Mais, masabaw at maberde.
---
"Aaah.... Ahh, please.. Deeper." ang mga huling salitang narinig niya bago niya iniwan ang library na may mag-jowang walang budget para makapag-rent ng kwarto sa hotel. Hindi mo aakalain na ang isa sa mga matinong unibersidad ay may nagaganap na kawalanghiyaan sa kwartong pinasukan niya. At kung may saksi, siya ang pupunta sa korte para ipaliwanag ang mga nangyayari sa tuwing bibisita siya sa kwartong ito. Pero mukang wala siyang balak magsumbong, dahil para sa kanya gulo ang bagsak niya kung pipiliin niya ang daang ito. Isa pa, siya ang tipo ng taong walang pakielam. Oo, kahit magbigti ka pa diyan. Sige kung mali ako babayaran kita ng singkwenta kasama yung katawan ng kuya ko.
Ang taong sinasabi ko kanina ay si Nike Maluntag, ang babaeng mahirap o kumbaga sa aso askal ang lahi niya. Siya yung asong hindi lumalandi pero virgin parin, oo hindi pa siya nadigitan kaya innocente pa siya pagdating sa mundo ng mga berde. Pustahan tayo reproductive system lang yung alam niyan. Kung sa spooning nababastusan ka, para sa kanya paraan ito ng pagkain. Pero totoo, ako rin eh.
Habang hawak hawak ni Nike ang mga librong hiniram niya, binubura niya sa isip ang mga nangyari kanina dahil lagi naman itong nangyayari sa tuwing lalabas pasok siya ng library at masyado siyang nagugutom para pagtuunan pa ito ng pansin. Since hindi pa siya nag nagtatanghalian pumunta muna siya sa Canteen para kumain sabay narin sa pagbasa sa mga librong hiniram niya. Sa pagpasok niya sa pintuan ng Canteen she encounter this girl who was just glaring at her and at some point hindi na niya ito pinansin dahil wala siyang panahon sa mga hindi kapansin-pansin.
Pero dahil nga kulang siya sa pansin, that girl harshly grab her wrist at sabay harap nito sa kanya, Nike sampalin mo na yan!------"Hey Nike, ako 'to si Kate. Naka-drugs ka ba?" Oh.... It's her so-called friend Kate Baltazar. Dahil bumalik na siya sa katinuan inayos niya ang kanyang uniporme except for her messy hair. Lumingon si Nike sa kanya sabay sabing "Hindi naman, nakahithit lang ng cocain" at sabay iwan nito sa kanya para maghanap ng bakanteng upuan na mapagkainan at para narin makapag-basa siya ng walang sumasagabal. "Ui!" habol ni Kate ng saktong nakahanap na ng upuan si Nike. Kasasabi palang eh, NG WALANG SUMASAGABAL.
Hindi na intindi ni Nike ang pagkamakate ni Kate agad nalang niya kinuha yung 50 pesos niyang nakatago sa sapatos niyang 4th hand at sabay pila sa burger station. On the other hand o sa kabilang kamay, sapilitang kinuha ni Kate yung wallet niya sa loob ng Gucci niyang shoulder bag with a touch of golden chuchu at pumila sa "pangmayaman" station. Itong si Nike naman sa gilid ay namomorblema dahil halata o hindi halata may hihilingin si Kate sa kanya, kadalasan kasi lumalapit lang si Kate sa kanya kapag may kailangan. See? yan ang tunay na kaibigan, bulong ni Nike sa sarili.
Pagkatapos ng ilang minuto, umupo na si Nike sabay lapag ng burger sa lamesa na kung saan naka-upo na si Kate sa harap niya. Habang sagabal si Nike sa pag-aayos ng babasahin niya, nakasalumbaba si Kate as if kinukuha yung attention nitong si Nike. Sa inis "May kailangan ka?" nagsalita na si Nike dahil sa ayaw niyang tinititigan. "Yes, you." sabi ni Kate. Ang ayaw na ayaw ni Nike ay yung pinipiso piso lang ang mga tanong niya, kaya naman hindi niya mapigilang mainis. Pero syempre patayin nalang niya si Kate sa isip niya, wag lang gawing totohanan. "Ano break nanaman kayo ng boyfriend mo?" inis niyang mahinang tanong, since madami dami pa ang mga tao sa canteen. Syempre ayaw niyang makitang mag-rampage si Kate. Pero ako gusto ko.
Bumalik sa isip ni Nike nung tinulungan niya si Kate because of the sake of her own imge. At that time, Kate had this boyfriend by accident at dahil kilala siya sa pagiging perfectionist ine-expect ng mga kaibigan niya na magka-level sila ng boyfriend niya pero sa totoo gold digger yung lalake at dinadaan lang sa pera ang pagiibigan nila. Natakot si Kate na baka malaman nila ang lahat and so she broke up with that guy and then she wants her ex back para lang may masabing boyfriend. Since may utang noon si Nike kay Kate, siya ang naging daan para magkabalikan sila ng ex niya at para matakpan rin yung----ganito ba talaga ka-drama itong samahan ng dalawang 'to? Dinaig pa yung tele-novelang paborito ng lola ko.
"Nope this time is different." sabi niya sabay higop ng "pangmayamang" inumin. Hindi maiwasang mairita ni Nike kaya sinamol nalang niya ang burger na kanina pang naghihintay. "Hindi mo ba alam na tag bebente yung bawat tanong ko? Diretsuhin mo nalang kasi ako." sabi niya na ikinatuwa naman ni Kate.
Pinunasan muna niya yung mga labi niya gamit yung tissue na nasa bag, kahit wala namang dumi. Arte much. "I have a favor. Ikaw nalang ang pumalit sa pwesto ko mamayang uwian, ito yung address." sabi niya sabay abot ng adress kay Nike na nagtataka. "I already have a plan with my current boyfriend tonight and I also discuss this with my dad and along with my family so there is nothing to worry about, so you better stop finding for a job or such. Just go there and take my place. Your dad will be fine as long as you are doing what I ask for. So if you ever dare to escape, you'll see what will happen." sabi niya sabay ngiti kay Nike at alis ng Canteen while doing the cat-walk. Nike, may naintindihan ka ba?
⊙_⊙ Expression niya na halatang ini-isa isa ang mga pinagsasabi ni Kate. Matalino at oo mahilig sa libro pero sinadya na siguro ang pagka-slow niya sa lahat ng bagay. Sa tindi ba naman ng ingles hindi pinagbigyang i-analize ni Nike, pero mukang nalinawan siya nung nabanggit yung tatay niya. Alam ni Kate yung tungkol sa tatay niya since sa kanya umutang si Nike para mabuhay yung natitira niyang pamilya. At ngayon kinakailangan nanaman nila ng pera para madugtong ng ilang buwan yung buhay ng tatay niya and Kate gave them a chance if "I take her place. Anong gagawin ko naman dito?" tanong niya sa sarili habang ginugulo yung magulo niyang buhok.
Naalala niya ang mga pangako, pangarap at iba pang kadramahan nilang dalawa ng tatay niya na nagbigay naman sa kanya ng dahilan para pumunta sa address na binigay sa kanya ni Kate kahit ang tingin niya siya na ang hihiranging NIKE THE INTERNATIONAL BABAENG POKPOK sa pupuntahan niya mamaya.
***
Pagkatapos ng oras ng uwian nila, walang ano man ay pumunta na agad siya sa address na binigay ni Kate kahit hindi pa buo ang desisyon kung gagampanan ba talaga niya ang "place" ni Kate. Sa tuwing papalapit ng papalapit ang taxi tungo sa lugar na iyon, parewind siya ng parewind sa nangyari kanina sa library na pinasukan niya. Para sa kanya kailangan niyang maging magaling dahil bar ang papasukan niya hindi bahay ampunan. Sa pagdaan ng ilang minuto napansin niya na nakahinto ang taxi sa harap ng isang malaking gusali. "Baba ka, hindi?" init na tanong driver. Napasulyap naman ng ilang beses si Nike sa adress bago bumaba mismo ng taxi. "Oy, bayad 130." sabi ng driver na muntik makalimutan. Nagulat naman si Nike sa taas ng presyo kaya napa "Ha?" siya ng di-oras. "Oy iha, matrapik ngayon." dahilan ng lokong driver at dahil wala siyang magawa, bumigay nalang. Ang weak mo teh.
Wala namang bar na ganito kalaki, sabi niya sa sarili na kahit papaano ay ginamit yung utak. Dali dali siyang pumasok sa building at sinugod yung number ng office na nakalagay sa likod ng papel na sinulatan ni Kate. Hingal na hingal niyang binuksan yung pintuan ng office ng biglang tumambad sa kanya ang isang lalaking nakapatong sa babae na halos walang damit habang nagsisigatak-tak ang mga pawis"Who... Who gave you permission to open the door without asking me first?!" sabi nung lalaki habang natatarantang inaayos yung kanyang damit at ganon din yung makati-malibog-malandi niyang secretarya na halatang gulat na gulat. Shit, hindi ko pala na-lock! sigaw niya sa sarili.
t -_- t ← Nike
BINABASA MO ANG
Living w/ a Virgin
RomanceSi Lewel ang tinaguriang "Sex God" ng pamilyang Batac ay isinumpa ng langit at lupa para mamuhay kasama ang isang pure virgin. In long, isang babaeng sanay sa libro at inocente sa kama ang makakasama ni Lewel. Walang sex, walang alak. Ano kaya pa?