Athena's POV
"It's nothing. Don't worry about it, Athena. It means nothing."
Muli niyang wika na siyang mas nagpalakas sa kabog ng aking dibdib. Napayuko ako. Hindi ko kasi alam kung bakit kailangan niya itong sabihin sa akin sa mga pagkakataong ito, at kung bakit maiisip niya pa akong tanungin - ng isang tanong na minsan na ring naitanong sa akin ni kuya.
Bigla akong napaisip.
Hindi kaya, may gusto silang sabihin sa akin?
At hindi lang talaga nila masabi kung ano iyon?
Ang tuwang naramdaman ko nang dahil sa nangyaring sorpresa at "birthday celebration" ay napalitan ng pagdududa, kaba at pangamba nang dahil sa katagang binitawan ni Bohr.
Nakakapagtaka.Dahil kung walang ibig sabihin ang tanong na iyon , ay bakit ganito ang nararamdam ko sa mga oras na ito?
Sa totoo lang, kinilig talaga ako ng bongga nang makita ko siya ngayong gabi. Masyado kasing pa-suspense ang mga taong kasama ko kanina at ni isa sa kanila'y wala man lang makapagsabi kung nasaan si Bohr.
Kaya naman naniwala na lamang ako na hindi niya nga talaga alam na birthday mo ngayong araw, kahit na deep inside sobra pa rin talaga akong nalulungkot.Thinking na nasanay na akong kasama siya at halos lahat ng espesyal na tao sa buhay ko ay nagsama-sama upang kulayan at gawing memorable ang 19th birthday ko, I know you know the feeling of missing.
Oo. Masaya ako sa mga surprises nila at lalo na sa mga sweet and deep talks sa isa't isa- dahil sa buong araw na magkakasama kami'y halos napag-usapan na namin ang lahat ng issues so far. Pero hindi pa rin talaga mawala-wala ang pakiramdam na may kulang pa rin. At si Bohr iyon.
Nakakamiss lang talaga siguro ang lalaking iyon at ang kakulitan niyang taglay. Iisipin ko sanang galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa birthday ni Zashumi and I'm here , wondering if he also missed me the same way I do.
Kaya naman talagang mas nag-umapaw ang sayang naramdaman ko nang makita ko siyang- kumakanta sa harap ko. Aba't may pa-Michael Learns to Rock pa siyang nalalaman.
Hanep talaga kasi silang mag-plano.
Hindi ko man expected, pero sobra talagang nakakaamaze. Actually, pauwi na nga sana kami dahil tapos na ang celebration at gabi na pero agad akong tinawag ni Aphrodite for some reason - kaya iyon dali-dali akong tumungo sa pool site sa ikalawang pagkakataon.
Hindi ko naman inaasahang may another birthday surprise rin pa lang sasalubong sa akin. At siya iyon.
Ang lalaking, mukhang ginayuma yata ng eyebag ko ^^
Ewan. Para nga kaming nasa isang teleserye dahil halos kuminang ang mga mata ko sa pa-light effects plus sa mga rosas na nasa pool.
Tapos may pa-table at may wine at foods pa na nakalagay dito.
It seems like a romantic date na kahit kailan hindi ko naranasan sa buong buhay ko.
NBSB ako remember? Ni hindi ko nga inexpect na mararanasan ko pa ito eh.
Since hindi naman ako ganoon kagandahan , at akala ko'y walang magkakagusto sa akin.
Subalit nagkamali ako.
Sa puntong ito, hindi ko man alam ang sasabihin dahil sa sobrang gulo ng utak ay pinili ko na lamang ngumiti at magkunwaring hindi ako nagtaka sa sinabi niya.
Hindi ko na lang siguro siya kukulitin pa tungkol doon dahil baka , magalit na naman siya sa akin.
"Okay... Sabi mo eh. Pero feel free na i-share kung ano man iyan ah."

BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?