Nandito ako sa kilalang bar sa manila. Kanina ko pa sinusundan ang girlfriend kong si amethyst Simula sa trabaho Hanggang dito.
Pumunta ko sa kinaroroonan nya at umupo sa harapan neto, ni hindi man lang nya ko tinignan.
Biglang tumugtog ang isang musikang kilalang kilala ko at paboritong ipakanta sa akin ni amethyst noon.
Hey baby when we are together
Doing things that we love
Every time you near I feel like I'm in heaven feeling high.Sinubukan kong hawakan ang kamay nyang naka patong sa ibabaw ng lamesa ngunit hindi ko pa man yon naaabot ay tumayo na sya at nagtungo sa bar counter.
I Don't want to let go girl
I just need you to know girl
I Don't wanna run away
baby your the one I need tonight
No Promises.Tinitigan ko sya ng maupo sya sa isa sa mga high stool hair at umorder ng maiinom.
"I'm sorry baby, I just can't let you go for now." Naibulong ko na lamang sa hangin ang bagay na gusto ko sabihin sa kanya.
Lumapit akong muli sa kanya at umupo sa katabing upuan.
patuloy lamang sya sa pag inom walang pakialam sa paligid.walang pakialam sa mga titig ko.
Baby now I need to hold you tight
I just wanna die in your arms
Here tonight.Sinabayan ko na ang musikang tumutugtog.
Kinanta ko iyon ng halos pabulong ngunit buhos na emosyon.Hey baby when we are together
Doing things, that we love.
Every time you near I feel like
I'm in heaven feeling high.Biglang pumasok sa isipan ko ang mga alala namin noon.
Masaya.
Puno ng pagmamahalan.
"Baby kapag okay na ang lahat magpapakasal tayo" nakangiting sambit ko
"Oo baby, after this baby. We deserve to be happy, You deserve to be happy at yun ang isa sa mga bagay na makapag-papasaya saten. So be strong baby huh? Let's fight together promise me?" Emosyonal na sinabe habang nakatitig sa mga mata ko