Third Person's POV
Nasa mall kami ngayon para mamili ng pang handa at ireregalo para sa birthday ni mama. Nasa women's section kami at pumipili ng damit na babagay sa kaniya. Mahilig sa dress si mama kaya naman alam kong magugustuhan niya itong ireregalo ko. Nakita ko ang mustard yellow na floral at napangiti ako. Bagay to kay mama. Tinawag ko ang saleslady para hanapan ng size na kakasya kay mama at umalis naman ito.
Habang naghihintay, nakita ko ang kasama kong nasa bag section. Kinuha niya ang isang maroon na shoulder bag at iniabot ito sa isa pang saleslady. Nakangiti akong pinagmasdan siya. Ang gwapo niya talaga lalo na 'pag nakangiti. Naalala ko tuloy noong una ko siyang nakilala three years ago.
Hindi siya namamansin. Hindi rin siya tumatawa at hindi rin niya pinapansin yung mga babaeng kumakausap sa kaniya. Ang tanging kausap niya lang palagi ay yung kaklase naming madaldal na katabi niya.
Nagbago yon nung nagkaroon kami ng group activity. Role playing yon sa subject namin at buong section kami ang magkagrupo. Kalaban namin yung ibang section kaya naman noong practice namin, todo ensayo talaga kami. Doon ko nakita kung paano siya kapursigido manalo sa play. Lagi niyang sinasabi noon na dapat daw mataas yung makuha naming grades.
Napangiti ako noong maalalang iyon ang naging dahilan kung bakit naging kami at hanggang ngayon ay kami pa rin. Sobrang bait niya at maalaga.
Lumapit siya sa akin at tinanong kung okay na ba yung dress na pinili ko. Sakto naman at dumating na yung saleslady at iniabot sa akon yung dress. Isinilid ko na ito sa push cart na dala namin ganun din yung maroon na bag na napili niya kanina.
Tulak tulak namin ang cart at tumigil kami sa cosmetics section. Dumiretso siya sa tapat ng isang kilalang botique at kumuha ng limang klase ng lipstick doon.
"What do you think?" ipinakita niya sa akon ang mga kulay at tinanong ako. "Alin kaya dito ang gusto ni mama?"
"Bakit?" taka kong tanong sa kaniya.
"Ah that. I heard you earlier na nagpapabili siya ng lipstick sayo. Sorry." napakamot siya sa batok kaya naman tinuro ko na lang yung red na shade.
"Ito na lang siguro."
"Good choice! Let's go." at isinilid lahat ng lipstick na hawak niya.
"Sabi ko yung red lang." sabi ko sa kaniya ngunit hindi siya tumugil sa pagtulak ng cart at dumiretso sa cashier. Siya na rin ang nagbayad lahat dahil regalo daw niya iyon kay mama. Napangiti na lang ako. Sa halos tatlong taon kasi namin, hindi pa rin siya nagbabago. Sobrang bait niya pa rin sa akin lalo na sa pamilya ko.
Dumiretso kami sa isang sikat na restaurant ngunit pinigilan ko siya kaya naman lumipat na lang kami sa isang fastfood chain. Sinabi ko na lang sa kaniya na hindi ako mabubusog don at mas madami akong makakain kapag sa fastfood kami kumain. Ayoko din naman kase abusuhin ang kabaitan niya.
Kumakain kami ngayon ng fried chicken at spaghetti nang magtanong siya.
"Kamusta pala yung bago mong school?"
"Ayos lang naman. Madami agad akong naging kaibigan." ngumiti naman siya sa sinabi ko.
"Make sure na hindi ka nabubully don. Lalo na at rival school ng Montefalco iyon." sabi niya na tumango lang ako.
Patuloy lang kami sa pagkain nang may maalala ako.
"Napansin ko lang, laging nagpa-practice ng basketball sa amin. Lalo na yung womens division." kwento ko sa kaniya na ipinagtaka niya naman.
"Basketball? Katatapos lang ng District ah. And almost end of the year na so tapos na rin ang intrams. Unless may iba kayong activities bukod don."
BINABASA MO ANG
REBOUND
Ficção Adolescente"I'm not perfect, I'm just a limited edition; there's only one of me." - Paris Ashley Hilton °°° May mga bagay talaga sa mundo na hindi na natin maibabalik. May mga tao sa mundo na hindi na natin mapapatawad. May mga desisyon tayong akala natin...