More than a week has passed,wala pa ring Eidren na dumadating para magpaliwanag, para depensahan ang sarili. 'Yon ang unang unang inaasahan ko matapos ng mga nalaman ko. Hinihiling ko na sana'y hindi ko na lamang 'yon nakita,h'wag lang maging ganito ang sitwasyon namin
Siguro nga dahil wala namang kayo kaya wala kang pinanghahawakan. Wala kayong relasiyon, alam mo yan bakla!
Marahas akong napabuntong hininga. Sa lahat ng toxic na araw ay ngayon ko lang pasasalamatan ito dahil kahit papaano ay nalilihis nito ang atensiyon ko
"Ma'am tahimik ka ata, nabilaukan ka na ba sa malaking puso na nalunok mo?"
"Magtrabaho ka na lang Feigh. Di ako cannibal" ilang beses akong sinusubukang pangitiin ni Feigh ngunit hindi siya nagtatagumpay
Sa nagdaang mga araw ay wala akong ginawa kundi lunurin ang sarili sa sariling luha. Naroon yung bigla akong matutulala tapos malalaman ko na lang na umiiyak na 'ko. Yung sakit na para akong hinehele sa gabi ngunit ginigising ako sa umaga. Masakit na ang pangyayaring may iba sa Eidren. Masakit na masakit, na ikakasal na pala siya sa iba ngunit wala na atang mas papantay pa sa sakit ng katotohanang hindi ako pwede magreklamo. Meron nga akong karapatan bilang nagmamahal ngunit hindi naman ito maaaring ipaglaban dahil..hindi naman ako minahal
Gayunpaman ay lubos kong ipinagpapasalamat ang pananatili sa tabi ko ng kaibigan kong si Krazielle. Maski ang trabahador ko na si Feigh. Kahit papaano ay napapagaan nila ang loob ko. Paulit ulit na humingi ng tawad sa akin si Krazielle dahil hindi na naman niya ako naprotektahan sa heart break, hindi ko na rin mabilang kung ilang beses kong sinabi sa kaniya na hindi niya kasalanan kung bakit nasasaktan ako, na mas kasalanan ko kasi nakampante ako sa akala ko'y pwede kong panghawakan
Tatanga tanga nga siguro ako sa pag-ibig dahil sa kabila ng mga luhang inilabas ko ay inaasahan ko pa rin na lilitaw si Eidren sa harap ko at hihingi ng kapatawaran. Yayakapin niya ako at hahalikan katulad ng dati. Hindi ko inakalang sa haba ng panahon ng pagkakaibigan namin ay ilang linggo lang ang nakakaraan matapos naming mahigitan 'yon ngunit heto ako ngayon at nalulugmok dahil natapos rin agad ang aming saya na pinagsaluhan
Umakyat na ako sa unit ko, pagod na isinalampak ang sarili sa kama. Pinili kong itulog na lamang ang sakit na nararamdaman, alam ko rin namang kahit isang balde ng luha ang ilabas ng mga mata ko hindi non mababago anf katotohanang walang Eidren na dadating kasi walang dapat na ipaliwanag
Malay ko ba kung nagkabalikan sila, pag nagkataon ako ang mas mali kasi wala naman kaming relasyon ni Eidren. Ako ang mas mali, dahil pumayag ako sa isang set up na hindi ko rin alam kung ano ang tawag. Kaya mas naiiyak ako para sa sarili ko dahil hindi ko manlang naisip ang maaaring kahihinatnan ko. Pinili kong intindihin si Eidren, kahit na masakit.
"Ellie, gising ka na. May dala akong ice cream, cookies n cream flavor 'to" nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. Nang magmulat ako ng mata ay nakita ko si Krazielle na nakangiti sa akin. Tinanguan ko siya saka bumangon, lumabas na rin siya ng kwarto. Hindi pa pala ako nakakapagpalit kaya dumiretso ako sa banyo
"Halika na, ano ba 'yan namumugto pa rin 'yang mga mata mo. Oh eto ice cream" inilapag niya sa harap ko ang isang galon ng ice cream na pinaka paborito ko
"Kamusta work? Hindi ka ba naaabala halos dito ka na umuuwi"
"Naaabala" natawa ito "Kaya nga napagdedisyunan ko na dito na lang ako pansamantalang titira. Mas malapit naman ang bangko dito. Ipapadala ko na lang yung mga gamit ko bukas kay Jazon"
"Okay na kayo? Last time I heard hindi kayo okay ah" naalala ko pa noong kinwento sa akin ni Krazielle na nawawalan na ng oras sa kaniya si Jazon kaya parang nanlalabo na yung relasiyon nila
"Psh! As if naman mapaghihiwalay kami. We vibe, girl!" Totoo ang sinabi niya. Totoong halos magkaparehas sila sa lahat ng aspeto. Pananamit, pananalita maski ang ugali ay may pagkakapareho sila. Kaya siguro mas naiintindihan nila ang isa't isa
Nang matapos namin kumain ay ako na ang nagdesisyong maghugas. Habang naghuhugas ay hindi ko alam kung paanong nararamdaman ko ang mga titig niya mula sa likuran ko. Binagalan ko ang paghuhugas ngunit hindi ata naalis ang paningin niya sa akin
"You have something to say" sabi ko matapos kong hubarin ang apron. Iminwestra nito ang tabi niya, sinasabing umupo ako doon
Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo at tila inaalam ang bawat detalye ng mukha ko. Bahagyang kumikibot kibot ang labi niya ngunit walang lumalabas na salita. May kutob ako kung tungkol saan ang sasabihin niya pero hindi ko pa alam kung ano yung sasabihin niya
"Si Eidren kasi.." Sabi na eh nagtaas ako ng kilay sa kaniya at pinagdikit ang labi "He's ahm" bakas sa mukha niya na nahihirapan siyang sabihin ang gusto niyang malaman ko
"What about him Krazielle?" Sinadya kong pakein ang tawa ko kahit na alam kong hindi siya kumbinsido doon
"He's going to get married. Officially" Inilabas niya ang cellphone niya saka nagpipindot, pagkatapos ay iniharap niya ito sa'kin
Rubberband @iloveme • 5hrs
I'm officially getting married but b4 that lemme tell this—I love me! very much..✊Hindi napako ang tingin ko sa tweet ni Eidren. Sandali ko lamang ito tinignan ngunit parang nagkaroon ako ng matalas na memorya at paulit ulit ko itong naaalala. Naibaba na ni Krazielle ang cellphone niya at tila nag-aabang sa kung anong reaksiyon ko
Inilabas ko ang cellphone ko at nag-open ng application. Nagtaka si Krazielle sa ikinilos ko, ang inaasahan ata'y ang paglulupasay ko at paghahagulgol. Nang matapos sa pagtatype ay saka ako nakangiting iniharap ang cellphone sa kaniya. Pinipigilan ang pagbabadya ng luha at panginginig ng kamay
MARTINA ELLIE @dontdme • 5secs
Congrats, finally Eidren Welgie! 👌Gusto kong palakpakan ang sarili dahil napigilan ko ang pagbabadya ng luha ko. Pinanatili kong nakatikom ang akong mga labi na para bang kinukulong ang mga hagulgol na nais makawala sa aking bibig
Nakaawang ang labi ni Krazielle at gulat na nakatingin sa'kin. Ngumiti ako sa kaniya ng malaki, ginagalingan ang pag-arte. Ngumiti din ito ng mas malaki saka idinipa ang mga braso
"You can fool everyone but not me Martina Ellie. Come here, I'll give you a hug" hindi ko alam kung papaanong ang simpleng salita ni Krazielle ay naibulalas ko na ang mga kanina ko pa pilit ikinukubling lungkot, sakit,pighati,pagsisisi at sama ng loob
Hindi ako iniwan ni Krazielle habang umiiyak ako. Hinayaan niya lang akong lumuha sa mga bisig niya habang hinahaplos ang buhok ko
"Shh tahan na.." hindi ako mapatigil ng kahit anong pag-aalo sa akin ni Krazielle bagkus lalo lamang nitong pinalalakas ang hikbi ko "I guess you need to know this" hindi ko alam kung paanong aabsorbahin pa ang sasabihin niya. Alam kong tungkol pa rin kay Eidren 'yon. Hindi na kataka taka ngunit hinayaan ko lang siyang magsalita
"It's in four months" lalong lumakas ang aking hikbi na parang pinipilipit ang aking puso. Kung bakit hindi pa rin ako napapagod kakaiyak ay hindi ko din alam
Hindi ako makapaniwala na ang inaakala kong totoong nararamdaman niya ay binasura lang niya ng ganon ganon lang. Everything seems so real. Hindi ko inaasahan na magagawa niya 'yon ngunit naiintindihan ko siya. Wala naman kaming relasiyon para magalit pa. Ang sakin lang sana nagsabi siya bago niya ako halikan...at hawakan
Alam kong matatanggap ko rin ang lahat ng ito dahil 'yon ang kailangan. Hindi ako maaaring ma-stuck lang sa isang lugar habang ang iba ay umuusad. Makakabangon din ako ngunit hindi ko alam kung may iba pa bang makapag mamay-ari ng puso kong wala na sa akin.
Sorry now lang! Hehe love y'all 🤪
YOU ARE READING
What is love: 2020
RomanceLove is not about believing everything what your special person said, it is about being open to each other. Telling the truth, accepting the flaws and staying through the bad times.