Clue's POV
Matapos ko silang i teleport sa Fluditorium ay pumasok na muli ako sa aking tahanan. Nakakapagod ang araw na ito para sa akin. Dahil nga sa ako ang tagapagbantay nito at alagad ng mga masters ay kailangan ay alerto ako sa paligid.
Malalim na ang gabi kaya nagpasya akong magpahinga sa aking silid. Hihiga na sana ako nang biglang may naramdaman akong kakaiba. Kaagad akong tumayo at nakiramdam.
May nilalang ba na naririto? Tanong ko habang luminga linga sa paligid. Maya maya pa ay nahagip ng aking mata ang isang anino pero mabilis ito.
Sino ka? Magpakita ka sakin. Utos ko sa presensya na nasa loob ng aking silid. Umalis ako sa aking silid at nagbabaka sakali na narito sya.
Naramdaman ko naman na kumilos ito sa aking likod. Agad ko itong hinarap pero nawala na naman ito sa aking paningin.
Magpapakita ka ba o ako mismo ang magpapalitaw sayo? Sabay likha ng bolang enerhiya. Nararamdaman ko na pinagmamasdan nya lang ako kaya pinatama ko ang aking enerhiya sa aking kaliwa at kita ko na umiwas sya ng direksyon.
Huwag ka nang maglaro dahil malalim na ang gabi. Ano ba ang iyong pakay? Inis kong sabi sa kanya.
Magandang hatinggabi sayo diwata. Rinig kong boses nya sa likuran ko na medyo ikinagulat ko. Pasulpot sulpot talaga ito kung saan. Sinasabi ko na nga ba at sya ang nakikipag laro sa akin.
Hindi ko matandaan na may inimbita akong isang taksil sa aking tirahan. Panimula ko sa kanya at ang kaninang ngisi nito ay biglang nagbago ang timpla ng mukha nito.
Huwag mo ako insultuhin Clue, alam mo kung bakit ako ganito. Nasusuklam ako sa mga diwata. May tinging galit ang tono nito. Alam ko kung bakit ganyan ang mga asta nya sa mga diwata.
At kung mamalasin ka nga naman, may mga taong nakapasok sa ating mundo at kitang kita ko na suot nila ang kuwintas ng mga Sprities, kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na sila ay patayin. Galit na pahayag nito sa akin at pansin ko na may kumakapal na anino sa kanyang katawan.
Kung ano man ang nangyari sa iyo ngayon ay kasalanan mo iyon. Una, tinakwil mo ang sarili mong kapatid. Pangalawa, ikaw ang dahilan kaya may mga nilalang na namamatay kaya nararapat lamang sayo ang kaparusahang iyan. Sagot ko naman sa kanya ng diretso. Hindi ako galit sa kanya pero hindi ko rin gusto ang kanyang mga ginawa.
Hindi ko magagawa ang lahat ng iyon kung hinayaan ako ng aking kapatid na magkaroon ng kapangyarihan. Anas nito pabalik sa akin.
Hindi ka pa nakuntento sa kapangyarihan na iginawad sayo ng iyong mga magulang, may kakayahan ka nang magpalit ng anyo pero ginamit mo ito para sa sarili mong intensyon at hindi para sa ikabubuti ng ating mundo. Pabalik kong tugon sa kanya. Kita ko sa mata nya na nagagalit sya dahil sa pagpapaalala ko sa kanya sa nakaraan.
Pero hindi ko matatanggap na binigyan ako ng sumpa ng mga Sprities. Hindi ko maatim na makita ang aking sarili na ganito! Gigil nyang sabi habang nakalabas ang kanyang panga.
Sinumpa sya ng mga Sprities nang malaman ang kanyang pagkakasala sa kanyang kapatid pati na rin sa mga nilalang dito. Dahil dito ay nagbago ang kanyang wangis, naging isa syang taong lobo na simbilis ng anino. Upang hindi na rin sya makapanakit ay binigyan din sya ng engkantasyon na sa gabi lamang sya lilitaw.
Masuwerte ang mga mortal dahil nailigtas mo sila pero kung hindi ay baka nabawasan ko na ang lahi ng mga diwata. Nanlilisik na sambit nito.
Ang maipapayo ko sayo ay umalis ka na lamang at magpakababa at humingi ng tawad sa mga mortal na pinagtangkaan mo kanina. Ipinayo ko sa kanya pero umigting ang kanyang panga.
Hindi Clue! Kahit kailan ay hindi ako hihingi ng tawad sa kanila. Makikita mo, sisiguraduhin kong sa susunod ko ulit silang makita ay agad ko silang papatayin para mawala na ang mga tagapagligtas dito sa Riddle World! Huling pagbabanta nya pagkatapos ay nag anyong anino sya at kumaripas ng alis.
Napabuntung hininga na lamang ako. Di pa rin napapawi ang galit sa kanya.
Hindi nya alam na may lunas ang kanyang sumpa pero umaasa ako na mapagtanto nya iyon sa kanyang sarili.Anne's POV
Ikaw ang tatapusin namin! Water Bolt! Turan ni Mark kay Malga at nagtagumpay naman sya na matamaan si Malga.
Ahhhh pano nangyari ito?! Pano nalabanan ng mga mortal ang ating kapangyarihan?! Impit na sigaw ni Malga.
Kahit kailan, hindi makokontrol ng kahit anong kapangyarihan ang pagkakaibigan namin. Kaya oras na para magbayad sa inyong ginawa. Matapang na sabi ni Bryce. Inalalayan naman ako ni Mark at niyakap ng mahigpit.
Mako, I'm so sorry kung nasaktan namin kayo. Paumanhin na sabi ni Mark.
Ayos lang yun Mako, ang mahalaga ay nakawala na kayo sa kontrol nila at nakabalik na kayo sa inyong mga sarili. Sambit ko sa kanila at ngumiting tumingin sa kanya.
Hindi ito maari! Aquacia, Coraldia! Labanan sila! Utos ni Malga sa kanyang mga kapatid. Nakahanda na sana ako pero hinarangan ako ni Mark.
Lumaban na kayo para sa amin, hayaan niyong gawin din namin iyon para sa inyo. Sambit nya sa akin habang nakangiti sabay harap sa dalawang sirena.
Reef Thorns! Naglabas na mga tila spikes si Coraldia papunta sa amin.
Digital Room! Gumawa naman ng shield si Cedric na humarang dito.
Burning Blow! Naglabas din ng fire energy si Bryce at malakas na sumalpok ito kay Coraldia. Kita ko na nasunog ang kanyang balat.
Ahhh! Ang aking magandang balat! Sigaw nitong palahaw at kita ko na talagang nasasaktan sya.
Tapusin na natin ang laban na ito. Tidal Wave! Lumikha si Mark nang isang malaking alon na syang nagpatalsik sa kanilang tatlo at naanod sila papunta sa lawa.
Blinding Ray! Ginamit ko ang spell na ito upang sirain ang coral cage at nakalaya na sina Xiara at Dianne. Kaagad naman silang lumapit sa amin nang nagagalak.
Salamat naman at nakawala na kayo sa kapangyarihan ng mga sirena. Tuwang tuwa na pagbati ni Dianne sa kanilang tatlo.
Kailangan na natin makaalis dito guys. Suhestiyon ni Xiara. Gusto ko na rin umalis dito dahil ayoko na din makita ang mga sirena. Well magaganda nga sila pero masasama naman ang kanilang mga ugali.
Kung ganoon ay tayo na, alam namin ang daan palabas. Tugon ko naman sa kanila. Sumangyon naman sila at kaagad naman na lumipad na palabas sa Sirenymph Cove.
Pagkalabas namin ay napansin ko na mataas ang sikat ng araw. Grabe, inabot na kami ng tanghali sa loob ng Sirenymph Cove.
Healing Waters! Nagulat ako nang makaramdam ako ng malamig na tubig sa katawan ko. Naalala ko na napaso pala kami dahil sa Thermal Ascend ni Bryce. Maya maya pa ay nawala na ang tubig at nawala na din ang paso sa aking katawan.
Thank you Mako sa pagpapagaling. Pasasalamat ko sa kanya. Niyakap naman ako nito at isinandal ang ulo ko sa balikat nya.
Nakita kasi namin na may mga paso din sina Xiara at Dianne kaya hinilom ko sila at nag presume na din ako na nasaktan ka din. Malambing na sabi nya tas hinalikan ako sa noo. Salamat naman at bumalik na ang sweet kong boyfriend.
Ang mabuti pa ay kaagad na tayong pumunta sa Wood Maze, yun kasi ang susunod na destinasyon natin. Panukala ni Bryce na sinang ayunan ng lahat. Gusto ko na rin kasi matapos ang misyon para mapuksa na ang kasamaan.
Sa ilang araw na namin dito sa Riddle World, hindi madali ang aming misyon kahit na may mga kapangyarihan kami. Hindi pala totoo na kapag may kapangyarihan ka ay makapangyarihan ka na. Mas dumadagdag ang responsibilidad mo at mas maraming tao ang umaasa sa iyo.
Hindi pala madali ang trabaho ng mga Sprities dahil dalawang mundo ang kanilang pinoprotektahan. Iniisip ko pa rin ang sinabi sa amin ni Adva na hindi na lamang sila bumalik dito. Kung ganoon ay nasaan na kaya sa kanila at pano napunta kay Riddle ang mga kuwintas nila?

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...