Chapter 35

11.9K 224 26
                                    

Marissa's P.O.V.

Martes na ngayon at wala pa ring bago. Ganoon pa rin si Sean. Hindi pa rin ako kinakausap or should I say hindi na talaga ako pinapansin. Hindi ko ulit s'ya nakasabay sa pagkain kaninang tanghali. At masasabi kong iniiwasan n'ya ako.

Pero bakit? Ano ang dahilan? Hinding-hindi ko na talaga s'ya naiintindihan. Inaasar n'ya pa ako noong umagang iyon tapos pagdating namin dito sa school ay doon na s'ya nagsimulang nanahimik. Pero bago ang araw na 'yun. Nagsimula s'yang nanahimik noong araw na nilapitan s'ya ni Jenny.

"Hoy!" Siko ko sa kanya.

Nilingon n'ya ako. "Hmm?"

"Kanina ka pa tahimik." Sagot ko. "Simula noong nakausap ko si Jenny." Dagdag ko.

Umiling-iling s'ya. "It's not about her."

Ibig sabihin ay meron ngang dahilan kung bakit s'ya tahimik ngayon. Pero kung hindi si Jenny ang dahilan. Sino o ano naman?

"So ano ang dahilan?" Tanong ko.

"And it's none of your business too." Aniya.

Inis ako napairap. "Best friend mo ako tapos hindi mo sasabihin?"

"Hindi mo naman 'yun kailangang malaman."

Pero hindi ito tungkol kay Jenny. Kung hindi si Jenny ang dahilan. Sino o ano naman?

Halos mabaliw na ako sa kaiisip. Gustong-gusto ko na s'yang tanungin. Takot lang akong magalit s'ya ulit.

Pero gusto kong malaman. Kung meron man s'yang problema, gusto ko s'yang tulungan. Dahil best friend n'ya ako. Lagi n'ya akong tinutulungan kaya gusto ko ring makatulong sa kanya.

I'm your best friend Sean. Pwede mo rin akong masandalan.

Uwian na at nagsilabasan na ang mga classmate ko. Sinabayan ko naman sa pagtayo si Sean. Aalis na sana s'ya pero nagsalita kaagad ako.

"Sean." Tawag ko sa kanya.

Nilingon n'ya ako. "Hmm?"

Napalunok ako. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Napatingin s'ya sa relo n'ya. "About what?" Tanong n'ya na hindi nakatingin sa'kin.

"Kung meron ka bang problema?" Patanong na sagot ko.

Nilipat n'ya ang tingin sa'kin saka s'ya umiling. "Wala." Maikling sagot n'ya.

Tumango-tango ako. "Ganoon ba?"

Heto na naman ako, umurong na naman ang dila ko. Tanungin mo na Marissa ang lahat ng gusto mong itanong sa kanya. H'wag mo na palagpasin pa.

"Sige, mauna na ako."

Akmang tatalikuran n'ya ako pero muli akong nagsalita. "Sean."

Muli n'ya rin akong nilingon. "What?"

Bakit ganyan s'ya magsalita. Hindi n'ya na ba ako nakikilala? Best friend n'ya ako. Ako ito Sean, si Marissa ang best friend mo. Kausapin mo naman ako ng maayos.

"Napapansin ko lang kasi." Napahinto ako at muling napalunok. "Parang ayaw mo na yata akong kasama?" Mahinang sabi ko pero sapat lang para marinig n'ya.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon