ICE POV
"Lets go"- dinig kong sabi ni austin..Tinignan ko lang sya at nauna na akong sumakay sa bus.. Hindi na ako nag abala pa na kunin ang gamit ko na ibinigay ni maih sa kanya dahil bukod sa masama ang pakiramdam ko, napakaraming mga bagay ang bumabagabag saken ngayon... Halos mag iisang buwan na at alam ko nalalapit na ang pagdating ni zumu ( lola ) dito.. Kelangan kong makaisip ng magandang dahilan para makapanatili ako sa buhay na pinili ko....
Darating si Zumu at darating ang mga kapatid ko syempre naririto din ang tatay nila na mas lalong nagpadagdag sa bigat ng dibdib ko... 3 linggo na akong pumapasok sa ADM at gusto ko ang buhay ko dito. Aminin ko man o hindi nakakaramdam ako ng saya dahil sa mga taong nasa paligid ko, kahit may mga taong may saltik sa ulo na walang ginawa kundi laitin at pagbantaan ako... May mga kaibigan naman ako na nakakasama ko at kahit pano masarap yun sa pakiramdam idagdag mo pa yung makulit na kapatid ni austin na nakakatuwa kapag nagkikita kame. .. parang female version ng kapatid kong si axton tsssk.... At ang pinaka nakakatuwa ay tong lalaking katabi ko sa bus na parang laging tulala at gulat na gulat twing makikita ako... Hindi ako tanga para di mahulaan ang kilos nya masyado syang halata... Natutuwa akong pagmasdan ang bawat reaksyon ng mukha nyang sobrang puti lol..... Ang ayaw ko lang ay yung nabubuo na nararamdaman nya dahil panigurado ako na masasaktan lang sya at di ako ganun kasama para manakit ng mabuting tao... Psssssh hindi makapal ang mukha ko woi sadyang malakas lang ang pakiramdam ko...
Simula nung araw na inihatid nya ako napansin ko na nag iba ang pakikitungo nya saken.. Parati syang iwas... Di lang naman ako ang nakakapansin nun kahit ang mga kasama ko.......
Isang linggo matapos nung insidente sa kapatid ni austin, binalikan ko ang mga lokong humarang sa kanila para siguraduhin na di na sila guguluhin ng mga yon.. Nakakatawa ang mga itsura nila...
FLASHBACK..............
"Maih mauna na ako sayo"- paalam ko kay maih matapos kumain ng almusal...
"Aga mo ah saan punta mo ng ganito kaaga?"- sya habang kumakain pa....
"May babalikan ako"- ako sabay alis...
"Hokey"- dinig ko pang sagot nya
Binilisan ko ang lakad ko para marating ule yung kanto na pinagtatambayan ng mga loko.. Pagdating ko doon ay nakita ko agad sila na nakaupo sa mga drum na nandoon.. Iningatan ko na wag nila akong maramdaman para mas makita ko kung pano sila magulat tssssk...
Nang tuluyan akong makalapit, sandali akong huminto at sinipat ang uniporme na suot nila.. Psssssshhh ADM students din ang mga lokong to...
"Hmmmm"- pagtikhim ko...
Lumingon silang lahat saken na gulat na gulat...
"A---- a-- anong ginagawa mo dito?"- pautal utal na tanong saken nung isa....
"Yow!"- ako na nakapamulsa
"Anong kailangan mo samen"- galit na wika ni totoy balisong
"Andito ako para siguraduhing di na kauo uulit sa mga katarantaduhan ninyo. ADM students din pala kayo hmmm"- ako na kumwa ay nag iisip...
"Anong ibig mong sabihin?"- yung kapatid ni wilson epal...
"Talagang di ka nakinig sa kuya mo na layuan mo ang mga to.. tsssk tsssk tsssk eh kung ituloy na lang naten ang pagbali ko sa mga daliri nyo"- cool na cool na wika ko...
"ANO PA BANG KAILANGAN MO SAMIN!"- sigaw nung isa ...
"Kailangan ko ng matinong sagot na di na kayo uulit sa ginawa nyo"- diniinan ko bawat salitang sinabe ko sa kanila.. Naramdaman ko namang natakot sila...
"Sino ka para sundin namin"- wika ng leader nila habang nakatingin saken...
"Kahit isang daang beses kong ipaliwanag sayo hindi mo maiintindihan.. Masyado ka pang bata para maintindihan ang mga bagay na malala"- makahulugan kong wika...
"Uulit paba kayo o babaliin ko na ngayon isa isa ang mga buto nyo?"- pananakot ko..
"Umalis kana. At wag ka ng magpapakita sa grupo namen. Di mo kilala kung sino binabangga mo"- pagbabanta nya..
"Baka ako ang di mo kilala, sino mang ulol ang may hawak sa inyo sinisigurado ko sayo luluhod yan saken kapag nakilala ako"- wika ko..
"Napakayabang mo gayong di ka naman namin kilala"- wika nya
"Dahil may maipagyayabang ako, aasahan ko na di kayo uulit pa dahil sa susunod na magkita tayo sa ganong sitwasyon hinding hindi ko na kayo paliligtasin. Masyado pa kayong bata para sirain ang mga buhay nyo"- ako sabay kaway ng patalikod sa kanila...
"Mayabang"- dinig ko pang banggit nya...
Alam na alam ko na hindi pipitsugin ang may hawak sa inyo.. kaya lang kahit sino pa sya ay hindi ako interesado.. Mga taong nagagaling galingan at mag dudunong dunungan na sa kapangyarihan ng iba magtatago... Mga duwag ang tawag sa ganun.. tsssssk
Dumeretso na ako sa school pagkatapos kong kausapin ang mga totoy na yun.. At nalate ako sa music subject namen ... Ano pa nga bang aasahan ko tssssk syempre pinarusahan ako ni prof dahil late na naman ako at tong katabi ko na partner ko din sa music ay masama ang tingin saken..
"Dumating kapa"- nakasimangot na wika nya...
"Inano kita?"- takang tanong ko...
"Bwesit ka wala kang kwentang partner"- inis na wika nya... Napano na naman kaya to at nakakatok na naman...
"Tsssk bala ka"- ako saka naupo sa upuan ko..
" Mag isa akong nag discuss ng pinagawa ni mis na activities saten na dapat tayo ang magtutulungan"- panunumbat nya...
Shoot... Nakalimutan ko may activities nga pala... Tsssssk okay my fault...
"Sensya nakalimutan ko"- ako
"Pssssssh bwesit kala ko pa naman okay ka"- nakanguso nyang wika...
"Baka pagod ako kagabe"- ako
"Pssssssh nakakainis ka"- sya
"Pasensya nga eh"- ako
"San kaba kase nanggaling?"- tanong nya na ipinagtaka ko..
"Dyan lang may inasikaso"- ako
"Wala kang kwenta sumagot"- inis na namang wika nya.. katok ang taena...
"Di wag mo ko kausapin"- ako
"Talaga. Bahala ka sa buhay mo!"- sya...
Tsssssk bigla akong nagtaka sa kinilos nya.. alam kong naiinis sya sa ginawa kong paglimot sa discussion ngayon pero ang nakapagtataka ay ang reaction nya at ang tono ng pananalita nya na akala mo ay inindian sya ng syota nya tsssssk... Ang labo mo labanos... Anong nangyare sayo at bigla kang umaarte ng ganyan sa harapan ko... Tsssssk wag na wag na wag sanang tumama ang nasa isip ko dahil kung nagkataon masasaktan ka lang....
Buong araw akong nagpaka busy sa pag aaral.. Ayoko kasing isipin ang mga bagay bagay na di naman importante sa ngayon at isa doon ang pag-ibig.. Sa lahat ng gagawin ko yun ang wala sa listahan ko... Wala akong panahon sa mga bagay na ganyan lalo na sa buhay na meron ako makakasagabal lang yun sa mga plano ko at hindi ko papayagang mangyare yun, ang masira ang mga nabuo ko ng plano sa isip ko.....
END OF FLASHBACK....................
YOU ARE READING
HER STORY
AcciónWhen we first met i thought she's nothing..... Mailap ang mga mata , matalim kung tumingin .. laging seryoso ang mukha at hindi palangiti... Kabaligtaran ng lahat ng description ko sa isang magandang babae.... Pero there is something about her na pu...