Unknown Feelings
"Oh shut up" Napa irap na lang ako.
"Come on, malalate na tayo Cass" Hindi ko na lang sya pinansin, tutok lang ako sa paparating na si Jazz Adam Santiago.
"Cassandra Magdaleine Zaldah!" Frustrated ko syang binalingan.
"Abram Zachariahs Gontes, pwede ba wag kang makulit?" Pagbalik ko sa kinatatayuan kanina ni Jazz ay wala na siya. Arrgh!
Nakita na kaya nya? Ano kayang reaksyon nya?
Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa aking naisip.
"Psh"
"Hmp. Ayan wala na sya, tayo na po 'mahal na prinsipe' baka malate ka pa" Lihim ko syang inirapan. Matalim naman nya akong tinignan at nauna na syang umalis.
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali nya! Argh.
Hindi lang pala minsan. Madalas.
"Uy, Zach" Parang wala syang narinig.
"Hmp. Bahala ka nga dyan. " Akma na akong aalis ng biglang nyang higitin ang kamay ko.
"What?" Lumiwanag ang mukha ko.
"Samahan mo ako sa locker ng boys tapos sabay na tayong umuwi." Bumuntong-hininga muna sya.
"Okay" Mabilis nyang iniligpit ang gamit nya. Kinuha nya sa kabilang kamay ko ang mga libro. Gaya ng ginagawa nya parati.
"Anong gagawin natin dito?" Hindi ako pwede pumasok sa locker ng mga boys. Kaya si Zach na lang ang gagamitin ko.
"Hmm. Paki suksok naman ito sa locker ni Jazz. Pretty please?" Sabay abot sa kanya ang letter ko.
"Alright" Matabang nyang tugon.
Mabilis na nakabalik si Zach. Thank you Zach!
"Nailagay mo?" Bungad kong tanong sa kanya.
"Yeah" Maikli nyang sagot.
"Talaga?" Umiwas sya ng tingin sa akin.
"Oo wag ka ng makulit. Umuwi na tayo" Napatianod na lang ako sa kanya.
Sa umpisa pa lamang ay nagpahiwatig na sya. Pero hindi ko manlang ito napansin. I wish I can turn back time.
"Cass" Tawag sakin ni Zach.
"Hmm?" Inaayos ko ang mga gamit ko dahil uwian na.
"Kain tayo sa labas. Okay lang?" Medyo maaga pa naman kaya pumayag ako. As usual kinuha nya ang mga libro ko na dapat ay ako ang may dala.
Dinala nya ako sa isang restaurant. Mabilis kaming nag order. At ibinigay rin agad ang order namin.
"So, kamusta kayo ni Jazz?" Sumimsim muna ako sa inumin bago ko sya sinagot.
"Nothing change. " Malungkot kong saad.
"Kumain ka na nga lang dyan wag ka ng sumimangot. Pagkatapos natin dito ay manonood tayo ng sine para sumaya ka naman. " Pinisil nya ang ilong ko. Pinalo ko ang kamay nya at nagpout.
"Waah. Ang duga mo Zach! Hindi ko gusto yang palabas!" Para akong bata nagmamaktol rito. Ngunit napatigil ako ng kayang ipinadausdos ang kanyang kamay sa aking baywang.
"Itigil mo yang pagmamaktol mo inaakala tuloy nilang may LQ tayo" Bulong nya sa akin.
"LQ?!-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mas hinigpitan nya pa ang pagkakahawak nya sa aking baywang at may lalong akong napalapit sa kanya.