaming kumain at nagliligpit na ako ng mga shopping bags namin.
"Wala akong pakialam, Shan," sagot ko sa kanya na ang mukha ay nakaharap na naman sa salamin.
"Ayaw mo lang umasa, e! Sige ikaw bahala may kasama namang babae." Umirap lang ako sa kanya. Hindi naniniwala.
Tumayo na ako at lumabas na ng restaurant kung saan kami kumain. Deritso lang ang lakad ko papalabas. Hindi ko naman nakita si Jb kaya baka trip lang talaga ni Shan na ipaalala sa'kin ang lalaking 'yon.
Wala na akong balita sa kanya. Huling kita na namin iyong nagka-ensidente kami sa canteen ng South Institue.
"Balita ko sa Amstar University mag c-college si Balesteros?" I stop from walking and faced her.
"That's what I heard from them," kibit-balikat kong sagot sa kaibigan.
"Talaga? Akala ko pa naman sa South Institute pa rin..." She said in a sad tone.
"Bakit parang nanlulumo ka diyan? Huy, ikaw ah! 'Wag mong sabihin na crush mo 'yon!" puna ko sa mukha niyang bigla na lang nalungkot.
"Hindi. Sayang lang. Siguro kung 'di ka nakipagdeal sa akin noon, kayo na 'no?" Luh!
"Tanga ka ba o tanga ka talaga?" Sabay lakad ko patungo sa isang boutique ng mga branded shoes. May gusto akong bilhin na matagal ko na kasing pinag-iiponan kaya ngayon mabibili ko na talaga.
"Bakit ako tanga? Naisip ko lang naman noon na baka ikaw mismo mahulog sa patibong mo. Mahirap na at marupok ka pa naman."
"Patibong? Marupok?" Nakataas ang kilay kong hinarap siyang muli.
"Yup! Malay ko ba kung type mo talaga siya tapos dinadahilan mo lang na thrilling siya..." she gave me a malicious smile. What a poor conclusion.
"I find him thrilling. But I don't like him."
Binalik ko na lang ang tingin sa mga sapatos na naka balandara sa harap ko. Mas maganda pa itong mga sapatos kaysa sa mukha ni Shan.
"Really? Alam mo, sabihan mo na lang ako kung maniniwala na ba ako sa'yo."
"Hindi ko siya gusto. Tapos ang usapan," I said in a dismissive tone.
"Gusto mo siya!"
"Hindi nga! Paano mo naman nasabi na gusto ko siya? Bigyan mo ako ng magandang rason bakit ko siya magugustuhan, ha!"
"Because he's handsome."
"Oo, gwapo siya pero hindi ko siya type, Shan. Wala ka na bang mas magandang rason para magustuhan ko-"
"Kasi daks siya!" agap niya.
"Jusmiyo, Shannon Leigh Presno!"
Nasapo ko na lang ang noo ko at lumabas naroon dahil sa tawanan ng mga salesman. Hindi ko man lang nabili ang gusto kong sapatos! Bakit ba ganito ang bunganga ng kaibigan ko? Kung pwede lang ipatanggal, e.
Natatawa siyang sumunod sa'kin, bitbit ang mga shopping bags sa kamay niya. Nakakunot ang noo at nanliliit ang mga mata kong hinarap siya at tinignan ng masama ngunit tawang-tawa pa rin siya. Kailan kaya matatapos 'to?
YOU ARE READING
Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)
RomanceEtyl Ann Guanzon is an Architecture student from Amstar University, who is known by having a bold mouth. Walang preno at bastos. Everyone likes her, everyone's dream is to have her, touch her, and to claim her. Everyone-not until JB Balesteros appea...