NINE

8.1K 272 26
                                    

Magbasa lang wag manghusga...Lahat ng ito'y kathang isip lang.

_____

"KUYA bakit ngayon ka lang po dumalaw dito?" Stephannie she's my step sister matapos sa ilang taong paghahanap at pag iimbestiga sa wakas nahanap din namin siya. Nandito sila ngayon ng mama nito sa villa dito ko kasi siya dinala dati nang makita ko siya sa hospital ni Pangilinan sa Visayas. Ang gago kong alam ko lang talaga dati na si Stephannie ang step sister namin baka nabasag ko na mukha niya. Dahil inlove din itong kapatid ko hinayaan ko nalang.

"Pasensya na princess madami lang akong ginagawa sa opisina,..su kuya Jemuel mo pumunta ba?"umiling ito. Nagtungo siya sa kusina at sumunod naman ako. "Nga pala pinapapunta kayo ni uncle sa bahay kasama si tita,nasaan nga pala ang mama mo?"tanong ko.

"Nasa cakeshoppe alam mo naman si mama hindi tumitigil dito sa bahay, kaka check-up lang niya nung isang araw ayon gumagalaw galaw na naman." anito.

Nag stay muna ako ng matagal at nakipag usap sa kanya bago naisipang umuwe na sakto naman dumating ang mama nito,nagpaalam na rin ako.

Dumaan muna ako sa presinto bago pumunta sa HD ddahil nandun mga kaibigan ko nag drama na naman si Torres dahil iniwan daw ito ng kasintahan, eh ang gago niya matapo niyang indahin ang dalaga malamang lalayo na yon. Pagdating ko nandun na ang tatlo wala si Salazar dahil buntis ang asawa hindi makaalis. Umupo ako sa bakanteng upuan katabi ni Chua at inabot ang isang beer binuksan ko ito at ininom ko hanggang sa nakalahati ito.

"Ano na naman ba atin? may bago ba?" kunwari tanong ko dahil ang tahimik nila tanging tugtug lang sa stage ang naririnig ko.

"Ewan ko diyan kay Torres ang gago kasi matapos niya balewalain ang secretary niya tapos ngayon iiyak iyak!!" natigil si Chua nang tingnan ito ng masama ni Torres pero hindi nito pinansin at nagsalita ulit. "Tapos ayon gumawa ng eksena sa 'CAFE de' Beatrice' ba yon sa kaibigan ng secretary niya,mabuti nalang ay hindi nag reklamo ang may ari." anito.

"Pinaimbestigahan mo na ba? kung saan siya maaaring pumunta?"tanong ni Pangilinan.

"Tatlong P.I ang binayaran ko pero wala ni isa sa kanila ang makakuha kong saan siya naroon." napahilamos nalang ito at ilagok ang laman ng beer.

Nabalot na naman ng katahimikan ang mga kasama ko na tila may kanya kanyang iniisip. Nagpaalam na si Pangilinan kaya sumunod na ko naiwan ang dalawa total sila naman ang nagkaka intindihan.

____
Nangunot ang noo ko nang makita ang kapatid ko na kausap nito si miss Serrano sa labas ng cafe de' beatrice,mukhang seryoso ang pinag uusapan dahil nakatitig lang ang kapatid ko sa kausap,bigla nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa iisipin magkausap ang dalawa. ano naman kong kausap niya bakit naman ako amgrereact' Tinigil ko ang sasakyan sa tabi nila at binaba ang bintana sa right side kaya napatingin sila sakin. Kay miss Serrano agad ako nakatingin at magtama ang mga mata namin hindi ito kumurap basta nakatitig lang sakin.

"Kuya napadaan ka saan punta mo?"napakurap ako nang makita ang kapatid ko malapit sa bintana ng sasakyat ko. Tumikhim muna ako dahil parang nabarahan ang lalamunan ko. Nakakaakit kasi ang pagtingin niya sakin parang kakaiba.

"Ahm...pauwe na ako anong ginagawa mo dito?"sa halip ay tanong ko. Tumayo ito ng tuwid dahil bahagya itong nakayuko dahil sa pagdungaw sa bintana.

"Wala naman niyayaya ko kasi itong si miss beautiful na kumain sa labas kayo busy daw." nakaramdam ako ng kasiyahan sa iisiping umayaw ang dalaga 'bakit sino ka para makaramdam ng ganyan' sigaw ng kabilang isip ko. Napatingin ulit ako kay miss Serrano namula ang mukha nito nang mahuli kong nakatitig sakin lihim akong napangiti at bakit ka naman napangiti?' sabat na naman ng kabilang isip ko.

HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon