"FIANDELLE!" mabilis kong naimulat ang mga mata ko ng marinig ko ang nag-aalalang boses ni ate Yelle.
"Ate? Bakit po?" kinusot ko ang mga mata ko habang bumabangon.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko Fia, ang laki na ng bill ni Robin, halos sixty thousand na tapos hanggang ngayon hindi pa bumubuti ang pakiramdam ni Robin."
Narinig ko ang mahihinang hikbi ni Ate Yelle, lumabas ako ng kwarto at nadatnan si Cris Belle na nakabihis.
"Si ate Yelle tumatawag. Kakausapin mo ba?" tanong ko dito, umiling lang siya at maya-maya'y sumubo ng kanin.
"Paki sabi nalang te dadaan ako mamaya." tumango ako at dumeretso na sa cr
"Hayaan mo ate gagawan ko ng paraan. Hindi mo ba kayang i-contact si kuya Bryan? Baka may maayos na trabaho na 'yon ngayon." bumuntong-hininga si ate, pina-andar ko muna ang gripo para may tubig na mamaya pagligo ko.
"W-wala akong mapapala sa Bryan na 'yon, pero may naisip akong paraan para mas mapadali ang pagbayad sa bill." natigilan ako at agad na umisip ng idea mula sa sinabi ni ate pero wala akong maisip.
"Ate kung ano man 'yan siguraduhin mo naman na hindi 'yan illegal."
"Ano ka ba, Fia. Legal 'to, basta sumabay lang kayong lahat saakin ha?"
Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Si ate Miyelle ang ina ni Robin kaya't alam ko na gagawin niya ang lahat mapabuti lang ito. Alam ko rin na hindi gagawa ang ate ko ng kagagahan.
MATAPOS ang trabaho ko ay agad akong nagtungo sa private hospital na pinagdalhan sa pamangkin ko. Bago ako dumeretso sa loob ay bumili muna ako ng prutas at kaunting healthy drinks.
Agad akong pumasok sa ward na kinalalagyan ni Robin, noong una hindi ko masyadong naaninag ang maraming tao sa loob ng ward, normal lang naman kasi dahil maraming naka-confine sa kwartong 'to pero nagulat ako ng sa mismong kama ni Robin may tatlong tao na nakatayo.
Napatitig ako sa magandang mukha ng babae, may naka-akbay sakanyang lalaki habang ang pangatlong tao ay pamilyar na pamilyar saakin.
"Mayor Isaac?" sabay na napatingin saakin ang tatlong mga estranghero.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko at lumipat sa babae ang tingin, nakita ko ang pag-ikot ng mga mata nito.
Inilapag ko ang prutas sa side table ni Robin at hinalikan ang ulo nito.
Humarap ulit ako kay Isaac.
Pero imbes na ibang emosyon ang makita ko sa mga mata niya, galit 'yon. Marahas niyang hinila ang braso ko, ni hindi ako nakapalag.
"Teka Sir!" doon niya lamang ako binitawan ng makalabas na kami sa loob ng ward.
"What the fvck is this Fia?! Pinalagpas ko na ang laro mo! What about this?! Alam mo ba 'to? Alam mo ba na ang ate mo ang naging kabit ng Papa ko?!" hindi ko nakuhang i-proseso ang sinabi ni Isaac.
A-ano daw? Kabit ng Papa niya?
"A-anong pinag-sasasabi mo Sir? Anong kabit? Si kuya--"
"Fia!" agad na lumapit si ate saakin at inilayo ako kay Isaac. Napahilamos si Isaac sa kaniyang kamay at tila nagtitimpi nalang.
"Humihingi lang naman ako ng tulong para sa kapatid niyo Isaac, huwag mong idamay ang kapatid ko dito, hindi nila alam na nagka-relasyon kami ni Victor." napalipad ang tingin ko saaking kapatid, anong pinagsasasabi niya?
"The hell with all of you!" padabog itong umalis at naglakad papalayo saamin.
Nang makalayo na ito ay binalingan ko ng tingin si ate.
"Ate ano 'yon? Anong kapatid ni Sir Isaac si Robin? E si Kuya Bryan ang tatay ng anak mo!" hinila ako ni ate at tumabi kami sa gilid.
"Tumahimik ka, hinaan mo ang boses mo Fia." lumingon-lingon siya at pagkatapos ay hinawakan ang balikat ko.
"Totoong si Bryan ang ama ni Robin, pero totoo ding naging kabit ako ni Victor. Nasilaw ako sa yaman niya kaya nagawa ko 'yon, pero dalaga pa ako ng mga panahong 'yon. Noong nalaman ni Isabella, nanay ni Isaac, ang relasyon namin ni Victor, hiniwalayan ko si Victor at doon ko nakilala si Bryan. Wala na akong ibang maisip Fia, sila nalang ang pag-asa ko para magamot si Robin. Hindi naman nila alam ang totoo e, at hindi nila malalaman kahit kailan, kung hindi ka magsusumbong."
Napailing ako.
Ngayon ko lamang nalaman ang lahat ng ito.
"S-si mama? Alam niya ba 'to?"
Umiling si ate.
"Gusto kong ipaliwanag mo sakanila ang desisyon ko Fia. Tanging ang mga Andres lang ang may alam sa relasyon namin ni Victor. Pilit ko mang hanapan ng ibang solusyon, wala e, eto na. Tutulungan na tayo nina Ivory at Isaac."
Imbes na magsalita'y niyakap ko nalang si ate Miyelle, alam kong isa 'tong panloloko. Alam kong mahirap 'tong desisyon para kay ate pero hanga ako sa katapangan niya at sa pagmamahal niya para kay Robin.
"ETO ang mama ko si Cynthia, si Fiandelle, pangalawa saamin at sekretarya ni mayor Isaac at ang bunso namin si Cris Belle, ma, Fia, Cris Belle, si Ivory ang panganay na anak ni Victor." ngumiti ito ng payak saamin.
Hindi ko alam pero parang ang hirap lunukin ng laway mo lalo't alam mong nagsisinungaling ka lang sa mga taong kaharap mo.
"Magandang gabi po sainyong lahat, I am Ivory Santiago and this is my husband, Benjamin."
"Since we've met already Robin's family and we've settle his bills na, I think we should go already. Gabi narin kasi and we have works tomorrow pa. We will drop by here as soon as we'll received a messaging saying na pwede ng i-discharge si Robin."
"Ate Ivory," napalingon kami kay Robin ng tawagin niya si ate Ivory.
"Yes baby?"
"Salamat po sa pagtulong saamin."
"You're always welcome baby bro. I know I've reacted a little bit harsh lately but I apologized, I was so shocked when I heard dad has a child with Miyelle."
"P-pasensiya na sa pagtago sainyo nito Ivory."
"Don't worry about it, Miyelle. I understand your reason and I know dad and mommy is happily looking at us by now."
Hindi ko maatim ang makinig sa mabubuting salita ni ate Ivory. Napakabuti niya.
Napagpasyahan kong lumabas nalang hanggang sa makaalis na sina ate.
-----
HERE'S AN UPDATE FOR ALL OF YOU! Happy reading!Please do vote and comment :)
BINABASA MO ANG
Bad Romance: Taming The Hot Mayor
RomanceI am Fiandelle De Jesus and I am taming our hot mayor. 4/5/20