Maaga ako nagising para ipagluto ng umagahan ang mag ama ko, matagal ko na rin itong hindi nagagawa kaya I decided to do it today
"Manang gising na po ba si Isabelle? Paki check naman po." Pasuyo ko sa kanya.
Kausap ko si Mama at Papa sa videocall, hindi na kasi kami nakakadalawa sa kanila.
"Kamusta dyan Ma?" Tanong ko.
"Mabuti naman anak, iniintay ko ang delivery at wala ng laman ang grocery store." Kwento nya sa akin. Nagluluto rin si Mama ngayon.
"Malakas ah! Eh ang dalawa kong kapatid hindi naman po ba sakit sa ulo?" Tanong ko habang nag f-fried ako ng rice. Kakatapos lang maluto ng nilaga at sa kanin naman ako.
"Ay nako Elle kung alam mo lang, napakasisipag. Buti nalang at mga marunong. Hindi ako gano napapagod." Ngumiti naman ako, talagang maaasahan ang dalawang iyon.
"Eh ang kasal nyo ba? Okay naman ba?" Pag iiba ng topic ni Mama.
"Yes naman Ma, tuloy na tuloy na malaki na po si Isabelle kaya kasal na po ang focus namin." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hayyy parang iniisip ko palang na ihatid ka sa altar ay naiiyak na ako." Nag buntong hininga si Mama.
"Si Mama naman magpapaiyak pa. I-save nalang natin yan sa kasal ko mismo." Nagtawanan naman kami. Tapos ko ng iluto ang fried rice, nagluto na rin ako ng bacon and egg.
"Kamusta is Isabelle at Dylan?" Tanong naman nya.
"Dylan is still Dylan. Maalaga, mapagmahal at sobrang selfless, lalo ko tuloy minamahal." Para akong kinikilig habang sinasabi ko kay Mama.
"Ang bait talaga ng batang iyan, kaya hindi ako nagsisisi na siya ang mapapangasawa mo, kampante kami dito dahil kilala namin si Dylan." Napangiti ako, totoo naman ang sinabi ni Mama dahil na subok na niya si Dylan noon pa.
"Si Isabelle naman napaka bibo, alam mo ba Ma ang bilis niya matuto nakakapagsalita at lakad na nga halatang nag mana sa Daddy, sa bagay habol na habol nga kay Dylan Ma, parang ako lang yung second choice nya." Sumbong ko kay Mama na nakitang kong tumatawa naman sya.
"Kayo talaga, mahal kayo nun parehas baka kasi mas playful lang si Dylan, hayaan mo na at buti nga ay may napag tutuunan ng pansin yan si Dylan lalo na at pagod sya sa trabaho, kailangan nya ng pampawala ng stress." Tama si Mama, si Isabelle ay nagsisilbing ball of sunshine naming buong pamilya.
Nagpaalam na ako kay Mama dahil tapos na akong magluto at maghain.
"Ma'am nasa kwarto nyo po si Baby Isabelle naglalaro sila ni Sir Dylan." Sabi sa akin ni Manang. Agad akong napangiti at umakyat para puntahan sila. Sinilip ko sila saglit dahil baka makaabala ako. Nasa kama ang mag ama ko at naglalaro sila ng laruan ni Isabelle.
"Daddy, I smell bacon! I'm hungry." Sabi nya kay Dylan.
"Your Mom probably cooked that. Do you wanna eat?" He asked Isabelle while playing her hair.
"Yes and I want to see Mom." Cute nyang sinabi na agad naman napangiti si Dylan.
"You know you look like your Mom" nakangiti si Dylan at pinipisil yung pisngi nito.
"So you love me too? Like how you love my Mom?" Tanong ni Isabelle, natawa si Dylan dahil siguro ay hindi nya rin inexpect na ganyan ang itatanong ng anak namin. Grabe tong batang to ang lawak na ng isip.
"Ofcourse anak, I love you and you Mom more than my life. Always remember that okay?" Ramdam ko yung sinseridad sa mata ni Dylan at sa mga ngiti nya. Pumasok na ako para putulin ang momentum nila.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...