Kabanata 1

1.4K 48 34
                                    

Kabanata 1

Sayaw


Sumakay ako sa kotse nina Janine at pumunta sa bahay nila. May handaan daw kasi sa kanila dahil birthday ng mama niya ngayon. Saglit lang ang byahe. Pumasok kami sa isang village at huminto sa tapat ng isang magandang bahay.


"Tara na, Ash." Bumaba na kami ni Janine at pumasok sa bahay nila. Ilang beses na rin ako nakapunta dito dahil mula elementary pa lang ay magkaklase at magkaibigan na kami ni Jaja.


"Ashley! Nako buti at nakapunta ka!" Nakangiting salubong ni Tita Jolie at pinapasok ako sa bahay.


"Happy birthday po, tita!"


Hinigit naman ako si Janine papunta sa dining area nila kung saan maraming pagkain na nakahanda.


Feeling ko talaga kumikinang ang mga mata ko! Grabe! Paborito ko lahat! Kumuha ako nang pasta, hotdog at shanghai! Hindi pwedeng mawala 'yon! Binigyan ako ni Jaja ng gulaman at sa sofa nila kami umupo.


"Nga pala, nasaan na ang kuya mo, Ja?" Tanong ni Tita Jolie kay Janine na ngayon ay kumakain na sa tabi ko. Nagkibit-balikat lang siya. Matapos namin kumain ay sa kwarto kami pupunta ni Janine. Binuksan niya ang tv at YouTube.


"Ash, upo ka do'n bili aayusan kita!" Itinuro niya ang upuan na nasa gilid ko at umupo naman ako.


"Kulutin ko hair mo ah!"


Kikay ang kaibigan ko kaya hindi na lang rin ako makatanggi. Hindi pa siya nakuntento dahil pinicturan pa niya ako. Para daw may ma-post ko sa IG. Hindi naman kasi ako ma-social media,  Messenger lang ang madalas kong gamitin. Nang mag-a-alas syete na nang gabi ay nagdesisyon na akong magpaalam at umuwi na. Sina Tita Jolie ay nag-offer na ihatid na ako dahil gabi na rin daw at delikado naa umuwi ako mag-isa. Saglit lang ang byahe at huminto na kami sa isang eskinita kung saan hilera nang mga apartment.


"Ingat sa paglalakad, Ashley, ha! Salamat sa pagpunta!" Kaway ni Tita Jolie pagkababa ko.


"Ash! Bukas ah! Bye!" Ani Janine at kumaway rin.


"Sige, Ja," tinanguan ko ang kaibigan ko at tumingin ulit sa mama niya. "Thank you po Tita Jolie sa pagkain! Happy birthday po ulit!"


Naglakad na ako papasok sa apartment na nirerentahan ko. Studio type lang dahil ito lang ang afford ko. May sarili na itong banyo at bed frame, akin ang kutson. Saglit akong nagpunas at naglinis bago natulog. Kinabukasan ay sa daan na ako nag-almusal habang papunta sa school. Tatawid na sana ako sa driveway nang saktong huminto sa harapan ko ang isang mamahaling sasakyan. Bumaba doon sina Kylie, Madi, Vera, Lisa, Kenzy at Ella. Sino bang hindi makakakilala sa kanila? Napatingin pa sa akin si Kylie at nagulat ako nang ngumiti ito. Pinanood ko silang pumasok sa gate nang may umakbay sa akin, si Janine.


"Ginagawa mo dito sa labas?" Tanong niya habang paakyat kami sa hagdan papunta sa gate. Hindi ko na siya sinagot. Pumasok kami sa isang building at umakyat sa third floor para sa first class. Habang nagdi-discuss ang prof namin ay kinalabit lang ako ni Janine. Nilingon ko naman siya.

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon