Dedicated to AnnBolyn salamat sa support. <3
Marissa's P.O.V.
7 months later...
Tapos na ang graduation namin. Natapos na rin ako sa kursong Bachelor of Science in Chemistry. Nagtapos rin si Sean bilang Cum Laude. Kahit papaano ay natuwa ako para sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Masipag mag-aral si Sean at matalino. Kaya hindi na ako magtataka pa.
Naghanda ang pamilya ko noong araw na 'yun at marami kaming bisita. Marami ang bumati sa'kin dahil sa wakas daw ay tapos na akong mag-aral. Tuwang-tuwa naman sina mama at papa dahil napagtapos nila kami ni ate. Kahit ako ay natutuwa rin. Pwede na silang magpahinga sa trabaho kung gusto nila. Lalo na kapag nakahanap na rin ako ng regular na trabaho at pinapangako ko na susuklian ko ang lahat ng sakripisyo nila para sa'kin. Hindi naman nila kami inaasahan ni ate na babawi kaming dalawa sa kanla dahil obligasyon naman nila na paaralin kami. Pero ako mismo ang may gusto na bumawi sa kanila dahil mahal ko sila.
Si Sean naman, kahit pitong buwan na ang nakalipas simula noong huling usapan namin. Gusto ko pa rin s'yang makausap. Gusto ko s'yang batiin dahil sa nakamit n'ya. Sobrang proud ako sa kanya kahit na hindi n'ya na ako kaibigan.
Oo matagal na simula noong huli kaming nag-usap, pero hindi kasing tagal kung ilang taon ko s'yang nakasama. Mas nananaig pa rin sa'kin ang memories naming dalawa. Na-mi-miss ko na ang bonding namin. At may chance na hindi na namin 'yun magagawa dahil magkakaroon na kami ng kanya-kanya naming buhay. Tapos na kami sa pag-aaral, at haharapin na namin ang totoong buhay. Kaya kahit sa huling pagkakataon ay sana, makausap ko ulit s'ya.
Napabuntong hininga ako at umupo sa tapat ng study table. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang WiFi. Nag-pop bigla ang chat ni Sean na sobrang ikinagulat at ikinatuwa ko.
Sean: Pwede ba tayong mag-usap?
Nag-reply kaagad ako.
Ako: Sure.
Syempre kunwari hindi ako excited. Pero ang totoo n'yan ay nagulat ako. Hindi ko inasahan na papadalhan n'ya ako ng mensahe ngayon. Parang kanina lang ay naisip kong gusto ko s'yang makausap tapos ngayon ay heto na. Meron na akong tsansa na makausap s'ya.
Ako: Saan ba?
Nag-send s'ya ng picture na nasa food court s'ya ng mall na hindi naman kalayuan mula dito sa'min. Dali-dali akong tumayo at nagbihis. Mabuti na lang talaga at tapos na akong maligo. Nagpabango ako at inayos ng kaunti ang itsura ko. Paglabas ko ng kwarto ay sinalubong ako ni mama. Napakunot ang noo n'ya nang nakita n'ya ako. Magsasalita na sana s'ya pero nauna ako.
"Alis lang ako saglit ma." Paalam ko sa kanya at dali-daling lumabas ng bahay.
Pumunta ako sa mall kung nasaan si Sean. Hinanap ko ang pwesto n'ya sa food court. Natanaw ko na s'ya pero hindi n'ya ako nakita. Nakatutok lang s'ya sa cellphone n'ya. Inayos ko ang tindig ko at naglakad ng pormal papunta sa kanya saka umupo sa tapat n'ya. Nagulat s'ya pero maya-maya ay na-realize n'yang ako pala.
Nginitian ko s'ya. "Congratulations, graduate ka with Latin Honors." Bati ko sa kanya.
Napangiti na rin s'ya. "Congratulations rin sa'yo." Bati n'ya sa'kin.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko.
Ewan ko pero hindi ko napigilan ang ngiti ko. Ang saya ko lang dahil nagkausap na ulit kaming dalawa. Ito ang lagi kong inasam-asam araw-araw. At ngayon ay nangyari na.
Tumango naman s'ya. "Tapos na."
Tumango-tango naman ako. "Good."
Napayuko s'ya saglit at tumingin sa ibang direksyon.
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020