Same routine lang ang ginagawa namin araw araw. Mag bbreakfast ng sabay, makikipaglaro saglit kay Isabelle, ihahatid nya ako sa work ko then after work susunduin ako at uuwi na sa bahay para family time na. Simple lang pero masaya na ako sa ganitong buhay namin, kapag weekends ay nagsisismba kami then igagala si Isabelle sa mall.
"Bye Mommy and Daddy see you later. Take care and I love you." Hinalikan nya kami at umalis na kami. Yung yung mahirap na part samin, ang iwan ang anak namin sa umaga para mag trabaho. Madalas don si Mama ni Dylan kaso hindi naman namin naaabutan at hindi sya nagpapa gabi.
"Love dinner daw mamaya sabi ni James." Panimula ni Dylan habang nag d'drive sya.
"Oh himala bakit sya nag aya?" Tanong ko naman.
"Baka pagod sa work, weekend kinabukasan kaya yun nag yaya." Sagot nya sakin.
"We can have dinner at our house nalang, can't leave Isabelle for too long. Then let's chill sa garden. Kahit ako pa ang magluto ng dinner maaga naman tayong natatapos eh." Suggestion ko sa kanya, ayoko kasing nasa labas ako ng gabi na, for sure ay magtataka si Isabelle at ayoko din pag alagain si Manang ng matagal dahil pahinga nya na yun.
"Yun nga din ang iniisip ko. Talk to James, hindi makakatanggi sayo yon." Utos nya sakin habang pinaglalaruan nya yung kamay ko. Pag kase ako nagbigay ng suggestion kay James ay Oo lagi yun.
"Okay I will pag dating sa office. Nga pala Love, sinend na sakin ni Tess yung flowers na gagamitin sa Isle ng simbahan at sa wedding receptions natin. Look ang ganda." Pinakita ko sa kanya since traffic naman. Pinaghalobg kulay white, pastel pink and dark pink yung sa wedding reception namin, may malaking wall din para dun mag picturan. Habang sa Isle naman sa simbahan ay more on color white. Yung bouquet ko naman ay ang ganda rin.
"Maganda sya buti nalang at si Tess ang nakuha natin, sobrang hands on." Sabi nya habang nakatitig parin sa picture.
"Food tasting bukas, pero she insist na sa bahay nalang daw gawin at dadalhin nalang daw nya sa atin, nakakatuwa sya." Kwento ko sa kanya.
"That's good para hindi na tayo lumabas, hassle din lalo na kay Isabelle gusto ko sya makasama maghapon dahil yun nalang ang rest day natin." Tinitigan nya naman ako at nginitian. Nung makarating na kami sa tapat ng company nila ay pinabuksan nya ako ng pintuan ng kotse at inalalayan makababa.
"Work well and behave." Sabi nya sa akin at hinalikan ako.
"You too! Take care okay? iloveyou." Malambing na sabi ko sa kanya.
"Mas mahal kita, sobra." Ngumiti sya at hinalikan ako ulit. Nung makapasok na ako ay agad naman syang umalis. Nasa Elevator na ako nung biglang nagbukas ulit ito at pumasok si Denver.
"Buti nag bukas male-late na ako." Sabi nya sbaya tumawa. Halatang tumakbo sya dahil naghahabolnsya ng hininga.
"Himala at na late ka Denver?" Tanong ko sa kanya. Hindi kasi to nale'late sa sobrang sipag nya.
"May inasikaso lang. busy day nanaman ngayon. Nagpasa na ng docs sila Mr. Mariano hoping na kompleto lahat." Kwento nya.
"Mabuti naman. Tell me if you need help okay?" Sabay kaming naglakad papasok ng office, inabutan nya ulit ako ng kape.
"Ano to?" Takang tanong ko sa kanya.
"Uhhh kape?" Pilosopo nya pang sagot.
"Alam kong kape to, pero bakit? Kaya ko naman bumili." Feeling ko na offend ko sya. Ngumiti naman sya.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...