Before Senior High
[Part I]It's been a long while, senior na high na kami. Parang kailan lang noong kararating lang namin sa school na 'to. Hindi pa kami masiyadong kilala dito. Naalala ko din yung first day namin dito acquaintance party non tapos pinagalitan ako ni big brother dahil sa pagtugtog ko. Starting that day, I stop playing piano.
I also remembered the first try out here as a basketball player. Sobrang lapad ng ngiti ni Cap Trixie that time. She also told me that I have potential and will become one of her best team member. I smiled with those thoughts. Naalala ko kase sobrang saya ko nong araw na yon.
Nalala ko din yung first game namin at nanalo kami over St. Therese Academy. Yun yong first interschool competetion na sinalihan ko.
Sobrang bilis ng panahon at parang kailan lang, pinangarap kong maging MVP but now, I already am.
"Hey Ash! Baka matunaw yang gym kakatitig mo!" natatawang sabi ni Sofia na inirapan ko naman.
"Tara na Ashley Hilton. Mamimili pa tayo ng gamit para sa dorm. Excited na koooo!" sigaw ni Kaye.
Sobrang saya kase niya nong malaman na mandatory ang dorm sa mga senior high.
Montefalco High School is a boarding school but only for seniors. Juniors are not allowed to take dorms dahil ang sabi ng school dean, they still need parents and guardians supervision. Kaya naman sa seniors lang iyon allowed. Kaya din hindi madalas umuwi si big borther before dahil dito siya nags-stay.
Nasa biyahe kami ngayon sakay ni Red Ridinghood, yung kotse ni Sofia. Isang sasakyan na lang kase ang ginamit namin para mabilis kaming makauwi. Nasa shot gun seat si Kaye while Sofia was driving.
"What curtains should we buy Kaye?" tanong ni Sofia.
"We both like pink, but unfortunately the girl over there like hues!" parinig ni Kaye sa akin.
"Hey Ash! Would you mind if we buy pink than black?" Sofia asked me at umiling lang ako.
"No. Bahala kayo kung anong trip niyo sa buong room. Just don't mess with my bed and stuffs." natatawa kong sabi sa kanila. Natuwa naman sila sa sinabi ko at nag usap kung anu-ano pa ang mga bibilhin. Si Kaye naman ay nililista ang lahat ng dapat bilhin para daw mabilis kaming makauwi. Smart adulting daw ang tawag don. Baliw.
Nakarating kami sa mall at nagyaya si Sofia na kumain na muna. Hindi pa kase kami naglunch after namin mag enroll. Kaya naman, dumiretso kami sa isang pizza parlor at nag order sila ng family pizza and some pasta. Nag excuse muna ako sa kanila dahil parang trip kong mag milk tea ngayon.
Nasa second floor ang favorite milktea shop ko kaya I have to take escalator. Habang paakyat, parang napansin ko si Leighton na naglalakad mag isa sa baba. Is it him? Sinundan ko siya ng tingin ngunit hindi ko namalayan na nasa taas na pala ako. Mula dito sa taas, sinilip ko ulit siya pero pagtingin ko wala na siya don.
Umalis na lang ako at dumiretso na lang sa milktea shop. Buti na lang at hindi masyadong mahaba yung pila. I ordered my favorite oreo milk tea and another three cheese cakes for the three of us. Pabalik na ko sa pizza parlor nang makita ko ulit si Leighton. But this time, hindi na siya nag iisa.
Sinundan ko sila hanggang makarating kami ng fourth floor at napansin kong papasok sila ng public toilet kaya naman dumiretso ako sa isang sundae booth.
"Sino kaya yun? Hindi naman mukhang si Director Montefalco yon. Hindi rin naman si Zach. Hindi kaya, kapatid niya?" napailing ako sa naisip. Wala naman siyang sinabing kapatid niya sa akin. And as far as I remember, unico ijo daw siya. That's what he said.
BINABASA MO ANG
REBOUND
Teen Fiction"I'm not perfect, I'm just a limited edition; there's only one of me." - Paris Ashley Hilton °°° May mga bagay talaga sa mundo na hindi na natin maibabalik. May mga tao sa mundo na hindi na natin mapapatawad. May mga desisyon tayong akala natin...