Sino naman kaya ito? Anong oras na ah. Tumungo ako sa pinto at binuksan. Sinilip ko kung sino ang nasa gate pero wala akong nakita. Sino kaya iyon? Lumapit ako sa gate at tama nga ang hinala ko. Walang tao. Nasobrahan ata ako sa horror kanina. Dali-dali akong pumasok at ni'lock ang pinto.
Tumungo na ako sa kwarto at nag linis ng katawan. Iniisip ko pa rin sino ang kumatok kanina. Nakakatakot. Pinilig ko ang ulo ko at nag isip ng ibang bagay.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magbihis ay dumiretso na ako sa kama. Kinuha ang librong nasa side table at nag paantok.
Halos mag aala una na ay di pa rin ako makatulog tinabi ko ang libro at tumitig sa kisame. Kailangan ko na siguro uminom ng pampataulog, kaso nakakatakot. Baka may side effects.
At nung gabing iyon ay di ko namalayan kung anong oras na ako nahimbing.
Kinaumagahan, mag aala'sais na ako nagising. Mabuti na lang at tuwing martes ay alas nuwebe ang klase namin. Bumangon na ako at bumaba. Tumungo ako sa kusina at nakita ko ang sticky note sa ref.
Wendy,
Maaga ako ngayon at baka malate ako sa pag uwi mamaya. Ikaw na magluto ha. May conference kase ako. Nasa ibabaw ng ref yung baon mo. Wag papalipas ng gutom.
Lovelots~
AteKumuha ako ng tubig sa ref at uminom ng tubig. Pumunta na ako sa hapag at kumain na ng agahan. Napaisip ako, anong oras kaya ako nakatulog kagabi?
Pagkatapos kong kumain ay ginawa ko na ang aking ritwal tuwing umaga. Natapos ako ng mag aalas otso na. Wala naman sigurong masama kung pumasok ako ng maaga. Kinuha ko na ang bag at ang susi ng motor ko. Makapasok na nga.
Wala pang sampung minuto ay nasa eskwelahan na ako. Pinarada ko ang motor at tinahak ang daan papunta ng classroom namin. Sobrang aga ko ata. Habang naglalakad ay biglang may tumawag sakin.
"Uy Wendy!" pagkalingon ko ay nagulat ako kung sino ang tumawag sakin. Ezekiel? Dito pala siya nag aaral.
Tumigil ako at hinintay siya. Pagkalapit niya ay nagtanong ako.
"Dito ka pala nag aaral?" tumango si Ezekiel at nginitian ako. Grabe ang ganda talaga niya ngumiti.
"Sa totoo lang, kakalipat ko lang. Absent nga ako kahapon kase bigla akong nilagnat" sabi niya habang kinakabot ang likod ng ulo niya.
Teka ano daw? Absent siya kahapon? May sakit? Ibig sabihin??
"Ikaw ba yung isa pang transferee? STEM301??" tanong ko sa kanya.
Tumungo siya at ngumiti.
"Oo, STEM ka rin pala. Ayos, buti na lang may kakilala na ako" biglang sumagi sa isipan ko yung bagong estudyante kahapon. Nagulat ako ng bigla siyang dumating.
"Tara na Zeke" at nilagpasan niya kami.
Teka, ano bang nangyayare? Napatingin ako sa kanilang dalawa at napag tanto ko na hawig sila.
Peter Ezekiel Dela Rosa
Peter Ethan Dela Rosa
Hindi kaya??
Habang nagblalakad ay bigla akong napatanong.
"Magkapatid ba kayo?" napatigil yung dalawa at tumingin sakin, si Ethan ay di sumagot.
"Oo, actually kambal kami" sabi ni Ezekiel.
ANO? KAMBAL? ANG LAYO AH
"Eh?" yun lang ang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
Adore You
RomanceDid I deserve the pain? Did I deserve the treatment? Was sacrificing a right choice? Was it worth it? I can do anything. I can even give my last breathe even if you won't let me love you. But just please.... Let me Adore you..