Justin’s POV
‘Let’s meet again, tonight. Let’s talk about the birthday celebration tomorrow.
Ang nabasa kong text message ni Clyde nang buksan ko ang aking selpon. In fact, ngayon lang nangyari na halos tatlong beses kaming nagkita ni Clyde. Hindi naman sana ako maiilang dahil in the first place, kapatid siya ng girlfriend ko at siya ang tipo ng bakla na hindi naman ladlad, pero hindi ko talaga mapigilang mag-isip ng iba. Anyway, bakit ko pa ba naiisip ang mga ganitong bagay sa ganitong pagkakataon. Thinking na masyado nang nagiging komplikado ang sitwasyon. At kagaya ng napag-usapan namin ni Clyde lately, naging buo na nga ang desisyon ko.
At first, nagulat talaga ako sa sinabi nila Mom.. pero narealize ko na tama pala sila. Kapakanan lang naman nila ang iniisip ko at hindi ang rason na hindi nila gusto si Athena para sa akin. Dahil sa katunayan nga’y halos gusto na nilang patirahin si Athena sa Mansion. Pero wala, wala na kasi talagang ibang way para mabago pa ang desisyon nila Mom at isa pa, wala na rin akong magagawa pa para maisalba ang business company ng family namin.In other words, kahit masakit mang isipin at paniwalaan, mukhang kailangan ko na talagang sabihin kay Athena ang lahat ng ito. Mas lalo lang kasi akong nahihirapan habang papalapit ng papalapit ang araw ng aking pag-alis.
At sa tingin ko’y magandang sign ang nalaman kong, birthday niya pala bukas.And it made me laugh at the top of my lungs despite of sadness I feel because of my decision.
Because it’s funny to think that we answered yes to each other without knowing the birthdate of one another.Hindi rin kasi niya alam ang birthdate ko.
When I checked the clock and realize that’s it’s already 6 pm, agad na akong nagbihis. Mabuti nang maging maaga kaysa maging late. Subalit bigla na lamang akong napapatigil sa tuwing makikita ang laminated piece of paper na nakasabit sa gilid ng mirror. To be honest, it’s our treaty and this was the original copy. Ito ang reason kung bakit sinadya ko talagang punitin ang “papel ng kasunduan” thru video call, para hindi niya mahalatang xerox copy lang iyon. Believe it or not but I’m a type of person na masyadong nagpapahalaga sa mga bagay. May sentimental value kumbaga to the point na gagawin ko ang lahat upang maitago sila kahit na magmukha pa akong tanga. Dahil ang mahalaga para sa akin ay ang kapakanan nila. – at ang mga ala-ala sa likod nito.
I just smile while staring at it- saka na humakbang palabas ng pinto subalit bago ko pa man mabuksan iyon ay nagulat ako nang kusa na itong bumukas.
Nabalot man ng pagtataka ay pinili ko pa ring harapin ang taong nagbukas niyon at napatigil ako nang makita ang malungkot na mukha ni Mom.I knew it. Alam kong ang desisyon pa rin nila ang iniisip niya at nalulungkot siya dahil masakit din para sa kaniya na iwan at saktan ang babaeng napalapit na rin ang loob sa kanila.
Pero hindi ko naman sila masisisi. Dahil ito na yata talaga ang mga pangyayaring nakaukit sa aming kapalaran.“Bohr. I’m sorry, I’m really sorry. Hindi naman kasi mangyayari ang lahat ng ito kung nakinig lang ako sa Dad mo na hindi paniwalaan ng ganoon na lang ang ibang stakeholder.. pero wala. I’m such a fool. Bohr, what if sundin mo nalang ang sarili mong desisyon na manatili dito.. na hindi sumama sa amin sa Australia. Alam kong hindi papayag ang Dad mo sa ideya na ito pero kung dito ka masaya, alam mo namang susuportahan kita diba? Kahit gaano pa man ka-imposible—”
Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Mom at kaagad na lamang siyang niyakap ng mahigpit.
Ganito kabait si Mom. To the point na kaya niyang isakripisyo ang lahat alang-alang sa kasiyahan ko.
Subalit, nakapagdesisyon na ako. At buo na ito.“Mom, it’s okay. Hindi mo naman kasalanan ang lahat. Ito na nga yata ang kapalaran natin. We have to let go of the things na kahit masakit, still kailangan pa ring tanggapin. Hindi ba’t may kasabihan na “Just go with the flow?—”
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?