Marissa's P.O.V.
"A-anong oras ang flight mo?" Tanong ko kay Sean.
"Mamaya pa." Sagot n'ya.
Tumango-tango naman ako. "Bale meron pa tayong oras para mag-usap?"
Tumango naman s'ya. Nagpasalamat ako sa isip ko dahil makakausap ko pa s'ya.
Napalunok ako at muling huminga ng malalim. Hindi ko na mabilang kung nakakailang lunok at hingang malalim ako ngayon araw. Kinakabahan kasi talaga ako.
"Ganito kasi 'yun." Panimula ko. "I love you." Pag-amin ko.
Halatang nabigla s'ya sa sinabi ko. "What?"
Yes, I love him. Mahal ko na s'ya noon pa. Pero hindi ko lang inaamin sa sarili ko. At ngayon, hindi na ako nagsayang ng oras. Inamin ko na sa kanya bago pa mahuli ang lahat.
"Mahal kita Sean. Noon pa pero hindi ko lang inaamin sa sarili ko. Kasi nga 'di ba? We're best friends at hanggong doon lang." Muli akong napalunok. "Pero mahal kita. Miss na miss na nga kita eh. Ang totoo n'yan ay ayaw kong umalis ka pero wala akong ma..."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla n'ya akong hinalikan. Ilang beses akong napakurap-kurap at pinilit na ipasok sa utak ko kung ano ang nangyayari. Pero kalaunan ay pumikit ako at tumugon sa halik n'ya.
Ilang segundo ang lumipas ay lumayo na s'ya. Napangiti naman ako sa kanya. Hindi ko na pinansin kung meron mang nakatingin sa'kin. Basta ang alam ko lang ay masaya ako ngayon.
"Noong araw na bigla akong nanahimik. 'Yun ang araw na sinabi sa'kin ni daddy na babalik ako sa Canada. Tapos si Jenny ang pinaghinalaan mo." Aniya. "Hindi pa 'yun sigurado pero inulit n'yang sabihin noong araw na hindi na kita kinausap ng maayos."
Hindi ako umimik at nakinig lang sa kanya.
"Simula rin noong araw na 'yun. Mas lalo akong nagpokus sa pag-aaral ko kasi kailangan." Aniya.
"Sana sinabi mo sa'kin noon pa." Mahinang sabi ko. "Para nakasama pa kita ng mas matagal."
"I can't." Tugon n'ya.
"Bakit?" Naguguluhang tanong ko. Ayaw n'ya ba? Ayaw n'ya ba akong makasama muna bago s'ya bumalik sa Canada?
"I just..." Napahinto s'ya saglit. "Because I don't want to miss you."
Naramdaman kong tumulo ang luha ko sa sinabi n'ya. Ayaw n'ya akong ma-miss kaya mas pinili n'ya na putulin ang pagkakaibigan namin.
Nagpatuloy naman s'ya. "Kailangan kong magpokus sa pag-aaral para hindi kita malapitan. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na lapitan ka Marissa. Kung alam mo lang." Inabot n'ya ang dalawa kong kamay. "Dahil alam kong ma-mi-miss kita ng sobra kapag nasanay ako na kasama ka. Naisip kong layuan ka dahil 'yun ang makakabuti sa ating dalawa. O mas makakabuti para sa'kin."
"Sean." Banggit ko sa pangalan n'ya at niyakap s'ya. "Mahal kita Sean." Sambit ko.
Mas hinigpitan n'ya ang yakap sa'kin. "Mas una kitang minahal."
Kumalas ako at tiningnan s'ya. "Ha?"
Tama ba ang narinig ko?
"Matagal na kitang mahal. Ikaw lang naman itong ayaw ako mahalin kaagad pabalik."
Matagal na?
"Bakit hindi mo sinabi?" Pagtatampo ko. "Malay mo mahal na rin kita."
"Kasi ang sinabi mo. Ang best friend ay hanggang best friend lang."
Napasimangot ako. Ako pala ang merong kasalanan. Bakit kasi ngayon ko lang inamin sa sarili ko. Ngayong aalis na s'ya.
"Paano 'yan?" Tanong ko. "Talaga bang tutuloy ka na?"
BINABASA MO ANG
Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]
RomanceWarning: Mature Content (18+ only.) Friends Series #1 Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Kahit minsan ay hindi nasagi sa isip ko na magkagusto sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari. May 17, 2020- June 17, 2020