Lunes na ngayon, ibig sabihin ngayon din namin makikilala kung sino ang transferee. Nung huling dalawang araw ay wala naman nangyare. Habang naglalakad ako papasok ng aming classroom ay bigla akong inakbayan ni Jenica.
"Wendy! Grabe, hindi lang pala isa ang transferee, dalawa pala. Narinig ko Si Sir Matias kanina sa faculty" tinignan ko siya at patuloy na naglakad.
"Dami mong naririnig, ilan ba ang tenga mo ha?" bigla niya akong hinampas sa aking braso. Lumiko kami sa isang building dahil nandoon ang aming classroom.
"Kahit kailan talaga Wendy, napakabully mo. Pasalamat ka nga dahil may maganda kang kaibigan tulad ko" tinawanan ko na lang siya, pag pasok namin sa classroom ay dumiretso na ako sa aking designated seat.
Kinuha ko muna ang bago kong libro na binabasa at umupo. May tatlumpung minuto pa naman bago ang first period, makapag basa muna. Ang ganda talaga nitong Whispers in the Reading Room, ang sarap tuloy mag time travel tapos mararanasan ko ang buhay noong 1800's
Habang ako ay nagbabasa at kinikilig, bigla na lang may kumulbit sa akin. Si Jenica talaga napakakulit.
"Ano?" tanong ko habang pinagpapatuloy ang pagbabasa. Di sumagot si Jenica at kinulbit lang ulit ako. Aba naman tong babaeng to, problema nito?
"Ano ba Jenica, nagbabasa ako di mo ba nakikita?" iritable akong sinabi at tumingin sa kanya. Pag lingon ko ay nagulat ako kung sino ang kumukulbit sakin. Biglang nagtawanan ang mga kaklase ko.
Teacher pala namin! Nakakahiya!
"Hala Ma'am Castro, sorry po" napayuko na lang ako sa hiya. Grabe talaga tong mga kaklase ko, wala man lang nagsabi sakin na may teacher na.
"Please Ms. Reyes itago mo na yang libro mo. Malapit na mag bell." lumakad si Ma'am Castro papuntang unahan at tumayo.
"Okay class since lahat ay nasa akin na ang atensiyon, I would like to make an announcement. You will have a new classmate. No, classmates pala. Unfortunately, di agad makakapasok yung isa dahil nagkasakit. Mr. Dela Rosa come in"
biglang may pumasok na lalaki sa may pinto.
Teka? Dela Rosa ba kamo, ayun yung apelyido nung lalaking sumemplang ah?
Pagtingin ko sa kanya ay laking gulat ko kung sino ang nasa pinto.
Impossible! Siya yung lalaking hambog!
Pumunta yung lalaki sa unahan at nagpakilala. Bakit Dela Rosa din siya?! Impossible talaga.
"Peter Ethan Dela Rosa. I'm from St. Gregory Academy. 18 years old. Nice to meet you all" walang kasigla-siglang banggit niya.
"Sige na Mr. Dela Rosa, you may seat." lumakad na si Ethan papunta sa pwesto namin ni Jenica. At umupo siya sa pagitan naming dalawa. Tinitignan ko siya at sinisigurado kung tama ba itong nakikita ko. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakin.
"Bakit?" tanong niya. Nakakatakot naman ang mga mata niya. Akala mo ay laging galit at naghahamon ng away. Hindi katulad ng kay Ezekiel, nakakahalinang tignan. Teka, bakit ko ba sila pinagkukumpara?
Umiling na lamang ako at itinuon ang atensiyon sa klase. Giyera na namna ito. Ayoko talaga sa Physics, ang sakit sa utak.
Tumunog na ang bell, hudyat na breaktime na namin. Sabay-sabay napabuntong hininga ang buong klase namin at nag unat.
Grabe nakakapagod at ang sakit sa ulo. Magkasunod ba naman ang Chemistry at Physics class namin ngayong umaga at parehong si Ma'am Castro pa ang teacher namin. Ewan ko na lang sinong hindi maumay. Di naman sa nakakasawa si Ma'am Castro, nakakaumay na yung dalawang mahirap na subject na magkasunid. Kaya ayoko mag lunes, dami laging ginagawa, nakakapagod. Niligpit ko ang gamit ko nang bigla akong tinawag ni Jenica.
BINABASA MO ANG
Adore You
RomanceDid I deserve the pain? Did I deserve the treatment? Was sacrificing a right choice? Was it worth it? I can do anything. I can even give my last breathe even if you won't let me love you. But just please.... Let me Adore you..