Kabanata 4
Play
Unlike yesterday, nag-meet sa amin ang ilang subject teachers. Iyong iba naman na sa hapon pa naman ang schedule, maagang nag-inform na rin na baka next week na lang daw sila papasok sa klase namin. And when I say maaga, they really went from eight in the morning onwards just to announce it. Ayos lang din naman sa akin na ganito ang setting namin dahil unang linggo pa lang naman. Kumbaga, lubos lubusin na lang namin ang mga araw na wala pang pasok, pero ano kaya ang ginagawa ng mga teachers para ipagpaliban ang introduction namin this week? Nagca-catch up din ba sila o nag e-endorse ng mga brochure ng mga binebenta nila sa mga co-teachers? Charot. Pero gayon pa man, dahil doon maaga rin kaming nakalabas ng classroom at gumawa ng kung ano mang trip namin para makapag-palipas ng oras.
As for me, ilang oras na akong nandito sa football field. Kanina pa ata noong break time. Kasama kong naglalaro ang ibang boys na nasa Grade 12. May iilan kasi akong kakilala sa kanila kaya nang pumunta ako rito, namukhaan din nila ako kaya napasali na lang din. At syempre, gustong gusto ko naman. Sabihin na nating warm up ito para sa tryouts sa Biyernes. Iyong mga kasama ko ngayon ay miyembro pala ng football team ng kanilang grade level. Ito rin yung isa sa mga perks kapag engaged ka sa sports. You will meet people and gain a lot of friends from it.
Hindi namin okupado ang buong field. Ang kalahati lang nito ang sakop namin kaya hindi rin ako masyadong pinagpapawisan. Tawa ako nang tawa dahil sa kalokohan nila. Paano ba naman, imbes na maglaro ng maayos, dinadaan nalang sa pandaraya para lang hindi matalo. Katulad nalang ng nalalapit na sanang goal ni Richard pero dahil natatalo na ang kabilang team, kinuha iyon ni Paul gamit ang kamay. Ganito kasi yung setting, may isang goalkeeper pero hindi siya panig sa kahit kaninong team. Kung sino lang yung makaka-shoot ng bola, edi syempre sa kanilang team mapupunta ang punto.
Iyong iba, may klase kaya napagpasyahan na maunang umalis. Kaya naman lima nalang kaming natira rito. Kagaya ko ay wala rin silang pasok dahil sa susunod na linggo pa raw ang formal classes nila.
"Para maiba naman at dahil magaling ka Yuna, kaming lahat laban sa'yo, ayos ba 'yon?" Tanong ng kakilala kong si Victor. They won't go easy on a girl, huh?
"Oh, tapos ano? Mandadaya kayo? Alam ko na mga style niyo!" Tumawa ako sa kanya at nakisabay din sila sa akin.
"Sige na, please? Promise, lalaro kami ng patas!"
At dahil doon, nagkibit balikat nalang ako at pumayag sa gusto niyang mangyari. Sa totoo lang, wala akong masyadong kumpiyansa sa sarili ko. Kahit pa sinasabihan ako ng mga tao na katulad ako ng tatay ko na magaling din ako maglaro, hindi pa rin talaga ako ganoon ka confident. Wala naman sigurong masama na sumang-ayon sa kagustuhan nila. Besides, it's just for fun and games anyway.
Katulad ng ayos namin kanina, may isa pa ring goalkeeper na walang pinapanigan at kung sino man ang maka-goal, sa kanya ang score. Eh mukhang ako naman yata ang mangungulelat nito. Pero tignan natin kung ano ang mananalo. Would it be quality over quantity or it's the other way around?
Naghagis pa kami ng barya sa ere para malaman kung kanino ba unang mapupunta ang bola. At dahil sakop namin ang kalahati ng field, doon na talaga kami tumayo sa gitna para sa kick-off. Bahagya akong napangiwi nang sinundan ko ng tingin ang baryang nasa ere. Saktong tumama rin kasi ang sikat ng araw sa mga mata ko. Sabay kaming nag-abang sa magiging resulta ng coin toss. Lumapat na ito sa likod ng palad ni Victor. Tinakpan niya muna ito ng kaliwang kamay bago inilahad ang resulta. Nagkatinginan kaming lima. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay. Ngumuso ako nang nakita ang heads. Nangangahulugan na sa kanila mapupunta ang bola.
YOU ARE READING
17 Minutes of Despair
Teen FictionBeing the daughter of a former member of the country's Football Team, Yuna Rivelle Ciervo made a name of her own in the same field. With a supportive family, possessing both beauty and brains, as well as having a natural talent in the sport, everyth...