Chapter 19

37 0 0
                                    

                       Monday came and I'm too lazy to attend my classes. I'm glad that tomorrow is a free day for me so I can attend the finals. Hindi required attendan ang klase ko bukas since it's not major and isang oras lang ito.

"Here's the ticket, Erin. Sa likod lang namin 'yan. Then, here, pinapa-abot ni CJ. Sootin mo raw." Eros said and handed me a paper bag.

Dumaan si Eros sandali sa Condo ko para siguro idaan ito.

"Thanks. Usually sa mas taas yung seats na kinukuha mo, ah? Bakit naman sa likod niyo mismo?" Takang tanong ko.

"Well, hindi naman ako ang kumuha niyan. Si CJ. Tatlo 'yan. Para sa inyo nila Aika at Sydney. Kung hindi raw sila makaka-attend, ibigay mo nalang sa kahit sino." Eros said as he arranged his gym bag.

"Alright. Sige." I nodded at him.

"Anong oras klase mo?" Tanong niya.

"Mamaya pang 10. Mauna ka na. 9 AM na, oh. 7 ang call time niyo, ah! Si CJ kanina pa nandoon."

"Yes, Ma'am. Aalis na nga, eh. Ingat ka, Erin. See you bukas." Eros said and kissed my forehead. Paglabas niya, I decided to check on the bag.

May tatlong tickets dito, isang pink rose at blue t-shirt na may malaking #18 sa likod. Mukhang pina-sadya pa ito dahil may tag pa.

Lumapit ako sa bedside table ko nang marinig ang isang notification mula sa phone ko.

Text Message:

From: Clavell Jairus Zobel the pinaka-pogi

Erin, you like the shirt? Sorry, na-late. Ang tagal before matapos, e.

Natawa ako sa nai-set niyang pangalan niya sa contacts ko.

I just shrugged and cooked noodles for me to eat. Most probably after my three hours photojournalism class later, Gonz ang diretso ko.

After eating, sinoot ko na ang usual na soot ko. Orange floral puff sleeve crop top, paired with white ripped jeans and sneakers.

Time went by fast, I'm currently driving to the main building for my class. "Hi." Lapit ni Geli saakin. Parehas pala kami ng sched ngayon.

"Hi, Geli! Same sched pala tayo today." I greeted her as she sat beside me.

"Yes. I'm hungry. Eat tayo later sa Gonz?" Aya niya.

"Yeah. Sure. Lunch. You can have this pala. You need energy." I handed her a snickers bar.

"Oh my god. What a blessing. Thank you." She said and the professor came in. Marami kaming lectures ngayon about using the proper lenses for different photos.

"That was hard." I told Geli. We're currently walking down to the parking. Nalaman ko na sumabay lang pala siya sa kuya niya kaya hindi niya dala ang kotse niya.

"I know right, girl! Buti pa ikaw, ang bilis mo natapos a quiz at perfect pa." She pouted.

"It's still hard, no." I said as I started the engine of my car.

"Anyway, may class ka ba bukas? A-absent ako. I'll watch Kuya's game. Last game niya na 'to, eh."

"Wala. I'm glad wala akong class. Dalawang pinsan ko ang maglalaro bukas. I can't miss a game. Na-miss ko na last season, eh. 2 hours break natin ngayon. You have plans?"

"None, actually. Eat lang sa intervals cause I'm patay gutom." Natawa ako sa pagiging conyo.

Believe me, it's hard to stop being conyo. My first years here was really hard. I can't even speak straight filipino.

Skies' not the limitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon