Chapter 38

11.5K 217 1
                                    

Marissa's P.O.V.

"Ano ang problema mo at bakit bigla ka na lang nag-aya?" Salubong sa'kin ni Yssa.

Hindi man lang muna ako binati. "Wala lang." Sagot ko.

"Pasalamat ka at naghihintay lang rin ako kung meron bang mag-aaya sa'kin ngayon."

Natawa ako ng mahina sa sinabi n'ya. "Well, heto na ako at inaya na kita."

"Edi tara na, pumasok na tayo." Pag-yaya n'ya.

Pumasok na kami ni Yssa sa isang bar and grill. Naalala ko noon, kailangan pa naming magdala ng birth certificate o kung ano mang patunay na 18+ na kami para makapasok. Pero ngayon ay parang hindi na kailangan. Mukhang halata na sa itsura namin. Pumasok kami ng elevator at pumunta sa pinakatuktok.

"Ang boring mo naman. Dito mo talaga ako dinala." Sabi sa'kin ni Yssa pagkalabas namin ng elevator.

"Kasi hindi naman maingay dito." Sagot ko.

Ayaw ko ng mayroong nagsasayaw-sayaw at masyadong malakas ang tugtog. Ang gusto ko ay tahimik lang para magkaroon ako ng piece of mind ngayon.

"Sabagay, at pwede na rin 'to kesa sa wala." Aniya.

Naghanap kami ng bakanteng lamesa na pwedeng ukupahan at nakahanap naman kami kaagad. Nag-order na kami ng drinks at hinintay ito. Hindi na kami nag-order ng pagkain dahil ayaw namin kumain pareho. Nandito kami sa mahangin na pwesto. Hindi rin gaanong umabot dito ang tugtog kaya hindi maingay. Nilingon ko ang tanawin sa baba. Nasa tuktok kami at kitang-kita ko ang magandang tanawin mula rito. Kitang-kita ko rin ang traffic sa highway na nagpainit ng ulo ko.

Sana lang mamaya pag-uwi ko ay hindi traffic.

"So? Bakit tayo nandito?" Tanong ni Yssa.

Ngumiti ako ng kaunti. "Hindi ako magsasalita hanggat hindi ako nakakainom."

Ganito ako minsan. Hanggat hindi ako nakakainom. Hindi ako nagsasalita kung ano ang gusto kong sabihin.

"Okay." Aniya at nilabas ang cellphone. "Pero bago ang lahat. Picture na muna tayo."

Natawa ako sa sinabi n'ya. Kumuha s'ya ng litrato naming dalawa. Nakailang kuha s'ya saka n'ya ito inisa-isang tingnan. Maya-maya ay inabot n'ya sa'kin ang cellphone n'ya at inutusan akong kunan s'ya ng litrato. Kaagad ko naman s'yang kinunan ng litrato at ibinalik sa kanya ang cellphone.

Maya-maya ay nandito na ang order namin na drinks at nagsimula na kaming uminom. Medyo nakarami na ako at masasabi kong medyo hilo na rin ako. Pero medyo lang naman. Si Yssa ay parang wala lang sa kanya. Kahit pa magkipag-one on one ako sa kanya, alam kong talo ako. Hindi kasi s'ya mabilis malasing. Matibay 'yan s'ya sa inuman.

"Nasaan pala si Sean? Hindi mo na naman kasama." Aniya.

Napangiti ako ng mapait. "Kaya nga ako nandito dahil sa kanya."

Napakunot ang noo n'ya. "Bakit naman?"

Nagkibit-balikat ako. "Nag-away kami." Sagot ko.

Natawa s'ya ng mahina. "Nag-away kayo tapos nagyaya kang uminom? Boyfriend mo s'ya? Boyfriend?"

Napabuntong hininga ako. Paano ko ba sasabihin sa kanila ang nangyari sa amin ni Sean? Na ginawa namin ang gawain ng magnobyo at sinampal n'ya ako gamit ang masakit na salita n'ya?

"Alam mo, h'wag mo na lang itanong." Sabi ko. Naalala ko na nandito ako para kalimutan 'yun tapos 'yun pa ang pag-uusapan namin?

"Okay." Aniya at inikot ang paningin sa paligid.

Muli akong uminom at napatulala saglit. Tinitigan ko si Yssa na ngayon ay nakatitig sa isang direksyon. Gumuhit ang smirk sa labi n'ya. Lumingon ako sa bandang likod ko kung saan s'ya nakatingin. Nakita ko ang grupo ng lalaki, mga tatlo, na nakatingin sa rin amin. Napakunot ang noo ko at ibinalik ang tingin kay Yssa. Napailing-iling s'ya at binaling ang atensyon sa tanawin sa baba.

"Grabe ang traffic ngayon." Aniya at tinitigan ang highway na mala-christmas light ang ilaw.

"Meron kasing ginagawang daan." Sagot ko. "Kaya malala ang traffic."

Tumango-tango naman s'ya at kumuha ng mga litrato. Para 'yun siguro sa IG story n'ya. Pinagpatuloy namin ang pag-inom. Nahihilo na ako pero gusto ko pang uminom at ayaw ko pa umuwi. Gayunpaman, alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko.

Sandali kaming nagkwentuhan tungkol sa nangyayari sa buhay namin. Kung kamusta naman ang pag-aaral, kaibigan at pamilya namin. At hanggang ngayon raw ay single and virgin pa rin s'ya. Ako single rin naman ako, pero hindi na virgin. 

Maya-maya ay nakarinig ako ng bulungan mula sa likod ko.

"Ikaw na kasi."

"Ikaw na, ikaw nakaisip 'di ba?"

Palagay ko ay dalawang lalaki sila na nag-uusap. Kunot noo akong napalingon sa likod ko at nakita ang dalawang lalaki na nakita ko kanina.

Nilapitan kami ng isa. "Hi." Bati n'ya.

"Hi." Kunot noong balik bati ko. Sino ba 'to? Kilala ko ba 'to?

"Napansin lang namin na kayo lang yata dalawa dito."

"P'wera na lang kung meron kang nakikita na hindi namin nakikita." Sarkastikong biro ko. Dalawa lang naman talaga kami dito.

Natawa ito sa sinabi ko. "Palabiro ka pala." Aniya.

"Ano ba kasi 'yun?" Si Yssa na ang nagtanong.

"Itatanong lang sana namin kung." Huminto ito saglit. "Kung ilang beses kayong dumudumi sa isang araw?" Natatawang tanong n'ya.

Humagikhik ang kasama ng lalaking nagtanong sa likod ko kaya nilingon ko ito. Meron itong hawak na cellphone at alam kong kinukunan kami nito ng video.

Kukuha na nga lang ng video ang panget pa ng tanong. Paano sila sisikat niyan?

Tumayo si Yssa at pinagkrus ang mga braso. "Nananahimik kami dito tapos gaganyanin mo kami?" Inis na tanong n'ya.

"Katuwaan lang naman miss." Sabi nito.

Inis akong napairap. Wala ako sa mood ngayon tapos pagkakatuwaan n'ya kami. Tapos kukunan pa kami ng video? Eh kung s'ya kaya ang tanungin ko ng ganoong klaseng tanong?

"Hindi ako natutuwa." Inis na sabi ko.

"Ay masungit." Anito at nilipat ang tingin sa'kin.

Pumunta ako sa tapat n'ya. "Aalis ka o irereklamo kita?" Banta ko.

"Sungit. Tsk." Mabuti naman dahil umalis kaagad ito at bumalik sa lungga nito.

Padabog akong umupo at uminom.

"Ang sungit ha." Natatawang sabi ni Yssa.

Napailing-iling ako at nagpatuloy sa pag-inom. Nakakainis lang ang mga taong walang magawa sa buhay.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko na kayang uminom. Hanggang sa sinabi ko na kay Yssa na gusto ko na umuwi. Si Yssa na ang nagbayad ng bill namin pero pera ko ang gamit. Nakakahiya naman kung pera n'ya ang gagamitin.

Tinulungan naman ako ni Yssa na maglakad ng maayos upang hindi ako matumba. "Sinasabi ko na nga ba. Sa tuwing merong inuman ay ako ang laging kawawa."

Natawa lang ako sa sinabi n'ya. Kaya nga s'ya ang sinama ko dahil hindi s'ya mabilis malasing at kaya akong akayin pauwi.

Pumasok kami sa elevator at bumaba na. Lumabas kami at sandali kaming tumambay sa labas.

"Ano? Kaya mo bang maglakad?" Tanong n'ya.

Tumango naman ako bilang sagot. Nagsimula akong maglakad pero hindi ko pa rin maiwasan ang magpagewang-gewang. Dapat kasi kaunti lang ang ininom ko kanina.

"Sige, inom pa more." Aniya at binabantayan ang kilos ko.

Muli akong natawa at nagpatuloy sa paghakbang. Kumuha ako ng suporta sa pader habang naglalakad.

"Sandali!"

Napahinto ako at nilingon si Yssa. "Bakit?"

"Tatawagan ko si Sean. Hindi kita kayang iuwi sa bahay n'yo na ganyan."

Naalarma ako sa sinabi n'ya. "H'wag!" Sigaw ko.

Ayoko nga.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon