When God gave me YOU!

43 0 0
                                    

Ako si Anne, nag-aaral sa isang kilalang unibersidad, kumukuha ng kursong engineering. Ako ay 4th Year college na ngayon at nais kong ibahagi ang aking kwentong pag-ibig.

2nd year college ako noon ng may nakilala akong isang lalaki na nagpatibok ng puso ko. Isang lalaki na matipuno at may takot sa Diyos.

Oktubre noon ng una kaming magkatext at kami pala ay magkabigan na sa isang sikat na social network, ang facebook. Natutuwa ako sa kanya dahil nakilala ko siya bilang isang mabait na tao. Nakilala ko ang isa sa mga kanyang  kaklase na nasabi sa akin na ito nga ay nagbibigay respeto sa mga babae.

Habang ako ay naglalakad kasama ang aking malapit na kaibigan, nabanggit ko sa kanya na itong lalaking ito ay aking hinahangaan. Sabi ko sa kanya ito ay sekreto lamang pero maakalipas ang 2 araw ito ay kanyang kinalat sa aming campus pero isa akong denial na tao. HAHAHA! Duh, alangan naman aminin ko sa mga tao.

Every now and then, palagi na kaming magkatext. Kamusta na? Ingat ka. Kain na. Ito yung mga natatanggap ko sa aking inbox na nakapag papangiti sa akin kahit isang simpleng mensahe lang. Syempre, hinahangaan ko at hindi ko naman mafigure out na kami ay nagkakatext na.

May problema ako noon, dahil ang isa kong kaklase  ay may gusto rin pala sa kanya. Nagkaroon kami ng misunderstanding, hindi talaga kami nagpapansinan kahit masakit para sa akin. Tuwing gabi lagi na lang ako nanalangin at umiiyak dahil hindi ako sanay na may kaaway lalo't malapit ko siyang kaibigan. Itong pagkakaroon namin ng hindi pagkakaunawaan ay nasabi ko ito sa aking hinahangaan. At noong gabing iyon, nagdecide na lang siya na hindi na niya ako itetext at ang aking kaibigan. Oo, pati ang aking kaibigan ay kanyang tinetext pero mas lamang ako kasi palagi kaming nagtitext pero ang kaibigan ko ay napakadalang niyang itext. So, samakatuwid selosa ang kaibigan. Umiyak ako noong gabi dahil nga sa naging desisyon nya pero hindi pa rin niya tinitigilan akong itext. Gumagawa talaga siya ng paraan para makapag reply ako sa kanya pero ang alam ko ayaw niya na kaming itext. Naalala ko pa noong tinanong niya sa akin kung paano daw niya sasabihin sa aking kaibigan na hindi siya masasaktan? Sinabi ko na lamang na, masasaktan talaga ang isang tao pag nagsabi ka ng GOODBYE. 

Linggo noon at humingi ako ng sign sa Lord. Pag hindi na po siya nagtext sa akin,  wala na po talagang pag-asa. Hanggang pangarap na lang po ako. Nasa  simbahan ako noon at nagdarasal. Pagkatapos ng simba, biglang nag beep ang phone ko at sabi ko siguro siya na ito, di nga ako nagkamali at siya nga ang nagtext sa akin. I thank God! Sabi ko sa sarili ko may pag-asa  na mas lalo pa kaming magkakamabutihan. Eto ang kanyang text sa akin, pasensya na sa nangyari kagabi, niloloko lamang naman kita, pero kung ayaw mo ng magreply ok lang. HAYYYY!!! Sayang lang ang luha ko sa pag-iyak. Ako naman ay hindi makatiis kaya dali-dali akong nagreply at nabanggit niya pala sa akin na siya utas na daw sa kakatawa. Diba, nakakainis? Pero dahil iyong hinahangaan, hindi ka pwedeng magalit.

Habang tumatagal lalo na naming nakilala ang isa't-isa. Dumating sa punto na, niyaya niya ako na makipag date sa kanya at para sa akin ito ay isang "FRIENDLY DATE" lamang. Pero nakaka amaze dahil crush ko siya, tapos yayain niya ako. Nakakaloka kaya! 

Tinext niya ako, sinabi niya sa akin na sorry kung hindi kita maipagddrive ha. Alangan naman na isama ko si daddy. Napatawa ako sa text niya. Sabi ko ok lang. Tinanong niya pa sa akin na,  ok lang ba na commute tayo? Oo naman, ani ko. Sa isip-isip ko lang, kahit maglakad pa tayo basta magkasama tayo. Hihi Ang gulo pa nga namin dahil, noong una, gusto namin may chaperon, pero napag-isip namin na mas maganda pag dalawa lang kami para may privacy. :P Pero napag isip-isip namin ulit na kelangan talaga meron eh. HAHAHA Hanggang napag desisyunan na lang namin na kaming dalawa na lamang. 

 Muntik ng hindi ito matuloy dahil dumating ang aking granny. Syempre medyo disappointed ako, kasi akala ko di ito matutuloy pero hinihintay niya na pala ako. AW :| Nakaalis din ako at noong nakita ko siya, nastar struck ako, as in. Akala ko isang panaginip lamang ito. OA! Natawag ko pa siya sa kanyang pangngalan. Isisingit ko lang na may dalawa akong kasama, malapit sila akin. Hindi sila sumama sa mismong lugar dahil makikipagkita din ang isa kong kaibigan sa kanyang BOYFRIEND. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When God gave me YOU!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon