CHAPTER I

23 0 0
                                    

Nakahiga ako sa damuhan ngayong gabi, iniisip ano kaya ang buhay na malayo sa gulo. Nakatingala sa langit kung saan ang mga bituin ay nagniningning at nagsisilbing munting mga ilaw sa gabing ito. Habang pinagmamasdan ang mga ito, pumasok sa aking isipan ang mga tanong. Ano kaya mangyayari kung ang maliit na bituin na ito ay bumagsak sa lupa? Magiging magandang trahedya ba ito o magiging isang napakasamang bangungot?

Sa totoo lang, kanina pa ako nandito at sa tingin ko ang mga oras na iyon ang pinakamasayang momento ng araw ko. Humugot ako ng isang malalim na hinga bago tumayo at pagmasdan ang paligid. Nandito ako ngayon sa cliff, isang napakagandang lugar kung saan may luntiang damuhan at may isang malaking puno na nagsisilbing lilim kapag may araw. Sa ilalim ng punong yun ay may isang kahoy na bangko at may ilaw din ito na nakakabit sa mismong puno. Napakaganda talaga dito. Umupo ako sa bangko na siyang naglabas ng impit na tunog, luma na kasi ito kaya dapat maingat itong upuan. Tinignan ko nag cellphone ko, mag aalas' diyes na pala ng gabi. Kanina pa akong ala'sais nandito. Gusto ko pang manatili pero sa tingin ko ay magagalit na ang ate ko.

Tumayo na ako at kinuha ang aking motor. Nag drive na ako pauwi. Malapit lang bahay namin sa cliff. Wala pang 20 minutos ay nasa bahay na ako. Bago ko pa mabuksan ang pinto, bumungad na si Ate Chin.

"Wendy, kanina pa ako nag aalala sayo! Alas'diyes na ng gabi, kanina pa ako natawag at nagtetext pero out of coverage yang cellphone mo. Dapat nagtext ka man lang"  sermon ni ate habang pumapasok sa bahay. Grabe, ni hindi man lang ako pinaupo.

"Nasa cliff ako, alam mo naman na walang signal don diba. Tsaka friday ngayon, alam mo naman na don ako lagi napunta kapag friday" kumuha ako ng baso at nagtungo sa ref para magsalin ng orange juice.

"Mas mabuti nang sigurado Wendy, alam mo naman na tayo na lang dalawa. Sa susunod, sabihin mo kung san ka puounta para di ako mag alala. Anyways, may ice cream diyan. Strawberry flavor and magdinner ka na den, initin mo na lang yung ulam. Tutulog na ako"  niyakap ako ni ate bago siya umakyat sa kwarto niya. Sweet talaga non kahit napakaingay.

Tumungo ako sa sala at binuksan ang t.v, tinignan ko kung may mapapanood pa ba akong maganda. Sa tingin ko ay wala na kaya tumayo ako at sinalpak ang hdmi cord sa laptop ko. Madami akong pelikula dito, naisp kong panuorin ulit yung The Lorax. Oo pambata nga ito pero sobrang laki ng epekto sakin nito, lagi akong naiiyak pag pinapanuod ko to dahil naiisip ko na maari nga na maubos ang mga puno.

Pagkatapos kong manuod, napansin ko na lagpas ala'una na pala ng madaling araw. Umakyat na ako sa aking kwarto at naglinis ng katawan. Habang nagbibihis ako, biglang tumunog ang aking cellphone. Sino kaya ito? Anong oras na ah.

From: Jenica

Ghurl! Nasagap ko may bagong lipat daw sa section natin! Madagdagan na naman tayong STEM! Sana naman lalaki tapos gwapo para ganahan ako pumasok, harhar

Akala ko naman kung ano, si Jenica talaga kapag gwapo di mapakali. Sabagay, sobrang adik ba naman niya sa kpop. Kpop fan din naman ako pero di sobra katulad niya. Nagtipa ako ng reply sa kanya.

To: Jenica

Grabe anong oras na ah, talagang tinext mo pa sakin di kayang ipagpabukas gurl? San mo naman nabalitaan?

Pagkatapos ko isend ay kinuha ko ang libro sa side table ko, makapagbasa muna para dalawin ako ng antok. Tumunog ulit ang cellphone ko hudyat na nagreply ulit si Jenica

From: Jenica

Kachat ko kase si Macey, narinig daw niya sa faculty kanina. Sige na, alam kong nagbabasa ka pa ng libro. Gudnayt <3

Adore YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon