Chapter 10:
Para akong tanga ngayon na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga lugar na nadadaanan namin. Ang saya ko ngayon dahil sa wakas ay makakasama ko na muli ang aking pamilya ng dalawang araw.
Lumipat na raw sila sa Anterio sabi ni Finous para sa kanilang proteksyon. Mas secured raw kasi ang Anterio dahil may mga kawal na nakabantay sa paligid.
"You're now smiling again," puna ni Finous nang mapansing nakangiti na naman ako. Kanina pa siya nakatitig sa akin at hinahayaan ko na lang dahil sabi ko nga, baka nagagandahan talaga siya sa akin araw-araw.
Lihim akong napahagikhik sa naisip.
"I didn't see you smile these past few weeks," dagdag niya kaya natigilan ako.
Tama kasi siya. Malungkot ako sa loob ng Kingdom. Sino bang hindi?
Nginitian ko na lang siya at saka nagpa-cute ng mukha. Gusto ko siyang asarin. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Do that again and I'll kiss you right here," pagbabanta niya.
Panandalian akong natigilan at saka inismaran siya. Ako pa talaga tinatakot niya ng kiss, ah? Akala mo naman hindi na kami nag-kiss dati.
Biglang nag-init ang pisngi ko nang maalala 'yon. Jusmiyo!
Saktong nakarating na kami kaya agad akong bumaba ng karwahe at masayang sinalubong ang pamilya ko na nag-aabang na pala sa labas.
"MAMAAA! PAPAAA! PAYATOTTT! MINERVAAA!" sigaw ko at agad silang tinakbo.
"Princess Bria!"
Nagyakapan kaming lima at halos magkaiyakan sa tuwa. Nagtatalon pa kami na parang baliw.
"Anak! Napakaganda mo na!" masayang bati ni mama sa akin at hinawakan ang buong mukha ko.
"Oo nga! Na-miss ka namin, anak!" dagdag naman ni papa.
"Ano ba kayo, ako lang ito!" Sabay tawa ko. "Na-miss ko rin po kayong lahat. Lalo ka na, payatot!"
Niyakap ko rin siya nang mahigpit, 'yong tipong 'di na siya makahinga.
"Hoy, ate! Nandito ka sa pamamahay namin kaya hindi kita tatawaging princess! At lumayo ka nga sa 'kin! Alam kong gusto mo ako patayin pero 'wag ngayon!" pagrereklamo pa niya kaya tinawanan namin siya lalo na noong naubo na siya.
"Welcome back," nakangiting sambit ni Minerva at niyakap ako.
"Na-miss kita, Minerva."
"Hindi ka namin na-miss." Nagsisimula na naman mang-asar si payatot.
"Ah, gano'n, ah? Sige, wala kang regalo sa 'kin," pananakot ko pa.
"Teka, sandali. Pansinin niyo naman ang prinsipe," saway ni papa sa mga kasama.
Napalingon ako kay Finous na nakatingin lang sa aming lahat. Muntik ko na siya makalimutan.
"Maligayang pagdating sa aming munting tahanan, mahal na prinsipe," nakangiting sambit ni papa at saka yumuko na sinundan naman nilang lahat. "Hali kayo. Tuloy po kayo."
Pumasok na kami sa bakuran. Hindi ko mapigilang mamangha dahil malaki na ngayon ang bahay namin kumpara dati na parang kubo lang. May mga nagkalat na bulaklak sa paligid at mga puno.
Pagdating sa loob ng bahay ay namangha pa ako lalo. Pinaghalong puti at pula ang tema ng bahay. May mga upuan sa sala at iba pang mga mamahaling gamit.
"Grabe, ang ganda na ng bahay natin," namamanghang komento ko pa.
"Bahay namin. May sarili kang palasyo hoy!" pamimilosopo ni Almon. Kahit kailan talaga hindi tumino kausap 'tong hayop na 'to!
"E, kung sipain kaya kita palabas?!" sigaw ko at akmang babatuhin siya ng mga gamit na makita ko kaso naalala kong kasama ko pala si Finous.
![](https://img.wattpad.com/cover/226502403-288-k911121.jpg)
BINABASA MO ANG
JOURNEY TO THE VISEL KINGDOM
Fantasy[JHP WRITER WINNER.] [Star Awards 2020 Winner] **** Simple lang ang buhay na gusto ni Brianna. Ngunit dahil sa pagkakautang ng kanyang ama ay napilitan siyang tanggapin ang alok na kasal sa prinsipe ng buong Visel. Kakayanin niya bang mabuhay sa loo...