~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Zac's POV:
"Huiii!! Nakatingin ka naman sa kanya! Ba't kasi hindi mo pa lapitan!?" -pambabatok sa akin ni Sandra. Siya nga pala si Sandra Del Rio ang childhood best friend ko, sadista at amasona ang babaeng yan. Bata palang kami magkaibigan na kami. Dumedede pa lang yata kami magkaibigan na kami.
"Para namang gago 'to! Kung maka-batok akala mo matatanggal na yung ulo ko" -Naiinis na sabi ko sa kanya. NBSB kasi 'yan pero kung makapag bigay ng advice 'yan akala mo may experience. Expert kasi 'yan sa love.
"Aba! Dela Cruz wag mo ko ma mura-mura diyan kung ayaw mo matanggalan talaga ng ulo! Di lang ulo mo sa itaas ang puputulin ko. Hmp!" -Nakairap na sabi niya. Ano pa nga ba? Kailan ba ako mananalo dito? Tss. Ako nga pala si Zac Dela Cruz, 18 years old. NGSG rin ako, may hinihintay kasi akong babae. Hindi ko naman maligawan dahil nahihiya ako. Yung tinitingnan ko kanina ay si Trini Trinidad, 18 years old. Kind, generous, intelligent, and beautiful. Kilala siya sa school dahil Almost perfect siya, siya yung tipo ng babaeng every guys dream. Pinaka nagustuhan ko sa kanya ay God fearing siya. Naputol ang pag mumuni ko ng magsalita si Sandra.
"Bakit ba kasi napaka torpe mo? Samantalang kilala ka rin naman dito as almost perfect." -Seryosong sabi niya sa akin.
"Kahit saang anggulo mo tignan may ipagmamayabang ka dahil gwapo ka naman." -Sabi niya sabay titig sa mukha ko. "...Macho ka naman" -Siya. Sabay hawak sa braso at tiyan ko. "...Matalino ka naman." -sabi niya. Tumingin sa noo ko at ngumiwi. "At higit sa lahat mabait! Nuks! Baka lumaki ulo mo ah?" -Natatawang sabi niya. I glare at her. Pinag titripan na naman kasi ako.
"Oh bakit? Totoo naman lahat ng sinasabi ko eh." -Sabi niya at nag pout pa! Di naman bagay!
"Bakit pag si Trini ang nag pa-pout ang cute pero ikaw ang sagwa!" -Pang aasar ko sa kanya.
"Ah ganon, gusto mo ipag kalat ko sa kanila na may gusto ka kay Trini?" -Seryosong sabi niya. Nanlaki naman ang mata sa sinabi niya. Kilala ko 'tong si Sandra kapag sinabi niya ginagawa niya. Tumayo siya at akmang magsasalita pero agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Ui Wag! Kaw naman hindi ka na mabiro." -Natatawang sabi ko pero deep inside gusto ko na siyang sapakin. Tinanggal naman niya ang kamay ko mula sa bibig niya.
"Pwe! Pangit ng lasa ng kamay mo! Alam mo may naisip ako na dapat mo gawin." -Nakangiting sabi niya sakin. Okk? parang hindi ko gusto ang iniisip niya. Mukhang nabasa naman niya ang nasa isip ko kaya agad siyang nag react.
"Hindi kita ipapahamak tanga ka ba?" -Nakairap na sabi niya. Na tanga pa ako. "...Kahit ganito ang kilos ko babae parin ako, nireregla rin ako." -Seryosong sabi niya. Bastos talaga ng bunganga nito. Pero okay lang tanggap ko na kung sino talaga siya. "...Basta ito ang tatandaan mo. 'Be yourself' nang sa gayon makuha mo ang puso niya." -Sabi niya at kumindat pa siya sakin.
Sandra's POV
Papunta ako ngayon ako sa classroom ni Trini. Ako kasi magpapapunta sa kanya sa soccer field kung saan mag co-confess si Zac. Puta bakit ba kasi napaka torpe ng gagong yun, baka mas marunong pa akong manligaw sa kanya eh kahit pa babae ako.
"Trini sumama ka sakin emergency lang" -nagulat siya nung bigla ko siyang hinatak at nakita ko sa mga mata ang pagtataka. Kahit naman ako magugulat kung may manghatak nalang sakin na ka-batch ko na ni minsan hindi ko naman nakausap.
Huminto kami sa may corridor kung saan kita yung soccer field. Tiningnan ko yung reaction ni Trini, gulat at pagka-mangha ang nakita ko sa mga mata niya kaya hindi ko napigilan na mapangiti.
Trini's POV
Napaawang ang bibig ko sa nakita ko.. Nandun lahat ng mga kaibigan ko may sila isa-isang papel nakalagay na 'Trini will be my girlfriend?' Tapos may malaking letters na nakalagay sa buong soccer field sinakop nito ang buong soccer nakalagay dito ang salitang 'I love you' yung salitang love ay hugis puso na ang bumubuo sa salitang 'to ay puro bear favorite bear ko!
Napatakip ako ng bibig nang makita ko kung sino pasimuno nito. Si Zach! Naglalakad siya papunta sakin habang may hawak na gitara. Huminto siya sa harap ko at tumingala para makantahan ako parang hinaharana niya ako maka-luma pero di ko maiwasan ang kiligin.. Nagsimula na siyang mag strum ng gitara sinimulan niyang kantahin ang 'Nobody will love you like I do' napangiti ako ng palihim dahil pulang pula na yung mukha niya.. Si Zach ang matagal ko ng gusto sa dami ng nanliligaw sakin ay ni-isa wala akong sinagot dahil siya lang naman ang hinihintay ko, pero napaka torpe nito, wala pa siyang nagiging girlfriend yun ang alam ko nang dahil dun nawalan ako ng lakas ng loob lumapit at makipag kaibigan sa kanya dahil baka snobin lang niya ako. Hindi ko akalain na nasa harap ko siya at kumakanta at first time ko rin maranasan ang ganitong surprise.
Pagkatapos niyang kumanta, nilapag niya yung gitara at umakyat papunta sakin. Nang makarating siya sa harap lumuhod siya, napasinghap naman ako sa ginawa niya. Pulang pula ang mukha niya halatang nahihiya at kinakabahan.
"Trini Trinidad I never used to do this, but I want you to know what I feel for you. Matagal na kitang gusto... No mahal na kita, matagal na kitang ini-stalk nakakatawa isipin pero yun ang totoo nahihiya lang ako lumapit sayo kasi natatakot ako na ma-reject.. Di nako magpapaligoy ligoy pa. Will you be my girlfriend?" -matagal akong hindi nakapag salita habang siya nakatingala lang hinihintay ang sagot ko. Bumagsak ang mga balikat niya at yumuko dahil matagal akong nakatitig sa kanya.
Napangiti ako dahil sa ginawa niya. "S-sure. I will be your girlfriend." -nakangiti ngunit naiiyak kong sabi. Umangat ang ulo niya at tumayo siya.. Tumalikod siya at lumayo siya ng kaunti sakin. Napakunot naman ang noo ko. Nagbago na ba isip niya? Ayaw na ba niya ako maging girlfriend? Mag iisip pa sana ako ng kung ano ano ng bigla siyang sumigaw.
"YES! MAY GIRLFRIEND NAKO! NAKIKITA NYO BA YANG BABAE NA YAN? GIRLFRIEND KO NA SIYA! WHOOOO!" -napangiti ako sa inasal niya dahil first time ko siyang nakitang nagsisigaw ng ganyan. Napapitlag ako ng bigla siyang lumapit sakin at hinalikan ako labi, hindi agad ako nakapag response dahil sa gulat ko, mariin ang pagkakahalik niya sakin at parang dinadama niya yung paghalik sakin pero bago pa ako makapag response bumitiw na siya sa halik. Nakangiti siya habang nakapikit. "Fuck! I'm so happy. Hindi mo pagsisihan na ako ang pinili mo. I love you so much trini." -hinalikan niya ulit ako this time nag response nako. Me too. I'm so happy at sigurado nako na siya na talaga. Sana nga hindi niya ako saktan pero iisipin ko muna ang hinaharap para saming dalawa. This is my story.
-THE END
°°°°°°°°°°°
||All Rights Reserved 2015||
BINABASA MO ANG
A Shy Boy likes me (One-Shot Story)
Short Story© All Rights Reserved 2015 || MSstranger097 ||