Marissa's P.O.V.
Sinundan ko ng tingin si Sean hanggang sa tuluyan na s'yang nawala paningin ko. Sandali akong napaisip sa mga sinabi n'ya. Hindi ko s'ya naiintindihan.
Dapat hindi natin 'yun ginagawa. Dahil best friend kita and we don't love each other.
Sana malinaw na ang lahat sa'yo, Marissa. I can't be your best friend anymore. Magpanggap na lang tayo na hindi natin kilala ang isa't isa. Mas makakabuti 'yun para sa ating dalawa.
Bye Marissa.
Siguro nga tama s'ya. Kalimutan na lang namin ang isa't isa. Mas mabuti na 'yun. Dahil kung magiging magkaibigan pa rin kami, mayroong posibilidad na maulit ang ginagawa namin na hindi tama.
At hindi naman kami magkasintahan. Magkaibigan lang kami at hanggang doon lang.
Siguro nga tama rin sila. Meron talagang tao na darating sa buhay natin pansamantala. At si Sean? I guess hanggang dito na lang ang role n'ya sa buhay ko.
Mabuti na rin na kahit sa huling pagkakataon ay nalinawan ako. Hindi nagtapos ang pagkakaibigan namin dahil sa sama ng loob. Nagtapos ang pagkakaibigan namin sa maayos at mabuting paraan.
Napabuntong hininga ako. "Bye Sean." Bulong ko at tumayo.
Naglakad ako palabas ng campus. Aaminin kong malumanay ang kilos ko. Ang sakit lang dahil nangyari na naman. Nangyari na naman ang mawalan ng best friend.
Pero bakit ganito kasakit? Mas masakit pa noong nalaman ko na nakabuntis ang ex boyfriend ko sa ibang babae. Aaminin kong boyfriend material si Sean. Pero hindi naging kami. At bakit sobrang sakit na mawala s'ya? Umabot sa punto na hindi ko tanggap.
Muli akong napabuntong hininga. Ayos lang 'yan Marissa. Unang araw pa lang naman kaya sariwa pa ang sakit. Masasanay ka rin kalaunan.
Napalunok ako at mas binilisan ang lakad. Napapatabi ako sa tuwing meron akong makakasalubong na tao. Hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng campus. Huminto ako sa paglalakad at nilingon ang gate ng school.
Simula bukas makakalimutan ko rin ang lahat, pangako 'yan.
***
Umuwi na ako sa bahay na mabigat ang loob. Nakakatamlay talaga ang pangyayari. Hindi ko kayang tanggapin. Binuksan ko ang radyo at nilakasan ang volume. Makakatulong ito sa'kin para sumigla kahit papaano.
Napalingon ako sa kalendaryo. Napangiti ako ng kaunti. Malapit ng matapos ang pag-aaral ko. Malapit na akong mamamaalam sa pagiging studyante ko. Kaunting tiis na lang. Isang semester na lang.
Napapikit ako at huminga ng malalim. Tama Marissa, magpokus ka sa pag-aaral. Kalimutan mo muna ang lahat ng problema. Kaya mo 'yan. Kapag dinilat mo ulit ang mga mata mo. Ipangako mo sa'kin na kakalimutan mo si Sean at mag-aaral ka.
Dumilat ako at umupo sa upuan, katapat ng study table. Kinuha ko ang libro mula sa bag at nakita ko naman ang cellphone ko. Kinuha ko ito at binuksan. Tingnan ko lang saglit ang conversation namin ni Sean.
Lalong sumikip ang dibdib ko habang nag-back read sa conversation namin. Buburahin ko na sana kaso hindi ko kaya. Hindi ko kayang burahin. Pinatay ko ang cellphone saka ito tinapon sa kama.
"Lintik." Sambit ko at napahilot sa sintido ko.
Pokus Marissa, pokus.
Napabuntong hininga ako at muling nagbasa ng libro. Pero dahil sobrang sikip talaga ng dibdib ko. Humiga ako sa kama at pumikit. Matutulog na lang muna ako.
Ginising ako ni ate para kumain. Pinatay n'ya rin ang radyo dahil maingay daw. Lumabas ako ng kwarto at tahimik na kumain kasabay sina ate, mama at papa. Pagkatapos kong kumain ay pinababa ko ang kinain ko saka muling natulog. Wala akong balak na magsalita ngayon.
***
Umaga na at wala na ang lahat ng kasama ko dito sa bahay. Malamang ay maaga sila pumasok. Tapos na akong maligo at kumain. Inayos ko ang sarili ko saka lumabas ng bahay. Napalingon ako sa daan papunta sa apartment ni Sean. Hinawakan ko ang baba ko at gamit ang pwersa ng kamay ko. Nilipat ko ang atensyon ko sa daan papunta sa train station.
"Doon ka pupunta Marissa. Hindi sa bahay ni Sean." Bulong ko sa sarili.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa train station. At hindi naman ako napapalingon sa likod ko, na segundo ang pagitan. Mga minuto ang pagitan saka ako lumilingon. Pero hindi si Sean ang nililingon ko. Iniisip ko lang na baka merong sasakyan na biglang dumaan sa gilid ko.
Mahirap na baka maisipan kong tumawid kahit hindi naman talaga ako tumatawid.
Nakarating na ako sa train station at naghintay ng tren. Hindi naman marami ang tao ngayon dahil kanina pa ang rush hour. Ilang minuto ang nakalipas ay merong tren na dumaan. Dumaan lang naman at hindi huminto.
Pinaasa lang kami.
Kalaunan ay merong sumunod na tren. At sa pagkakataong ito ay huminto ito. Sumakay na ako at hinintay na makarating sa station kung saan ako bumababa.
Bumaba na ako ng train station at naglakad papunta sa school. Pagdating ko sa room ay si Sean kaagad ang hinanap ng mata ko. Pero wala pa s'ya.
Awat na Marissa.
Umupo ako sa upuan ko at hinintay na magsisimula ang klase namin.
Buong klase ngayong araw ay hindi ko maiwasang mapasulyap kay Sean. Pero hindi n'ya ako nililingon. Seryoso nga s'ya na tigilan na namin ang pagkakaibigan namin.
Minsan talaga ay merong isang salita si Sean. Ginagawa n'ya kung ano ang sinasabi n'ya. Kapag nangangako s'ya ay tinutupad n'ya. At kahapon ang sinabi n'ya sa'kin ay 'I can't be your best friend anymore'.
Siguro nga ay tama na. Tama na ang lahat Marissa. Kalimutan mo na lang si Sean.
Awat na.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomantizmWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020